Chapter VIII

139K 2.1K 238
                                    

Aizelle's POV

"Aizelle, kita na lang tayo doon sa registration booth mamaya okay? Don't forget to be there as early as you can. Mamimili pa tayo ng Mr and Ms Face of the night, lahat ng coordinators kailangan nandoon." Agnesse instructed while we were on our way outside the building. Napatingin ako sa wrist watch ko. Buti na lang ay day off ko ngayon, nagpa-swap ako ng rest day as soon as I heard the exact date of tonight's event. Tonight is the big day for all the Engineering Students. We need to make sure that all students will have their seats. We requested for extra chairs, at least one hundred extra just in case. Nakakastress pala maging coordinator, nakakapressure dahil pag may konting mali pwede kang masisi. "Oh, magti-three o'clock na pala. Aizelle, magpahinga ka na at umuwi, kailangan natin ng lakas mamaya. I'll see you later!" She waved, walking away and leaving me there.

"S-sige. Bye.." I trailed off.

I heaved a sigh when she's finally gone. I can breathe now. Kanina pa kami paikot-ikot sa buong University just to make everything clear to everyone and that nothing would go wrong for tonight's event.

I don't know where Drei is. Excused kasi ang mga coordinators the whole day kaya pwede na ako'ng umuwi. I'm sure na may klase pa sila. I didn't get to see him the entire day because we're both busy. Saka hindi naman s'ya aattend mamaya sabi n'ya. Anyway, Agnesse was right. We need to rest for tonight's event.

Umuwi na ako at naabutan ko sa kusina si Auntie na nagtetext at nakakunot ang noo. Nagulat pa s'ya nang makita ako'ng naghuhubad ng sapatos.

"Maryosep kang bata ka! Akala ko kung sino! I-lock mo 'yang pinto at baka pumunta na naman si Aling Using para maningil!" She said nervously. I rolled my eyes and heaved a sigh.

"Binayaran ko na po ang utang n'yo. Dumaan ako dun kanina, siningil na ako." I said and made my way upstairs. Hindi naman na s'ya sumagot. Siguro parang nabunutan na s'ya ng tinik sa sinabi ko. Nagastos ko na naman tuloy ang pera ko, hindi pa naman din nagbabayad si Miko sa akin. Umutang kasi siya sa akin mga isang linggo na ang nakalipas. Ilang araw na rin s'yang hindi umuuwi sa bahay.

Napahiga ako sa kama at napabuntong hininga. Hindi ako mapakali kanina pa, hindi ko man lang nakita maghapon si Drei. Hindi man lang n'ya ako naisipan na puntahan sa Student's lounge kaninang lunch. He has a phone and he could contact me but he didn't the entire day. Ewan ko ba! Nakakainis, I know that there is no commitment or it's not his obligation but he could at least let me know where he is so I could go and see him. I really got used to being with him.

"Aizelle!" Muntik na ako mapatalon sa gulat. I didn't notice that I fell asleep. I rubbed my eyes and yawned "Oh, may dumating na box para sa sa'yo. Ang laki laki! Mukhang galing sa school n'yo. Aalis ka ba ngayon?" Maligalig na sabi ni Auntie habang hawak hawak ang malaking box. It's a white box with pink ribbon. Napakunot ang noo ko dahil 'don.

"Kanino raw po yan galing?" I asked while rubbing my eyes. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod. "Ang laki laki naman"

"Aba, ewan ko. Basta may nagbigay na lalaki, mukhang mayaman. Akala ko nga kung sino, pinabibigay 'yan isoot mo raw mamayang gabi."

"Ano naman daw po ang pangalan?" I curiously asked while examining the box. I took it from her and shook it a little.

"Huwag mong alugin gaga ka!" She paused and tapped her chin. Pumamewang siya sa akin. "Lalaking medyo may edad na e, hinahanap ka nga sabi ko tulog ka. Hindi sinabi 'yung pangalan. Buksan mo nga, pakita ako" Sabi n'ya. Mukhang mas excited pa si Auntie sa akin.

I glanced at my wrist watch, it's almost five in the afternoon. Kailangan ko na siguro maligo. Eight pa naman ang start ng event kaya lang kailangan maaga kami doon. Hihikab-hikab pa ako'ng binuksan ang box pero namilog ang mga mata ko nang buksan ko na ito.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon