"Online ka agad pagdating mo dun ha. I'll wait for you." sabi ko.

"Opo." aniya.

"Susunod ako sayo." dagdag ko pa. Tumango siya saka na niya ko hinalikan at muling niyakap.

"Jules, time to go." paalala ni Kuya Fort.

"Sige na, baby. Baka maiwan ka ng plane. I love you."

"I love you too." aniya. Pagkatapos ng huling yakap kay Kuya Fort at Ate Steffie ay pumasok na siya ng tuluyan sa departure area.

"Come on, big guy." ani Kuya Fort saka ako inakbayan papunta sa kotse.

"Dude, don't sulk." sabi ni Axel.

Andito ako ngayon sa condo niya at nakatambay sa sala. Hinihintay namin dumating sina Kevin at Jack para maglaro ng video games.

"Game na!" bungad ni Kevin pagpasok na pagpasok sa unit ni Axel. "Jack, dali!" tawag niya kay Jack.

Agad na ini-on ni Kevin ang xbox at binigay sa akin ang isang controls.

"Change the loser." sabi niya saka na sinet-up ang game.

"Oh. Problema niyan?" tanong ni Jack pagkapasok niya.

"Eh diba nga ngayon umalis." sabi ni Axel sabay abot ng beer sa dalawa. "Kanina pa tulala yan eh."

"Ayun lang." sabi ni Jack. "Dude ako muna ha?" paalam niya sa akin sabay kuha ng controls sa kamay ko.

"Ha? Ah... Sige."

"Wala na. Emo na." iiling-iling na sabi ni Kevin. "Wag ganun dude. Baka mahirapan sa byahe yun kapag ganyan ka."

"Tss. Di ko lang talaga maiwasan di malungkot." sabi ko.

"Sus. Para namang di kayo magkakausap mamaya. Eh panigurado namang sunog laptop, phone at iPad kayo niyan eh." sabi naman ni Jack.

"Baka nga hindi eh. She's enrolled to a review center for the board exams kaya magiging busy din yun."

"Nako. Knowing Julie, kahit gaano kabusy yan basta para sayo, madami siyang time no." sabi ni Axel.

"Oo nga." sabay na sabi ng dalawa.

"Ay anak ng! Hoy bawal yan!" sigaw ni Jack kay Kevin. "Walang banggaan dude!"

"Aba. Kasalanan ko bang tanga ka magdrive? NFS na lang nga yan ang tanga mo pa?!" banat naman ni Kevin.

"Oh. Magpapatayan na yan oh! Hahahaha." biro ni Axel.

Inagaw ko ang controls kay Jack saka nilabanan si Kevin sa NFS.

"Damn! Tag team pala to!" comment ni Kevin nang matalo ko siya.

"Bwahahaha. Manok ko yan, dude. Partida, Mr. Lonely yan ngayon ha?" asar naman ni Jack sa kanya.

"I'm going home." sabi ko pagkatapos.

"Agad? Ngayon pa lang ako nachallenge sa game dude. Wag ganun!" sabi ni Kevin.

"Julie will call anytime soon. Uuwi na ko." sabi ko at saka na lumabas ng unit ni Axel.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko si PeeWee na nakaupo sa stairs sa may main entrance.

"What's wrong?" pagtataka ko.

"Hi, kuya." aniya.

"Bakit ganyan itsura mo?" nagkibit-balikat lang naman siya kaya tinabihan ko siya.

"I miss her already." sabi niya.

"I miss her too, PeeWee." sabi ko. Her name wasn't mentioned but we are on the same page, my sister and I. Because Julie has a huge part in our lives.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now