Chapter 21: The Party

Start from the beginning
                                    

"Jane, okay ka lang ba talaga?" Napakurap kurap ako sa muli kong panumbalik sa sarili ko. Ano ba kasing naisip ng isip ko at iyon ang sumasagi sa kanyang kukuti. Para na akong baliw, dahil kinakausap ko sa isip ko ang isip ko. Nakuha niyo ba? Kasi pati ako naguguluhan sa mga sinasabi ko.

"Ahm, simulan na natin?"

"Okay, 1 to 30 lang naman ito. And you have 30 minutes to answer it."

"Sure ka? E ang haba ng 30 minutes para sa 30 items."

"Just answer it." She smirked and go to kitchen. Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

.
.
.
.
.

Grabe lugaw ang utak ko sa mga tanong, kinain ko ang sinabi ko kanina kasi pang dalawahang oras dapat ang time sa tanong na ibinigay sa akin ni Kai.

"You need to review more." Napanguso na lang ako ng makita ang resulta, I can't believed it. Papatayin niya ba ako sa mga malalalim niyang question na ang hirap intindihin at first.

"Sigurado ka bang ganito kahirap ang exam?"

"Ano ka ba Jane? It's just an example, don't worry tutulungan kita. Tsaka alam ko naman na matalino ka." Habang abala siya sa pag aayos ng mga gamit, bigla kong hinawakan ang kamay niya. Ewan di ko din alam kung bakit ko siya hinawakan sa kamay.

"Bakit?" Nakatingin lang ako sa kamay naming dalawa.

"I like....

Ding dong
Ding dong

Inialis ni Kai ang kamay ko sa kamay niya. At agad na pumunta sa may pinto.

.
.
.
.

Kai's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Jane, tila may kuryenteng lumapat sa kamay ko kanina ng hawakan niya ako. Ewan pero parang may something na hindi ko mapaliwanag.

" Kai right?" Nagulat ako sa sinabi ng isang babae na nakatayo sa harap ng pinto. Bakit niya ako kilala?

"7:00pm ang simula ng party, any outfit is allowed. Pakisabi na lang kay Jane na aasahan ko siya sa party ko. Sige aalis na ako." Umalis na din siya agad at ako nakatulala lang.

"Sino yun?" Lumapit si Jane sa akin, at di ko maiwasang mapatingin sa kanya ng diretso.

"Bakit ako kilala ng babaeng iyon?"

"Ah si Anne ba? Hayaan mo na, dating DJ yun ng RMF station at dati ko ding kaklase."

"So...

"Teka may susuotin ka na ba para mamaya?" Hindi na ako nakapagsalita sa tanong ni Jane.

"May dress ako dito, and I'm sure you're gonna love it." Hinila ako ni Jane papasok ng kuwarto niya, at agad na binuksan ang closet niya. Iniabot niya sa akin ang itim na dress.

"Try mo, dali!" Excited niyang sambit.

.
.
.
.

"Woah." Kahit pabulong iyon, rinig na rinig ng dalawa kong tainga ang lumabas mula sa mga labi ni Jane. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso, habang ako hinihila pababa ang dress dahil hindi ako sanay sa ganitong klase ng damit.

"Are you ready?" Inilabas ni Jane ang isang kit, and I think its make up kit.

"Jane, ano kasi? Yang....

"Bakit ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganun, di lang ako sanay sa...
Sabay turo sa suot ko.

" Ah yun ba? Ano ka ba? Ang cute mo nga e." Sabay pisil sa pisngi ko na ikinapula ko naman. Sa kalahating oras na paglalagay ng make up napansin kong buong oras nakangiti ang mga labi ni Jane. Actually, nakaayos na siya ako lang itong pabebe na ayaw magsuot ng ganitong damit.

.
.
.
.

"Jane, nakakahiya." Hindi ako komportable na humarap sa maraming tao na ganito ang suot, pero sa camera 100% may confident ako.

"Ano ka ba? Nandito ako sa tabi mo, di kita iiwan, okay?" Hinawakan ni Jane ang kamay ko habang papasok ng function hall, hinayaan ko na lang iyon. Dahil di ko din kasi alam ang gagawin.

Mga sosyal na tao ang una mong mapapansin sa loob ng hall, kaya medyo OP. Di naman kasi ako sosyal, pero si Jane of course sosyal itong babaeng ito.

"Kai chill ka lang, di naman nangangagat ang mga tao dito. Relax, okay?" Nginitian ako ni Jane kaya napangiti na rin ako. Di ko na rin inialis ang pagkakahawak niya sa kamay ko, mas komportable kasi ako sa ganoon.

.
.
.
.
.
.

Trisha's POV

"Lian, sa tingin mo kung hindi tayo nagkakilala sinong partner mo ngayon?" Napalingon sa akin si Lian habang abala sa pagpili ng sweater na gagamitin ko sa Sydney.

"Bakit naman sa dinami dami ng tanong yan pa ang naitanong mo?"

"Wala naman, napaisip lang ako. Sino kayang babae ang mamahalin ka?"

.
.
.
.

Lian's POV

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa tanong ni Trisha, dahil isang babae lang ang sumagi sa aking isipan ng maitanong niya iyon. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad, pero hindi ko naman alam kung papaano. Oo nakita ko na siya dito sa Pilipinas, pero di ko alam kung saan siya pupuntahan para makausap ng ayos.

"Kanina ka pa tahimik."

"May naalala lang ako. Tanda mo ba yung ikinikwento ko sayong estudyante ko sa Spain."

"Ah oo, si Alexa ba yun? Kamusta na pala siya?"

"Actually, nandito siya sa Pilipinas."

"Really? Teka nagkita na ba kayo?"

"Hindi pa."

"Kapag nagkita kayo isama mo ako ha? Gusto ko mameet ang batang iyon."

"Grabe ka naman sa pagkakasabi ng bata."

"E ilang taon na ba yun?"

"23 na siya."

"O mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Hahaha by the way, salamat sa kanya. Kung di mo siya nakilala for sure di mo matatapos ang apat na taon mo sa Spain. Excited na akong makilala siya." Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi ni Trisha, sana nga ganoon lang kadali iyon.

Kai, I'm so sorry. Sana maintindihan mo ang sitwasyon ko. Kung nasaan ka man sa sulok ng Pilipinas, sana makita ulit kita.
.
.
.
.
.
.

Kai's POV

"Ahhh!"

"Okay ka lang?"

"Okay lang ako." Bigla ko kasing nakagat ang dila ko habang kumakain ng salad, sino naman kaya ang nakaalala sa akin sa mga sandaling ito.

Tweet tweet SMS

Napalingon ako sa pouch ko, kinuha ko agad ang cellphone ko.

"Kai, nandito ako sa tapat ng bahay niyo."

Isang text ang biglang mas lalong nagpagulo ng iniisip ko.

"Sinong nagtext?"

"Ah wala, 8008 lang. Expired na daw ang load ko." Pagsisinungaling ko kay Jane.

"Okay, after natin kumain doon tayo malapit sa table ni Anne."

"Okay."

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now