Boom pawes boom boom pawes, Boom!

Mundo mo’y maganda Diyos may gumawa nito

Buhay ay maganda Diyos nagbigay nito

Wag mo ikahiya naging hitsura mo

Tayo’y magkakaiba walang perpekto

Eh ano kung ang ilong mo’y matangos

Napakamahal naman ng ginastos

Di na bale wag lang maging busabos

Kaya’t wag mong ikahiya kung ang ilong mo ay pango

Boom pango boom boom pango pango (3x)

Boom pango boom boom pango Boom!

Mundo mo’y maganda Diyos may gumawa nito

Buhay ay maganda Diyos nagbigay nito

Wag mo ikahiya naging hitsura mo

Tayo’y magkakaiba walang perpekto

Sabihin ang gusto wag mong pipigilin

Wag kang plastik yan lang ang aking bilin

Sabihin mong lahat wag mong pipiliin

Bahala nang mabwisit sa amoy panes na hininga

"Haha. Nathan tama na ang sakit na ng tiyan ko kakatawa." Sabi niya habang pinipigil ang pagtawa. Haha. Kanina halos akalain mo ng umatend kami ng misa dahil sa sobrang tahimik naming dalawa tapos ngayon, ngayon naman tawa kami ng tawa.

Boom Panes boom boom panes panes (3x)

Boom Panes boom boom panes, Boom!

Boom Panes boom boom panes panes (3x)

Boom Panes boom boom panes, Boom!

"Boom Panes! boom boom panes panes!" Pagsabay ko sa kanta ni Vice Ganda. Hahaha. Ganto pala si Aira kapag tawa ng tawa. Halos mapaigtad na siya sa kakasipa at kakahawak sa tiyan dahil sa sobrang pagtawa. So dahil sa sobrang saya ko dahil napatawa ko ng ganito si Aira ay inihinto ko sandali yung sasakyan sa gild ng kalsada para talagang masabayan ko yung kanta at siyempre yung sayaw narin.

Gusto ko pa nga sanang lumabas ng sasakyan para makasayaw ako ng maayos kaso hindi pumayag si Aira kasi sobra daw nakakahiya. Bakit naman kaya siya mahihiya e sobrang gwapo naman ng makikita niyang sumasayaw.

"Nathan haha. Tama na ngah dumiretso na tayo dun sa lugar paramakarami tayo ng mapagaralan. Baka mamaya e wala na kanang matutunan niyan!" Sabi niya. So wala na akong nagawa kaya bumalik na ako sa upuan para ipagpatuloy ang pagmamaneho. Under ba? hindi ah! sadyang gwapong masunurin lang ako. Hehehe!

"Haha. Grabe! napagod ako dun!" Sabi ko habang hinahabol ang pag-hinga. First time ko kasing sumayaw ng ganun, grabe nakakapagod pala no? buti hndi nagrereklamo yung mga dancers sa TV kapag palagi silang sumasayaw. Sabagay, trabaho nila yun.

"Oh!" Sabi niya tapos nakita ko nalang yung panyo na inaabot niya sa akin. Panyo? umiiyak ba ako, hindi naman diba?

"Para 'san iyan?" Tanong ko na may halong pagtatatja. Wala talaga akong kaide-ideya kung para saan yung panyong inabot niya.

"Psh. Para po diyan sa pawis mo sa noo. Grabe ang manhid mo! pawisan kana hindi mo pa nararamdaman?" Sabi pa niya.

Huwaahh!!!

TEENAGE HERO |ON GOING|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon