After Years

368 17 0
                                    


-
"Maddie, here!" Lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses and there I saw Therese waving her hand. Ngumiti ako kumaway pabalik tsaka pumunta sa table nila.

"We missed you, flyfly!" They all said unison. Nagkaroon ng mini reunion ang ALE. Halos kumpleto kami peroㅡ

"Hello there Maddie? Maddie Hello?" Nagitla naman ako tumingin kay Pong.

"Ay sorry! Hehe." Umupo na ako umupo sa tabi ni Tey.

"Ikaw ha sinong hinahanap mo, ate Maddie." Sabi bi Deanna may pangaasar na tono.

"Tss. Wala ikaw talaga. Halika nga dito." Sabi ko at niyakap ko si Deanna.

"Aww. Miss you too, Mommy!" Then we hugged each other. Ganyan talaga tawag niya sa'kin noong nasa awvt pa ako tapos kay Bㅡ I mean she was like my daughter.

"Nako, Maddie bigatin ka na talaga hirap magpa sched sa'yo." Sabi ni ate Ella.

"E pano ba naman, Doc Madeleine Madayag na 'yan, mana sa'kin!" Sabi naman ni ate Den.

"Sorry, medyo busy lang po talaga." Sabi ko at nag peace sign.

"Beh, baka di makarating." Bulong sa'kin ni Jho.

"Ha?"

"Baka di siya makarating."

"Sino?"

"Hay nako maangmaangan pa 'to. Si Bea kase!" Sabi naman ni Tey na nakikinig pala sa gilid ko.

"Ha? Ah okay." Sabi ko na lang at tumango.

Medyo nakahinga ako ng maluwag. Aaminin ko, siya talaga yung dahilan kung bakit lagi kong tinu-turn down yung invites nila sa gantong reunion kasi hindi pa ako handang makita si Bea.

Sa tingin ko nga hanggang ngayon kahit ang haba na ng lumipas na panahon hindi pa din ako handa, at hindi ako magiging handa na makita siya.

Halong takot, hiya at sakit ang nararamdaman ko.

"Ate Mads, anong drink mo?" Tanong ni Deanna sa'kin.

"Ah... Ano na lang sa'kin beㅡ"

"Eyyyy!" Rinig kong sigaw nila kaya napalingon kami ni Deanna.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kala ko ba hindi siya pupunta? Bakit nandito siya?

"Huy Mads!"

Napakagat ako sa labi ako habang tinititigan siya habang papalapit sa table namin. Isa isa niyang binati ang mga kaibigan namin. Siguro hindi niya pa ako napapansin kasi nasadulong bahagi ako ng table.

Napakapit ako sa kinauupuan ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa upuan ko. Hinga, Maddie. Hinga.

Nagtagpo muna ang mata naming dalawa bago siya tuluyang nakarating sa harap ko. Napasinghap ako, anong gagawin ko? Hindi pa 'ko handa.

"Hey."

Bigla naman akong siniko ni Therese. Nasa harap ko na siya. Tinignan ko ang paligid, lahat sila nakatingin wari bang hinihintay kung anong mangyayari.

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang ngumiti ng kaunti. "Long time no see." Casual niyang sinabi.

"Ah... Oo." Tangina. Anong sagot 'yon?

Hindi ko 'to kaya. Hindi ko pa kaya. Ano bang gagawin ko?

"Ate Bei!" Biglang agaw na atensyon ni Deanna at hinigit si Bea mula sa harap ko.

"Hoy! Ayos ka lang ba?" Napapikit ako at napa hugot ng malalim na hininga.

"Cr lang ako." Sabi ko at tumayo.

Pumunta nga ako ng cr at naghilamos. Ano ba, bakit parang okay na siya? Okay na ba siya? Tangina naman Maddie! Malamang! Andami niyang rason para mag move on sa'yo. E ikaw? Wala. Wala kang rason, kasi ikaw yung nangiwan, ikaw yung bumitaw.

"Ang tanga mo!" Sigaw ko na lang at napaluha.

Pumasok ako sa isang cubicle at 'don nilabas lahat ng luha ko. Gusto ko paglabas ko okay na 'ko. Dapat okay ako.

Matapos ang ilang minuto lumabas na ako at dumiretso sa table namin.

Nakaupo sa siya sa side nina ate Ly at nakikipagkwentuha. Umupo na ako sa tabi ni Therese.

"Ano, okay ka lang ba?" Ngumiti ako at tumango.

"Ate Mads, naalala ko hindi ka na pala nainom kaya kinuhanan nalang kita ng juice." Sabi ni Deanna at inabot sakin ang isang naso ng orange juice.

Simula ng maging doctor ako, occassionally na lang ako umiinom.

Napatingin ako sa beer na dala din ni Deanna. Pede bang kahit ngayong gabi lang lunurin ko lahat ng nararamdaman ko? Hindi naman siguro masama. Ngayon lang naman.

"Hindi. Iinom ako ngayon." Sabi ko. "Penge akong beer." Sabi ko tsaka ako inabutan ni Deanna ng beer.

Naguusap lang kami ni Therese habang umiinom. At kung paminsan minsan sinisilip ko si Bea. Okay na talaga siya. Sana ako din.

"Okay guys!" Pumalakpak si ate Den. "Let's play! Spin the bottle. Truth lang tayo lagi. Pag ayaw sagutin, one shot ng tequilla!" Nag-agree naman lahat. Ako medyo mabigat na yung ulo ko dahil bukod sa beer ay may umiikot din na shot at panay ang abot ni Deanna sa'kin na tinatanggap ko din naman. Pero kaya pa naman kaya tumango ako kahit di ako sure.

"Nice Bea! Buena mano ka!" Jhoanna shouted nang tumapat kay Bea ang bottle.

"At dahil una ka, dun tayo sa mainit na tanong. Okay ka na ba? Naka move on ka na kay Maddie?" Tangina. Ready ba 'kong marinig 'to?

Napainom uli ako ng beer. Shit.

"Oo naman." She said at bahagyang tumawa. Tumingin siya sa'kin "I think we both deserve to be okay naman na."

Napahiyaw naman sila. Habang ako patuloy na umiinom ng beer. Pabigat na nang pabigat ang ulo ko. Medyo napapapikit na din ako habang tumatagal sila sa laro.

"Maddie!" Sigaw ni Therese kaya napatingin ako sakanya. Bigla naman siyang ngumuso at tinuro ang bottle na nakatapat sa 'kin.

"Game!" Wala sa sarili kong sigaw sabay tayo, palakpak at inom uli ng beer. Kaso napaupo ako bigla.

"Okay ka lang ba?" Sabi ni Therese at inalalayan ako. Sus yun lang yung tanong? Nice.

"Guess what?" Napatingin sila sa 'kin including Bea. "Hindi pa!" Sigaw ko at tumawa pa. Wala na tuluyan nang lumakas ang loob ko.

"Teka Madeleine! Ayos ka lang ba? Kaya mo pa ba?"

"Kaya ko pa, Tey. Pero di pa ako ayos. Hehe" nagsalong baba ako at tinignan si Bea at ngumiti ng mapait.

"Di pa ako okay, Bei."

"Lasing na siya, wag nyo na painumin." Rinig kong sabi ni ate Den.

"Di pa..." Nagpunas ako ng luha, "ako okay." Pagtutuloy ko at napasinok. "Pano 'yun, Bei?" At tuluyan na nga akong naiyak. Niyakap ako ni Therese at dun ako humagulgol. Ang sakit, ang sakit sakit.

Napamulat ako at wala na ako sa tabi ni Tey. Nasa sasakyan ako. Nasan ako? Medyo ramdam ko pa 'yung dulot ng alak sa sistema ko pero medyo magaan ngayon.

Nagulat ako nang bumukas yung pintuan ng driver's seat. Si Bea. Teka, si Bea?!

"Here, para mahimasmasan ka ng konti." Sabi niya at inabot sakin ang isang bote ng malamig na tubig.

"Salamat." Sabi ko at ininom 'yon. "Uh, nasan sila?"

"Unuwi na." Sabi niya.

"Ahh, sige uwi na din ako." May dala din kasi akong kotse. Papasundo na lang siguro 'ko sa driver namin.

"Kinuha na ng driver nyo 'yung car mo. Pinakuha ni Tey. Hindi muna kita pinauwi kasi alam kong ayaw mong magpakita kay tita ng wasted ka."

"Salamat."

"Okay ka na diba? I'll drive you home."

Teka, kailangan kong magsalita. Mageexplain ako.

"About sa kanina..." Matapos kong banggitin 'yon parang nawalan ako ng isusunod na salita kaya nanahimik kami pareho.

"Worth it naman diba?" Bigla niyang sinabi habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya at nakayuko.

"Ha?"

"Look at you, ang successful mo na. You finally reached your dream." Sabi niya nang hindi pa din tumitingin sa 'kin.

"Worth it naman pala 'yung pagiwan mo sa 'kin." Sabi niya at bahagyang napangiti ng mapait.

"Bea..." I looked at her and all i can see is pain in her eyes. "Im sorry."

"No. Don't be. Kung 'yan ang kapalit nang pag-iwan mo sa'kin noon, ayos lang. As long as you're happy. That's what matters the most." Tuluyan na akong napahagulgol.

"But, I can't help asking myself kung bakit hindi mo na lang ako sinama sa'yo habang inaabot 'yung pangarap mo. Am i really bad for you?"

"No... Hindi ganon 'yun. Wag mong isiping ganon. Ako 'yung problema. Hindi ikaw."

Sa wakas ay nagtama na ang paningin namin nang lumingon siya sa'kin. Parehas may luha sa mga mata.

"So bakit?" sabi niya at nag;unas ng luha bang nakangiti ng mapait.

"Walang tama at sapat na rason para iwan ka pero sana alam mong hindi ko ginusto 'yon at sa araw-araw pinagisisihan ko 'yung desisyon na iwan ka. You were the best thing that happened to me. And I don't know it just happened that I actually did make a huge mistake, leaving you. Im sorry, Bea. I know you're okay na pero sana you can forgive me."

There was a long silence after that. Finally after years, I was able to ask for forgiveness. Hindi ko man makuha 'yung chance ulit, atleast ito man lang.


"And no Maddie, im still not okay." Sabi niya at pinunasan ang luha habang bahagyang nakangiti.

Hindi ko alam pero may kusang lumabas na ngiti sa labi ko.

"Will you accept me again in your life, Bei? Can you give me another chance?" Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Always, Maddie. Always."

"Thank you." I smiled. "I will not fuck up this time, I promise."


- - x

Skinny's note: Hindi lahat nabibigyan ng chance katulad ni Maddie hakhak. Okay skl. Don't waste your chances, loves. Love like it's the only thing you know. And please, drink responsibly to avoid being in an awkward situation the morning after. HAHAHHA. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yuan FenWhere stories live. Discover now