Chapter 6

934 23 0
                                    

"Kung tunay kang kaibigan at kung may pake ka sa kaibigan mo ay susunod ka sa utos ko. Alam kong mahirap pero mas mahirap tanggapin pag nalaman mong matatagpuan yung bangkay ng kaibigan mo na lumulutang lutang sa ilog o kaya nasa gilid ng kalsada diba?"-Jonas

Alam kong adult na ako pero may ears and my mind is too young to hear things like this.

"Hindi kita papatayin. Alam kong may magulang na nag mamahal sayo. Pero kung di mo gagawin ang gusto ko ng dahil lang natatakot ka... eh para saan pang sinugod sugod mo ako sa kalsada kanina na parang alalang alala ka sa kaibigan mo? Sabihin mo.. may pake kaba sa kaniya?.. worried kaba talaga? O baka naman........may alam ka sa pag ka wala niya?"-Jonas

Pinag bibintangan ba ako netong kriminal?

"Hindi ako masamang tao."-me

Tumayo na siya at inayos ang baril niya saka tago sa likod neto. Anong klaseng university toh na hindi nahuhuli ang katulad niya? Kabaliwan.

"Tumayo kana diyan"-Jonas

Sabay abot niya sa akin ng kamay. Ngayon tutulungan niya ako pag katapos niya ako tutukan ng baril saka takutin. Ulol niya.

"Bahala ka"-Jonas

Sabay lakad niya papunta sa pinto.

"Bukas ng lunch break dito. Dalhin mo ang lahat"-Jonas

Sabay alis niya. Nakahinga na ako ng maluwag. Feeling ko ang safe ko pag wala siya sa paligid. Nakakailan na siya. Una ninakawan niya ako na hiram lang daw tapos ngayon tatakutin niya ako pero tutulungan? Baliw ba yon?

Maya maya.

"Miss. Woller"-Mr.Sam

Nakasalubong ko si mr.sam sa hallway habang nag lalakad pabalik sa room. Kakagaling ko palang dun sa silid na pinasok namin ni Jonas. Ilang minuto rin akong nakaupo dun dahil nang hina talaga ako.

"G-g-good afternoon sir"-me
"Mag sisimula na ang klase ko. Di mo ba narinig yung bell?"-Mr.Sam

Wala akong narinig na kahit ano. Basta ang alam ko mamamatay ako bukas pag di ko sinunod yung demonyong yun.

"Pasensya na ho"-me

Tinignan niya ako mula paa pataas.

"Ayos ka lang ba? Bakit puro alikabok ka?"-Mr.Sam

Inabutan niya ako ng tissue. Galing ba naman ako dun sa abandonadong opisina. Shocks.

"S-s-sir puwede ho ba ako pumuntang Cr?"-me
"Ganun ba? Oh sige. Mag sisimula ako ng klase pag dumating kana. Faster"-Mr.Sam

Sabay alis neto. Tumakbo ako papuntang Cr at binasa ang panyo ko sabay punas sa sarili ko. Napatingin ako sa pinto nung pumasok ang babaeng nabully nuon na tinulungan ni Jonas. Shocks nakakahiya.

Binilisan ko na lang. Pumwesto siya sa tabi ko at nag hugas ng kamay. Nakakahiya talaga alahanin na pinangunahan ako ng duwag nun.

"Miss"-me

Sabi ko sa kanya pero di niya ako pinapansin.

"Pasensya na nung nagyari sayo ah. Duwag kasi ako"-me

Inaamin ko naman. Duwag talaga ako.
Di niya parin ako pinapansin at pinag patuloy ang pag huhugas ng kamay.

"Kamusta ka naman? Nilayuan kana ba ng mga nambubully sayo?"-me

Alam kong awkward pero nakokonsensya kasi talaga ako sa ginawa ko sa kanya.

"Ahh"-me

Di siya sumagot. Binanlawan ko na lang ang panyo ko at piniga sabay pasok sa plastik.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now