Hinila ako ni Gino bigla papunta sa side nya.

"Dito ka lang Charlene, hindi ka dapat lumalapit sa mga katulad nya," sabi ni Gino.

Tumingin sa akin si Gael. Hinila nya ang braso ko pero hindi binitiwan ni Gino ang isa ko pang braso.

"Bitawan mo sya!" sabi ni Gino kay Gael.

"Bakit ko bibitawan ang girlfriend ko?" ngumisi si Gael at mas nilakasan ang hila sa akin.

Nabitawan ako ni Gino.

"Girlfriend?" gulat na tanong ni Gino.

Tumingin sya sakin. Gusto kong magpaliwanag na hindi totoo ang sinabi ni Gael. Pero naalala ko, hindi nga pala nya sineryoso ang relasyon namin. At ang isa pa, ito naman talaga ang plano ko eh. Ang palabasin na hindi rin ako seryoso sa kanya. Quits lang kami.

"Oo," inakbayan ako ni Gael "Girlfriend ko sya. One month na nga eh."

Ngumiti ako.

"Sorry Gino, ang totoo nyan.. balak ko talagang makipagbreak sa'yo noon. Ang boring mo kasi, hindi katulad ni Gael. Pero mabuti na rin yon, naunahan mo ako. Atleast hindi na ako makokonsensya na sabihin sa'yo ang totoo."

Ano'ng pakiramdam Gino? Ano ang pakiramdam nang pagmukhaing tanga?

"Ouch pare," sabi ng kaibigan ni Gino.

"Shut up!" galit na umalis si Gino sa harap namin.

Pinanood ko lang silang umalis. Nakaganti na rin ako sa kanya. 

***

"Alam mo nakaganti ka na diba? Ano pa ba ang iniiyak-iyak mo dyan?" inis na tanong sakin ni Gael.

Bumalik kami dito sa loob ng classroom.

"Eh kasi.." hikbi ko "Sobra ko syang pinagkatiwalaan! Manloloko sya! Dapat lang sa kanya 'yon! Waaah!"

"Tumigil ka na nga sa pag-iyak mo! Kung hindi ka ba naman kasi tanga at pumatol ka sa gagong Gino na 'yon."

"Wow thank you sa pag-comfort ha?" sarcastic kong sabi bago punasan ang luha ko. 

"Anytime Ms Pres!" tumayo sya. -___-

"San ka pupunta?"

"Magpapalista."

"Saan?"

"Kung alam ko lang na kasali ang hambog na 'yon eh di sana matagal na akong sumali sa team. Hahanapin ko si Coach. Sasali ako at tatalunin ko ang gunggong na 'yon."

But He's a Delinquent!Where stories live. Discover now