Chapter 30: Moonlight

Start from the beginning
                                    

I haven't seen myself yet but Rushmore's father has been BHO CAMP's designated wedding beauty stylist since forever. Kaya kahit hindi ko pa nakikita ang sarili ko hindi ako natatakot. Isa pa iyon naman ang gusto ko. Pinatakpan ko lahat ng salamin dahil ayoko pang makita ang repleksyon ko. Pakiramdam ko kasi mag ha-hyperventilate ako any moment.

"Hindi naman kotse mo ang hihingin namin. Baliw." sabi ko.

"Eh ano?"

Tumingin ako sa kisame na animo nag-iisip. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong hihingin ko sa kaniya. "Ipangalan mo sa'kin ang magiging anak mo?"

"Hindi pwede. Hindi ako makakasabay sa trend." sabi niya na ang tinutukoy ay ang uso sa mga agent na ngayon na ipinapangalan sa alcoholic beverages ang mga anak nila.

Nagkibit-balikat ako at nag-isip pa ng iba. Nagtama ang mga mata namin ni Athena at parang may nagdaan sa amin na pagkakaunawan dahil pakiramdam ko alam ko na kung ano ang nasa isip niya. "Alam ko na. Ask Will for a date again."

Hera rolled her eyes. "Thunder already asked me to do that. I went out with him once."

Muling nagkatinginan kami ni Athena. Parang ang sarap batukan ni Thunder. Kahit pa na pinsan ko siya. Obvious na obvious na ang pagtingin niya kay Hera pero nagpapakatanga pa rin. "Then go out with him again. Pero kailangan ko ng proof. Dapat may sweet selfie kayo."

"Huwew."

Pinagdikit ko ang mga labi ko para pigilan ang tawa na gustong kumawala mula roon dahil sa reaksyon ng babae. "Ano? Game?"

"Fine. As if naman matatalo mo ako ulit. Game of luck nga di ba? Hindi naman siguro sobrang unfair ng mundo para ikaw ulit ang manalo sa round na 'to."

"True." I told her and flash a bright smile at her.

Kumuha si Chalamity ng papel at sinulat ang salitang "date" roon bago ibinigay iyon sa nakangusong si Hera. Muling nag deal si Athena at katulad kanina ay hindi ko pinansin iyon. Tinaasan ko ng kilay si Hera para hintayin siyang mauna sa pag bet. Nang mailagay niya sa banker ang papel niya ay saka ko inilagay ang chips ko sa player side at nakita kong gano'n dina ng ginawa ni Chalamity na naghihintay lang sa kilos ko.

Usually, sa banker ako tumataya. Mas malaki kasi ang tiyansa na manalo ro'n at mas malaki rin ang balik na chips kesa pag sa player ang nanalo. But I just want to bet on the player's side this time.

Napapitlag ako ng humalakhak si Athena na sumilip sa cards sa harap. Inikot niya iyon para ipakita sa amin at maging kami ni Chalamity ay napatawa nang makita namin kung sino ang nanalo.

"Ang daya niyo!" reklamo ni Hera.

"Malas ka lang talaga, ate." sabi ni Chalamity.

"Tinawag mo pa kong ate, binastos mo naman ako." Maingat na pinahid ko ang luha sa gilid ng mga mata ko dahil sa kakatawa ko habang si Chalamity naman ay napadausdos na sa sahig. "Oo na, oo na. Talo na."

"Don't forget the pictures." I reminded her.

"Fine!"

Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko na phone nang maramdaman ko ang pag-vibrate no'n. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko na nag message si Archer. Binuksan ko ang mensahe at mas lalong lumawak ang ngiti ko sa nakita. It's a picture of the BHO CAMP boys fooling around at the van they're currently at. Pa-selfie niya kinuha iyon pero hanggang labi at leeg lang ang kita sa kaniya.

We're both taking the wedding superstition seriously. Kaya kahit electronically o literal man ay hindi kami nagkikita mula pa kahapon. Kahit na nasa kabilang panig lang siya ng BHO CAMP. Para wala ng maireklamo pa ang tadhana. Nothing can stop this wedding to happen.

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now