"Bruh, akala ko talaga malungkot ang birthday mo eh." Tinapik pa ako sa balikat ni Al.

   "Akala ko rin." Sagot ko sabay bukas ng alak at ininom iyon.

   "Know what Al, sobrang saya ko at nakilala ko si Eros." Seryosong sabi ko sa kanya.

   "Halata nga. Samantalang dati lagi kang galit sa kanya."

   "Kaya nga eh, pero habang tumatagal na magkasama kami sa iisang bahay ay nalalaman ko yung pagkatao nya. She's so fragile sa kabila ng kakulitan nya. Alam mo yun, magugustuhan at magugustuhan talaga sya ng kahit na sino dahil sa ugali nya. Ngayon, masasabi ko talagang masarap magmahal ng immature." Tumungga ulit ako sa alak na hawak ko.

   "Ang sabihin natin, masarap magmahal ng bata." Natatawang sabi ni Al. Napangiti naman ako sa sinabi nya at nagtoast pa kami.

   "Kayo ni Sam, kumusta naman kayo?" Tanong ko sa relasyon nila.

   "Just like you, masaya rin ako sa kanya. Di ko nga akalain na mamahalin ko sya ng sobra." Seryosong sagot nya sa akin.

   "That's nice to know." Sang-ayon ko sa sinabi nya.

   "Plano ko nga, pag nakagraduate na sila next school year ay aayain ko na syang magpakasal."

   "Really?" Natuwa naman ako sa sinabi nya. Seryoso na talaga sya kay Sam.

   "Yes. Di ko na papatagalin bruh, baka mauntog makahanap ng iba." Biro nya naman.

   "Malabong mangyari yun. Halatang in love naman sya sayo eh, kahit kalbo ka."

   "Pakyu ka talaga kausap Kyrie. Wala kang kwenta."

   "Pero seryoso, anong plano mo sa relasyon nyo ni Lei?" Tanong nya sa akin.

   "Honestly, I don't know. Nakita mo naman yung nangyari nung all-star diba? Baka pag sinabi kong kasal na kami ay mas lalong lumala yung sitwasyon." I clenched my jaw.

   "Alam mo Kyrie, wala naman na silang magagawa kapag nalaman nilang kasal na kayo eh."

   "Sabagay, may point kang kalbo ka." Kinutusan ko pa sya sa ulo.

   "Aray ko, gago ka talaga!" Reklamo nya naman.

   Natahimik ako dahil iniisip ko yung sinabi ni Al. Bahala na nga. Basta kahit anong mangyari hindi ko papabayaan si Eros.

   "Congrats bruh!" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Al.

   "Congrats? Para saan?"

   "Kasi nakamove on ka na sa babaeng nanakit sayo. Kaya ka nga nagloko sa mga babae diba?"

   Naningkit yung mga mata ko dahil sa sinabi nya. "Pwede ba bruh, wag ka na magbanggit nang tapos na." Saway ko sa kanya. Inisang tungga ko naman yung inumin ko.

   "Relax lang bruh, sorry na!" Nakataas pa yung kamay na sabi nya.

   "Mukhang seryoso usapan nyo ah?" Sulpot ni Eros kasama si Sam. Napatingin naman ako kay Al baka kasi narinig nila yung usapan namin kanina.

   "Hindi, nag-uusap lang kami tungkol sa nalalapit na finals." Pagsisinungaling ko.

   "Ah." Sagot nya lang. Napansin kong nakapantulog na sila ni Sam.

   "Hon, inom ka?" Alok ni Al kay Sam at inabutan ito ng isang beer.

   "Thanks. Tinanggap nya naman iyon.

   "Iinom din dapat si Lei, birthday ni Kay-Kay nya eh." Kantyaw ni Al kay Eros.

   "Hehe, naku di ako nainom kuya." Pagtanggi ni Eros.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz