Chapter 1: Hiling

97 0 0
                                    

About the Author:

Follow me on Twitter @ecpkrys27 I'll follow back/

Add me on facebook www.facebook.com/krystleraicke

------------

Chapter 1: Hiling

Bawat isa ay may pangarap. Masaganang buhay, buong pamilya, kayamanan, kasikatan,

pagmamahal at lahat ng maaring hilingin pa. Ganyan ang mga pinapangarap ni Josie ngunit sa

pagkakataong ito, isa lang ang tanging hiling niya; ang makalabas sa gusaling kinalalagyan niya

ngayon.

"Please, please sagutin mo na." Hingal na binubulong ni Josie sa sarili habang sinusubukan

niyang tawagan ang kanyang matalik na kaibigan. Patuloy rin siya sa pagtakbo at sinusubukang

makalayo sa killer. Masyadong madilim ang paligid kaya hindi niya napansin ang nakausling

sanga. Napatid siya dito. Tumingin siya sa paligid. Tahimik, tila payapa, napabuntong hininga si

Josie. Dahan-dahan siyang tumayo at sa pagharap niya, nag-iba ang kanyang hiling. Kung kanina'y

hiniling niyang mabuhay, ngayon, ang tanging dasal niya ay ang makapasok sa langit.

Ngiti. Ito ang pinakawalan ng mga labi ng walang awang mamatay tao. "Kasalanan mo yan Josie,

dikit ka kasi ng dikit sa kaibigan mo." Paninisi pa nito sa wala ng buhay at durog na katawan ni

Josie.

Dreams of the DeadWhere stories live. Discover now