Kabanata 19

565 17 2
                                    

Kabanata 19

I went in a coffee shop alone, balak ko kasing tikman ang kanilang bagong specialty sa paborito kong coffee shop na malapit lang rito sa aming school.

Nakakainip din kasi sa bahay lalo na't nasa bakasyon pa si Nella!

Naupo ako malapit sa glass window nitong coffee shop matapos kong sabihin kung ano ang order ko.

Bigla namang bumukas ang pintuan, hudyat na may dumating na customer. Hindi ako lumingon at tumingin lang sa labas. 

"Ms. Calli!" tawag sa akin nung waiter

Tumayo ako at lumapit sa counter at kinuha ang aking order na may pangalan ko.

"Thanks!" I said

"Calliope?" napabaling ako sa katabi ko

Bahagya akong nagulat nang makita ko siya rito...

"Reece..." Nag-aalangan ako kung susundan ko pa ba ang sinabi ko pero napagdesisyunan kong huwag nalang

"Oh! I didn't know na... gusto mo rin pala rito." nakangiti niyang sabi

Nahihiya akong ngumiti bago siya sinagot "Ah... yeah." sagot ko

Naglakad ako kasama siya papunta sa mesa ko. Naupo ako at tiningnan siya, nagtataka.

"Hmm, May I seat?" pormal niyang tanong

"Of course, Reece." wika ko at bahagyang natawa

He's so funny today huh? What happened?

"How are you?" he asked

"I'm good..." naitikom ko ang labi ko cuz fuck nakikita ko si Zael sa kaniya!

Nag-iwas ako ng tingin at ininom ang aking kape. Seeing him is like I'm seeing Zael! Kaya siguro, mas mabuting huwag nalang siyang tingnan.

But I realize, they're different in their own ways. Nakakainis! Bakit ko sila pinagkukumparang dalawa?!

I shook my head!

"Nagka-ayos na ba kayo ni Zael?" may pag-iingat sa kaniyang tanong

Uminom muna ako bago siya sinagot at lingunin.

"Last time I checked, mukhang hindi pa." saad ko

He chuckles a bit.

"Hayaan mo na muna ang isang iyon." tawa niya "Nakaraan nitong araw, lagi nalang siyang naglalasing at laging mainit ang ulo." kwento sa akin ni Reece.

"Talaga? Bakit daw?"

Oh, really Calliope? You really wanna know?

"Well, I don't know. Madalas niyang makainuman ang mga pinsan mo't mga kasama niya sa varsity." nagkibit balikat siya

Kumunot ang noo ko.

"Mga pinsan? You mean kasama si Tyler? Hindi naman umiinom si Tyler ah?" tanong ko

"Yeah hindi nga umiinom sina Tyler at Porter..." he laughed "... sumasama lang ata sila para mang-ubos ng mga pulutan e!" halakhak niya

Bigla akong na-amuse... Hindi umiinom si Porter? But he really looks like he does!

"Hindi umiinom si Porter? But I think I saw him drinks." hindi sigurado sa naisip

"Noon iyon... Eh, nagka-girlfriend na. Kaya tumigil siguro sa pag-inom." aniya

"Sinong girlfriend ba?" usisa ko

Ininom niya ang kaniyang kape, at sandaling nag-isip.

Madalas magkasama sina Porter at Tyler, kung minsan naman ay kasama ni Porter ang mga nasa varsity. Isang beses ko lang atang nakitang may kasamang babae si Porter e, and it was last last month pa!

If I Stay Where stories live. Discover now