Kumalat sa buong Elementum ang isang propesiya na ang iluluwal pa lang ang isang diwani na tatalo sa kasamaan at katiwalian at siya ang magiging tagapagmana at pinuno ng buong Elementum. Ibabalik nito ang kapayapaan at balanse ng mundo at mas lalong pagyayabungin ng diwani sa propesiya. Kaya naman mas lalo pang tinakot ni Reyna Soleil si Reyna Aria nang malaman nito na ang susunod nitong anak, na akalang panganay ng reyna, ang sisira sa lahat ng mga plano niya. Mas lalong natakot at nabahala ang reyna para sa kaniyang anak na si Diwani Aina at sa susunod nitong anak, kaya mas pinili niyang itago ito sa nasasakupan ng kahariang Caeli, sa isang maliit na kaharian tago sa mga mata ng tusong reyna ng Ignis.
Mabilis na lumipas ang mga taon, walong taon sa mundo ng mga mortal, ay nagdalang tao muli si Reyna Aria. Gusto man niyang itago uli sa lahat ang kaniyang pagdadalang-diwata, pinigilan na siya ni Bathala at doon ay kinausap niya ito na huwag matakot sapagkat marami ang po-protekta rito. Agad na kumalat sa buong Elementum ang balita, at nakarating ito agad kay Reyna Soleil. Tinangka nitong patayin ang Reyna Aria ngunit binigyan siya ng proteksyon ng lahat ng mga kaharian sa Elementum, na labis namang ikinagalit nito.
Samakabilang dako naman ng Elementum ay tuwang-tuwa ang batang diwani na si Aina dahil na rin sa balita na magkakaroon na siya ng kapatid. Walang araw na 'di niya hiniling na magkaroon na siya ng makakasama sa kaniyang munting kaharian na po-protektahan at aalagaan niya laban sa banta ng kanilang tiyahin na si Reyna Soleil.
Lumipas ang mga araw, malapit na ngang isilang ni Reyna Aria ang pinakahihintay ng lahat na diwani, at isang masamang plano ang binabalak ng mga tao sa Metallum at Ignis: iyon ay ang sakupin at patayin ang sanggol na isisilang ng Reyna. Pinamunuan ito nila Reyna Soleil at ng ama nitong si Haring Aidan. Nanganganak ang Reyna Aria nang sumiklab ang labanan sa Elementum. Nasa tabi ng reyna ang panganay nitong anak na si Diwani Aina at ang kabiyak nitong si Haring Vale. Ngunit nasakop na ni Reyna Soleil ang buong Elementum maliban na lamang sa Aether. Agad na binabasbasan ng mga reyna ng mga kaharian sa Elementum maliban kay Reyna Soleil ang sanggol at inihabilin ang kaligtasan nito sa kaniyang panganay na anak na si Diwani Aina. Agad na tumakas ang diwani at pumunta sa mundo ng mga mortal. Nagising na lamang ang Diwani Aina sa isang pagamutan, at habang ang sanggol naman...
"Anong nangyari doon sa baby, Azalea?" Agad na tanong ko sa maliit na tila paro-parong nagsasalita at nagkukuwento sa akin tungkol sa isang mundo na nagngangalang Elementum. Nakita ko namang ngumiti ito.
Ang sanggol...ang pangalan niya ay Aila. At nakaligtas din siya.
Sagot niya sa akin at ngumiti. Napabagsak naman ang balikat ko at napa-pout. "Hindi man lang niya nahanap o nakasama man lang yung kapatid niya? Y-yung Diwani Aina ba yun? O yung nanay niya?"
"Paumanhin, Ellie, ngunit di ko pa masasagot ang mga tanong mo ngayon." Sagot nito. Napasimangot ako. "Masasagot din ito sa takdang panahon. Kung kailan handa na siya, handa na siya sa lahat ng bagay."
"Eh, kailan ba siya magiging handa, Azalea?"
"Malapit na. Nararamdaman kong malapit na." Sabi nito at lumipad papunta sa tabi ko. Halos labing-anim na taon ko nang kasama ang fairy na ito. Siya na nga ata ang kasama ko simula pa lang baby ako. Hindi ko alam kung saan siya galing pero ang lagi niya lang sagot sa akin ay sa mundo ng Elementum daw, eh hindi ko naman alam ang lugar na iyon.
Pero isa lang ang alam ko, ang mundong sinasabi niya, sa kung saan siya nagmula, sa kung saan nagmula ang tinutukoy niyang Aila, Diwani Aina at yung mga reyna-reyna, sila lang ang makakasagot sa lahat ng mga katanungan ko, sa existence ko, sa skills ko, sa powers ko. Yun kasi ang sabi sa akin ni Azalea, kaya ko daw gawin iyon dahil kaya din daw gawin iyon ng mga katulad namin.
"Ellie Kaitlyn, matulog ka na. Huwag mo nang isipin masyado yung kinuwento ko. Bukas na ang kaarawan mo, hindi ba?"
"Oo nga pala!" Napabalikwas ako nang maalala iyon. "Labing-anim na taon ka na."
"Oo nga. Ambilis ng panahon. Magsi-sixteen na pala ako bukas." Sabi ko nang nakangiti sa kaniya. "Ano na naman kayang magagawa ko bukas? Magbubuga ng yelo? Makokontrol ang hangin? Makakagawa ng ulan? Masisira uli yung pader? Maglalabas ng apoy? Ano kaya?"
Napatingin naman ako dito nang matawa ito. "Lahat iyan ay kaya mong gawin sa pang-araw-araw, Ellie."
"Hindi, I mean," napatayo ako at lumipad naman siya, "madadagdagan kaya itong mga skills and powers ko? Kasi nung 6 years old ako, nakapaglaho ako. Tapos habang nadadagdagan yung edad ko, dumadami na rin yung mga kaya kong gawing magic. Diba nakaka-amaze!"
"Dahil nga isa kang mamamayan ng Elementum, Ellie. Diba't naipaliwanag ko na iyon?" Sabi nito at tila pinalo ako, at masakit! Hindi nakakatuwa iyon! Kaliit-liit na tao ay anlakas manghataw!
Saan ba kasi yung Elementum na iyan? Andami kong tanong sa kanila. Andami kong gustong malaman at matuklasan. Gusto ko lang namang ma-realize na mayroong place where I can feel that I am belong.
...and I didn't know that it will be this hard, as the truth that I am longing comes with the responsibility that I have ever since I was born.
Sino nga ba kasi ako? Or more like, ano nga ba ako?
~*~
EDIT (June 2024): After many years of hiatus and stuffs, I am back and bringing this story back. I like the plot, as I've been thinking of this place ever since I was a child. Sobrang magical ng place na 'to and I want it to come true by writing it in a novel.
There will be a lot of revision going on with the stories itself and of course, there will be a lot of changes in the plot as I am going to make this a little inclusive to everyone, whatever their races and their gender and sexuality. Medyo ibabagay natin siya sa modern things happening right now.
So, this is my first story after many years of being inactive here. Yay! After so many years of plotting this one, I'm able to post this. Hoping you'll like it.
Leave a comment, don't forget to vote!
_hnnhbnn © 2024
All Rights Reserved
Plagiarism is a crime that is punishable by the law.
YOU ARE READING
ELEMENTUM (EDITING)
FantasyIsang mundo... Isang kuwento... Handa ka na bang malaman ang istorya sa likod ng aking mundo? Handa ka na bang malaman ang kuwento tungkol sa... ELEMENTUM?
ELEMENTUM: Simula
Start from the beginning
