#19:Majesty of Healers (part2)

891 26 0
                                    

Majesty of Healers :  Trials to the Chosen, Hannah Sherez McKnight






Hannah's POV

Nasaan ako? Ano bang nangyayari? Iminulat ko ang aking mga mata nagising ako sa isang pamilyar na kwarto kung hindi ako nagakakamali nandito ako sa kwarto ko sa palasyo namin. Sa Healing tribe. Teka ano nga palang gingawa ko dito sa pagkakaalam ko nasa isla ako kasama ang mga kaibigan ko ah bakit ako nandito?

"Yaya...  Auntie Monica..."

Pagtawag ko pero parang walang nakakarinig sa akin kaya napagpasyahan kong lumabas nilibot ko ang buong palasyo pero ni isa sa mga tagapagsilbi o kawal man lang ano bang nangyayari sa Healing tribe bakit parang naglaho na pang sila na parang bula.

"Hello may nakakarinig ba sa akin.."
Patuoly na pagsigaw ko pero wala parin. Kahit sa buong bayan wala rin akong makitang tao. Ano ba talagang nangayari dito bakit nag-iisa na ako.

"Untie Monica nasaan po ba *snif* natatakot na po ako *snif* auntie sabi mo hindi mo iiwan diba ikaw na lang po ang meron ako *snif* *snif* Auntie mag-pakita ka na sa akin"

pag-iyak ko pero wala natatakot na talaga akong mag-isa.

"Kawawang Prinsesa nag-iisa ka na ang lungkot diba?"

yung boses na yun sino yun nakakatakot.

"S-sino ka?"

"Hindi mo na dapat malaman"

natatawa nya sabi "Ikaw ba ang dahilan kung bakit nawala silang lahat?"

tanong ko pero tinwanam nya lang ako
"Kawawang prinsesa ikaw ang dahilan kung bakit sila nawala nilayuan mo sila, maspinili mong mag-isa kaya yan ang nangyari sa'yo"

ano ako? ako ang may kagagawan ng lahat. Kagaya nang nawala ang mga magulang ko ang pagkamatay nina mama at papa. Ako na naman ang may kasalan.

"Tama naman ako diba ikaw ang may kagagawan ng lahat.At ngayon nag-iisa ka na lang wala ng lalapit sayo kasi makasarili ka iniwan mo ang mga magulang mo noon hinayaan mo lang silang mamatay kaya wala ka ng kakampi wala na dahil sila lang naman ang naniniwala at nagmamahal sayo pero iniwan mo sila at hinayaang mawala kaya Wala na wala na ng maniniwala at magmamahal sa iyo"

Wala na ba talaga? Tulungan nyo akong makaalis sa bangungut na ito pakiusap

Starlight Academy: Princess of the lost Kingdom (ON HOLD) Where stories live. Discover now