Nakwento ni Drei sa mommy niya 'yun? How did she know all that? "N-nakwento niya po?" I couldn't believe it.

"Of course! He also told me you are consistent and always on top of your class. Hindi ka nga niya matalo-talo. Kung ako ang nanay mo, proud na proud ako sa'yo." It was the first time someone told me that. Tuwang tuwa ako. Pakiramdam ko kausap ko si Mommy. I hugged her. Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ko.

"Salamat po," I say happily. At first, she was taken aback pero hindi nagtagal ay niyakap niya rin ako.

Biglang dumating ang Daddy ni Drei, may kausap ito sa phone. Palihim kong pinunasan ang gilid ng mga mata ko at humiwalay sa pagkakayakap kay Tita Bella. Ngumiti sa akin si Tito habang may kausap. Tumabi siya sa asawa at saka umakbay. Para pa rin ako'ng nanonood ng teleserye sa kanilang dalawa. Ang bata nilang tignan parehas. Sana lang talaga ganyan din ako pagtanda ko.

"Carlos, give me a break. Three days lang ang hinihingi ko. Ngayon lang ako magkaka-oras sa pamilya ko. I don't want you calling me because of an issue you can solve. It was the reason why I hired you." He said. There was a short pause. "Well, take care of it. I'm sure that can wait."Sabay patay n'ya ng phone. Mabilis s'yang humalik kay Tita Bella at napatingin sa akin. "Aizelle, finally makakaharap na rin kita ng matino. I'm sorry about that." Natatawang sabi ni Tito.

Kung titignan ko si Tito Andrei halos magkamuka sila ni Drei, magkaiba nga lang ng ugali. Para bang sanay na sanay itong makipagusap sa mga tao, palabiro at palaging nakangiti. Bakit kaya hindi namana ni Drei ito sa Daddy n'ya? Malayo naman na ganun ang ugali ni Tita.

"Ang dami ko po nakain. Baka hanggang bukas ako busog nito" Tumawa ako. Tito Andrei chuckled.

"I'm glad nagustuhan mo. Dalasan mo ang punta dito, ipagluluto ka namin." Grabe kamukhang kamukha niya si Drei. Pati ang pag ngisi nito. Kung ngingiti lang palagi si Drei, parang pinaliit lang siyang version ni Tito Andrei. "Teka, Dreigan. Come here."

Unti-unti nawala ang ngiti ko. Si Drei kanina pa pala nanonood sa amin. He was leaning against the door frame. Lumapit naman siya pagkatawag ng Daddy niya. Parang ayoko na nga umuwi dahil gustong gusto ko nakikita ang ganitong side niya. Masunurin siya sa mga magulang niya. Mas matigas ang ulo 'nung kambal niya, si Arella. Naiinis nga si Drei sa ginawa nito. Nalungkot kasi ang Mommy nila. Matagal hindi umuuwi si Arella at sure ako na miss na miss na siya ng pamilya niya. Akala ko nga si Drei ang magbibigay ng sakit ng ulo sa kanila pero mukhang hindi. Pagdating kay Drei mukhang kampante sila na susunod ito sa lahat ng kanilang sabihin.

Umupo siya sa tapat ko. Nakapamulsa at maamong nakatingin sa kanyang ama. I could say that he really look up to his Daddy. Malaki ang respeto niya rito at overprotective naman siya sa kanyang ina. He glanced at his mom and his features softened. "Mommy, stop thinking about her. She's old enough to know better." Naiinis na sabi ni Drei sa kanyang ina. Matipid na ngumiti si Tita. "I'll call her later and talk to her," He assured. He tapped his mother's hand and smiled. My heart melted because of his gesture. Napakabait niyang tignan kapag kausap ang mga magulang niya. Sana lagi siyang ganito. Drei looked at me surreptitiously, as if he's asking for help. Alalang-alala ito sa kanyang ina.

"It's getting late, magpahinga na po kayo Tita. Uuwi na rin po ako." I said.

Napatingin silang lahat sa akin. Tito Andrei nodded and turned to Drei. "Huwag mo na gamitin ito." He waved the keys to Drei, susi iyon ng big bike niya. "You can use your car from now on. Hindi maganda na iyon ang ginagamit mong panghatid sa girlfriend mo.." I cleared my throat. Muntik ko ng makagat ang sariling dila. Kanina pa ako naiilang pag iyon ang sinasabi nila. Gusto ko magprotesta.

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon