Kinagabihan....

Habang nag la-laptop ako ay naiisipan kong i-stalk yung Jonas. Baka naman family lover siya o pet lover. Baka sakaling mag kasundo kami.

"wala?"-me

Walang account. Ano kaya yung taong walang facebook account?

"Pfft"-me

Inistalk ko na lang yung James. At nagsend ako ng friend request.

Uy pogi.

Inistalk ko siya at mukhang bibo siyang bata sa mga sports. Dami niyang picture na may award at kung ano anong sport outfit ang suot.

"Woaaah. MVP"-me

Hilig ko ang larong badminton at mukhang magaling din siya dito.
Yung Jonas kaya? Gusto ko makipag kaibigan dun para mawala na yung death threat. Baka totohanin niya yun.

(On chat)
"Nandidito ako sa labas ng unit mo"-Mikey

Agad naman ako napatayo at nag tungo sa pinto sabay bukas ng pinto.
Napatigil ako ng isang malakas na hangin ang humampas sa akin. Ang lamig.
Tumingin ako sa paligid. Walang tao.
Nangibabaw ang takot sa akin.
Sinara ko ang pinto at nilock ng maigi. Bumalik ako sa kuwarto ko at nag reply kay Mikey.

(On chat)
"Baliw ka"-me

Ayaw masend nung reply ko na yun. Di ko alam kung bakit. Di naman ako naka block. Nabura din yung sinend niya sa akin na message.

"Luhh"-me

Nakapagtataka.

Kinabukasan....

Nagising ako sa mga ingay na nakakabulabog. Tila ang daming nag tatakbuhan sa labas. May mga boses pero di pamilyar. Bumangon ako at sumilip sa peephole.

Mga Pulis...

Agad ako napalabas dahil baka kung ano nangyayari. Mamaya may raid na pala tapos mapagkamalan pa akong drug pusher.

"Anong nangyayari?"-me

Nag tungo ako pababa dahil dun ang direksiyon ng mga ibang pulis at ang iba naman ay sa taas.

Sa pag baba ko sa first floor ay nag lakad ako sa hallway kung saan sa harap ng unit nila mikey ay may mga pulis na nag uusap usap. Anong nangyayari? Drug dealer ba sila mikey at di ko lang alam?

"Excuse me po"-me

Lumapit ako sa isang pulis malapit sa pinto sa unit nila. Napasilip ako sa loob. Nakita ko si Mr.K umiiyak habang yakap yakap ang isang kumot na may pulang mantsa. Napatakip naman ako ng bibig.

Ano nangyayari? Asan si Mikey? Dugo ba yun?

"IKAW!"-mr.k

Sabay turo sa akin ni Mr.K kaya nagulat ako at napa atras. Agad siya pinigilan ng mga pulis bago pa makalapit sa akin.

Ako? bakit ako?

"Saan mo dinala ang anak ko?"-Mr.K

Anong sinasabi niya? Bakit? Nawawala ba si mikey?

"Po?"-me
"Anong ginawa niyo sa kanya?"-Mr.k
"Wala ho akong alam."-me
"Simula nung naging mag kaibigan kayo nag kalintik lintik na. Ibat ibang number ang tumatawag sa kanya. Tapos ngayon nawawala siya. At may dugo sa higaan niya. ASAN ANG ANAK KO?"-Mr.K

Kinabahan naman ako at nangilabot.

Teka totoo ba toh?

"Miss puwede po ba namin kayo makausap?"-pulis1

Tumungo naman ako. Wala naman ako dapat ipag alala na makukulong ako. Dahil una sa lahat kakagising ko lang.
Pumunta kami ng pulis na yun sa labas

"Kaibigan niyo ho pala si ms.pillas na anak ni mr.pillas?"-pulis
"Opo si mikey. Kaibigan ko po siya. Ilang weeks palang po kami nag kakilala simula nung lumipat ako dito sa apartment nila"-me
"Nasan ka kagabi?"-pulis
"Nasa unit ko po"-me
"Anong oras kayo huling nag kita ni ms.pillas kahapon?"-pulis
"Mga lunch po bago siya mag klase. Pang umaga po ako at pang hapon siya. First day of school po kahapon"-me

Tumungo tungo ang pulis at nilista ang mga sinasabi ko sa record book

"Totoo po bang nawawala siya? Paano po?"-me
"Tumawag si mr.pillas ngayon lang na nawawala daw ang anak niya at napaka gulo ng kuwarto neto at may dugo ang higaan"-pulis

Napaisip ako at nanginig sa takot. Kung sino mang gumawa ng masama kay mikey mukhang may alam siya kung paano makapasok sa mga unit. Mukhang kailangan ko na ata mag doble ng lock sa unit ko.

"Base sa dugo sa higaan ay kay ms.pillas nga ito pero ang ibang dugo ay napag alamang dugo ng baboy"-pulis

Pati baboy nadamay.

"Huh?"-me

Narinig ko naman sinabi nung pulis nagtaka lang talaga ako

"Base sa texture ng dugo ay mga bandang hating gabi siya kinuha"-pulis

Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. Nag chat sa akin si mikey na nasa labas daw siya ng unit ko. Pag labas ko wala naman. Tapos nabura yung message niya na yun at di ako makasend kahit di naman ako naka block. Makakatulong kaya yun pag sinabi ko?

"Kagabi..."-me

Sinabi ko ang lahat sa pulis na yun at kay mr.k ayoko pag isipan niya ako ng masama dahil inosente ako at masyadong mabait si mikey para patayin ko. Kung may papatayin man ako yung Jonas na lang.

"Wala rin yung phone niya. Sinusubukan kong tawagan pero wala na lahat..yung account niya deactivated na."-Mr.K

Nalungkot naman ako. Alam kong masakit kay mr.k ang lahat dahil anak niya ang pinag uusapan.

"Tutulong ako para mahanap siya. May puwede ba akong gawin?"-me

Nag bulungan ang mga pulis.

"Pasensya na po miss pero mukhang wala ho kayong kinalaman sa kaso."-pulis

Lumayo sila at kinausap si Mr.k
Di ko kayang hayaan na lang at mag update kung ano na ganap kay mikey. Napagaan na ang loob ko sa kanya kahit saglit palang kami nag sasama.
Bago pa man ako pumasok sa gate ng apartment ay napatingin ako ilang metro mula sa kinatatayuan ko.

"Teka..."-me

Kitang kita ko yun..

To be continued....

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now