Isang napakagandang paraiso, isang mundo kung saan ang lahat ng yaman ng mundo ay balanse. Walang lumalapastangan, walang sumisira.
Ito ang Elementum, ang mundo kung saan ang lahat ng elemento ng mundo ng mga mortal ay siyang nakokontrol at napangangalagaan ng mga 'di pangkaraniwang mga nilalang.
Ang Elementum ay nahahati sa iba't ibang mga kaharian: ang Glacies sa parteng Norte, kung saan ang mga naninirahan doon ay nakokontrol ang paggamit at paggawa ng nyebe. Dahil nga sa kapangyarihan ng mga mamamayan nito, malamig at balot sa nyebe ang buong sinasakupan ng kahariang ito. Pinamumunuan ito ng pangalawa sa anak ng buong reyna o pinuno ng Elementum, si Reyna Neva.
Sa dakong silangan naman ay mayroong dalawang kaharian, ang Lignum kung saan nakokontrol nila at nagagamit ng husto ang mga kahalagahan ng mga halaman at puno, at ang isa nama'y ang Terra, kung saan nakokontrol nila ang sangkalupaan at ang mga kahalagahan nito. Hindi puwedeng mahiwalay ang kahariang Terra sa Lignum dahil na rin sa sila ang tumutulong upang mas mapadali ang paggawa ng mga mamamayan ng parehas na kaharian na kalimita'y paghahalaman at pagtatanim ang ikinabubuhay. Ang Lignum ay pamumunuan ng bunsong anak ng reyna ng Elementum na si Diwani Sienna habang ang Terra naman ay ang asawa ng reyna ng Elementum: si Haring Atlas.
Sa parteng timog din ay mayroon ding dalawang kaharian, ang Metallum at ang Ignis. Ang kaharian ng Metallum ang siyang nag-aangkat ng mga armas at materyales upang magkaroon ng buhay ang lahat ng tao sa Elementum at pang-depensa para sa kaligtasan ng lahat. Ang Ignis naman ay ang mga taong kayang mag-manipula ng apoy, ang nagbibigay init at ilaw sa buong Elementum. Katulad ng Lignum at Terra, hindi rin puwedeng mapaghiwalay ang dalawang nasabing kaharian sapagkat kailangan nila ang isa't isa: ang apoy na naghuhulma sa mga armas at nagbibigay buhay sa mga materyales at kagamitan. Ang Ignis ay pinamumunuan ni Reyna Soleil, ang panganay at sakim na anak ng reyna at ng hari ng Metallum na si Haring Aidan, isang mabagsik at tusong hari.
Sa kanluran naman ay ang mga kaharian ng Aqua at Caeli. Ang mga tao sa Aqua ay kayang maka-kontrol ng yaman at likas na kapangyarihan ng tubig, habang ang Caeli naman ay makontrol ang takbo ng hangin. Ang kaharian ng Aqua ay pamumunuan ni Diwani Halcyon, ang pangalawa sa bunsong anak ng reyna, habang si Reyna Aria naman na pangatlong anak ng reyna ng Elementum at nag-iisang anak ng Haring Atlas, na siyang magiging reyna ng buong Elementum sa hinaharap.
At ang panghuli, ang Aether, na matatagpuan sa gitna ng Elementum, na kung saan nakatayo ang pinakamalaking kastilyo sa lahat ng kaharian na siyang ipinatayo para sa lahat ng mamamayan nito. Ito ang pinakapuso ng Elementum. Dito ang lugar kung saan ang iba't ibang henerasyon ng Elementum ay natututo at nagsasanay. Ang pinakaninunong reyna ng Elementum, si Reyna Aspen ang nagpatayo nito, na mas lalong pinaganda ng kasalukuyang reyna, anak ng Reyna Aspen, at Ina ng mga namumuno sa buong Elementum, si Reyna Sequioia.
Kaya't nang ninais na ng Reyna Sequioia na magpahinga na, agad na humalili ang Reyna Aria ng kahariang Caeli. Dahil na rin sa nagsipaglakihan na ang kaniyang mga kapatid na diwani at naitalaga na ring reyna ng kanilang mga kaharian, humiling ang mga mamamayan ng Elementum na magkaroon na siya ng pamilya na magtutuloy ng mga nasimulan ng kanilang salinglahi. Kaya naman agad nitong pinakasalan ang magiting na prinsipe ng Terra na si Regulus Vale, kaanak ni Haring Atlas at matagal na nitong kasintahan. Matapos ang kasalan, nagbalak na agad na magkaanak ang dalawa na mamumuno sa buong Elementum. Subalit dahil sa kasakiman ng panganay nilang kapatid na si Reyna Soleil, tinakot niya si Reyna Aria na papatayin ang magiging panganay nitong anak. Natakot naman si Reyna Aria kaya't minabuti nitong itago ang kaniyang pagbubuntis at hindi nagtagal ay nagluwal siya ng isang maganda at malusog na diwani, at pinangalanan niya itong Aina. Akala ng mahal na reyna ay matatahimik na ang kanilang buhay, ngunit nagsisimula pa lang pala ang lahat.
YOU ARE READING
ELEMENTUM (EDITING)
FantasyIsang mundo... Isang kuwento... Handa ka na bang malaman ang istorya sa likod ng aking mundo? Handa ka na bang malaman ang kuwento tungkol sa... ELEMENTUM?
