The feels... Ganong ganon ako. Pilit akong nagta-trabaho para hindi mabaon masyado yung sakit kahit na alam kong baon na baon na.

"After two years, I saw his fingers move. Halos magkandadapa-dapa na ako sa pagkataranta matawag lang yung doktor. Nalimutan kong may intercom naman. Tumakbo pa ako. Lahat kami ay nasa tabi ni Zach nang magmulat siya ng mga mata. Tinitigan lang niya kami sandali. Saka itinanong ni Tyler kung kilala raw ba siya nito kasi baka nagka-amnesia na si Zach. Inisa-isa niya silang lahat. Yung mga pangalan pati na rin kung ano sila sa buhay ni Zach. Nang magtama na ang tingin namin, gusto ko siyang sugurin ng yakap. Ang tagal niya bago magsalita. Kinabahan tuloy ako. At para namang dinikdik ang puso ko nang pinong pino nang tanungin niya kung sino raw ako."

Saglit na tumigil si Charlene. Pinahid ko naman ang gilid ng mga mata ko. Kwento pa lang niya, nadadala na ako sa sobrang sakit. Ganon din si Cheska.

"Selective amnesia. Kagaya ng mga nababasa at napapanood natin, kung sino ang huling tao at ang pinakang iniisip niya nang mga sandali bago pa siya maaksidente, yun ang taong hindi niya maaalala. Gayunpaman, hindi ako nawalan ng pag-asa. Kagaya rin ng mga nababasa ko, puso ang nagmamahal. Hindi ang mata kaya maaaring maalala niya ako. Ginawa ko ulit ang lahat. Nag-effort ako. Ako na yung nanligaw. Ako na yung nanuyo. Ako yung nangulit. Alam kong naaasiwa na siya sa kakulitan ko at pagsunod-sunod ko sa kanya pero dahil mabait si Zach, pinilit niya akong pakisamahan. He is shooing me in the most gentle way he knows but it hurts just the same. No matter how gentle he did it, he still is getting rid of me."

Pinunasan niya yung mga mata niya at ilong.

"Tatlong taon at kalahati kaming ganon. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang tumagal nang ganon. Ni hindi ko nga maramdaman ang sarili ko non eh. Pakiramdam ko, sa sobrang pagbibigay ko ng sarili ko at pagmamahal ko kay Zach, naubusan na ako para sa sarili ko. Pakiramdam ko rin, nagmanhid na ang buong katawan ko. Hindi ko na maramdaman ang puyat, ang pagod... ang sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako maalala. Ginawa ko naman lahat eh. Inulit ko lahat ng bagay na pwedeng magpabalik ng alaala niya. Naisip ko na imposible namang mangyari na magkaroon siya ng selective amnesia and at the same time, short-term memory loss. Yung tipong kahit lagi niya akong kasama, konting lingat lang niya, hindi na niya ulit ako kilala. Ganoon ang laging nangyayari. Lagi ko siyang dinadalaw at sinamahan. Lagi rin niya akong tinatanong kung sino raw ba ako at kung ano ang pangalan ko. Naisip ko nga noon. Hindi kaya sign na yun? Sign na para tumigil na ako dahil baka hindi naman talaga si Zach ang lalaking para sa akin? Paano kung hindi ako yung para sa kanya at nakaharang lang ako sa daan ng babaeng talagang nakalaan para sa kanya? Doon nagsimula ang what ifs ko. Si Tyler ang nag-console sa akin nang mga sandaling yun. Sabi niya, wag ko raw sukuan si Zach. Madali para sa kanilang isipin. Masakit para sa akin na gaiwn."

Relate na relate ako kay Charlene. Magkaiba man ang nangyari sa amin, halos parehas pa rin ng pinagdaraanan at nararanasan.

"Isang gabi, ako na mismo yung sumuko. Ako na mismo yung bumitaw. Ako na mismo yung bumigay. Baka nga tama ako. Baka hindi ako yung nararapat para sa kanya. Maybe it is fate's way of cutting off the unwanted and undestined strings and tying the real pair. Masakit man isipin, pero yun nga siguro yun. Letting go hurts, but holding on is a lot worse. Lumayo ako. Kung saan-saan ako pumunta for three years. Nag-soul searching. Hindi ko na kasi nakilala ang sarili ko. Sa sobrang pagpapaalala ko kay Zach kung sino ako sa buhay niya, nalimutan ko kung sino nga ba talaga ako. Nag-resign na rin ako kina Tyler. Nagpaalam ako sa kanilang lahat, bukod kay Zach. Bakit ako magpapaalam sa kanya? Ni hindi nga niya ako kilala eh. Nagkaroon ako ng mga boyfriends sa ibang bansa pero hindi nawala yung sakit. Hindi rin ako nakalimot. Mahirap eh. Sobrang hirap. Pati pamilya ko, iniwan ko para hanapin ang sarili kong nawala. Until I found Cups and Cakes. Naisip ko na baka kapag pinalibutan ko ang sarili ko ng matatamis, mawala yung pait. Hindi nawala pero nakatulong kahit kaunti. I never moved on but at least, the wounds are starting to heal bit by bit. Until Tyler came here. Last year pa siya regular customer dito pero ngayon lang niya ako nakilala. Napaisip na naman ako. Hindi kaya ganon nga talaga ako kadaling kalimutan?"

HF 2: His ThantophobiaWhere stories live. Discover now