PART TWO

88.8K 3K 343
                                    

**PART TWO**

"Mag-panggap ka bilang boyfriend ko!" diretsong sabi ko kay Gael.

"Ano? Nababaliw ka na ba?" tinignan nya ako nang nanlalaki ang mga mata.

"One week! Yun lang ang hinihingi ko sa'yo! Kapalit non hindi na kita guguluhin pa! Pwede mo nang gawin ang kahit na ano'ng gusto mo'ng gawin dito sa school! Hinding hindi ka makakarinig sa akin ng sermon promise!" itinaas ko ang kanang kamay ko tanda ng pangangako.

"Ayoko," tinalikuran nya ako at lumabas ng room.

"Teka! Sandali Gael!" habol ko sa kanya.

Bigla akong nabangga sa likod nya. Napahawak ako sa mukha ko.

"Ano? Nagbago na ang isip mo?" tanong ko sa kanya.

"Charlene?" may tumawag sa pangalan ko.

Ang boses na yon. Napatingin ako sa harap namin ni Gael. Nakatayo sa tapat namin si Gino na may gulat na ekspresyon.

"G-Gino.." natulala ako.

"Kilala mo sya?" tanong sakin ni Gael.

Napatingin si Gino kay Gael at muling tumingin sa akin.

"Magkakilala kayo?" tanong sakin ni Gino.

"Oo," sagot ko sa dalawa.

"O nandito rin pala si Gael!" sabi ng kaibigan ni Gino na nasa likod nya.

"Sino? Yung talunan sa swimming?" sabi ng isa pang kaibigan ni Gino.

"Yung tinalo last year ni Gino sa swimming?"

"HAHAHAHAHA!!" tumawa sila.

Nag-smirk naman si Gino habang nakatingin kay Gael.

"Hindi ko alam na dito ka pala pumapasok. Ano'ng ginagawa mo sa school ng mga babae? Sabi ko na nga ba may kakaiba sa'yo, ito pala ang sikreto mo," pang-aasar ni Gino.

"Bakit hindi nalang natin tapusin ang laban natin dito?" Nakita kong naikuyom ni Gael ang kamao nya. 

"Matagal nang tapos ang laban natin Gael. Talo ka, tanggapin mo na," nakangising sabi ni Gino.

Agad na kinwelyuhan ni Gael si Gino.

"Alam mo kung ano ang nangyari nung gabing 'yon. Hindi ka marunong lumaban ng patas," nanlilisik sa galit na sabi ni Gael.

Pumagitna ako sa kanila. 

"Tama na!" sabi ko.

But He's a Delinquent!Where stories live. Discover now