But He's a Delinquent! [Short Story]

320K 5.2K 438
                                    

But He's a Delinquent!
A One Shot Story written by Alesana Marie


***~@#@~***##***~@#@~***


"Naayos ba ang mga equipments sa gymnasium?" tanong ko kay Albert.


"Yes Miss President, maayos naman ang lahat," sagot nya.


Minarkahan ko ng check ang Equipments sa listahan ko.


Next week na ang Sports Festival ng school namin. Kailangan na namin maayos ang lahat ng mga kakailanganin.


"Kumpleto na ba ang listahan ng mga participants? Kahapon ang deadline hindi ba?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway.


Bilang Vice sya ang inatasan ko na gumawa ng mga  pag-aayos. Sya na halos ang nag-asikaso ng lahat. Hindi naman sa pabaya akong presidente ng Supreme Student Council o SSC, huling taon ko na kasi ito.


Si Albert ang papalit sa akin oras na maka-graduate na ako. Ilang buwan na lang at college na ako. ^u^


"Hindi ko pa po nakukuha..." bulong nya.


Napatigil ako sa paglalakad at tinignan sya.


"Pakiulit ng sinabi mo?"


"Ah. Err.. Hindi ko pa po nakukuha," sabi nya na hindi makatingin sa akin.


Napabuntong hininga ako. Kailangan ko na 'yon ngayon. Friday na ngayon at sa Monday na ang Sports Fest!


Kailangan ko na naman bang pumasok ng Saturday?


"Bakit?"


"K-Kasi po..."


"Kasi ano?"


"May hinihintay pa po kasi si Coach D "


"Ilang estudyante?"


"Isa po"


"Isa?" nagtaka ako.


Napaka-espesyal naman yata ng estudyante na 'yon at talagang hinintay pa ni Coach.


"Sa ano'ng sports ba sasali 'yung estudyante ni Coach?"


"Sa swimming po. Hindi pa kasi pumapayag yung estudyante ni Coach kaya pinipilit pa"


"Ch. Paimportanteng estudyante naman non."


"CHARLENE!!!!!!!"


May tumawag sa pangalan ko. Si Nadine tumatakbo sa hallway. Sya ang Treasurer ng SSC at kasama nyang tumatakbo ang Secretary ko na si Eunice.


"PRES!!" Eunice


"Nadine! Eunice! Nababaliw na ba kayo? Alam nyo na bawal tumakbo sa hallway o sumigaw!" saway ko sa kanila nang nasa harap ko na sila.


Hinigit nila ang magkabilang kong braso.


"Sumama ka samin!" natatarantang sabi ni Nadine


"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ko.


"Nag-umpisa na naman SYA!" sagot ni Eunice


SYA?! SYA na naman?! Wala na talagang magandang nagawa ang lalaking 'yon!


"Albert, ilagay mo lahat ng 'to sa SSC office," ibinigay ko sa kanya ang checklist na hawak ko.


Hay. Ano na naman kaya ang ginawa ng lalaking 'yon?



***~@#@~***##***~@#@~***



Nagliliparang mga pagkain sa kaliwa at kanan ang inabutan ko sa canteen. =__=+


Umilag ako sa lumilipad na sausage. >__<; Muntik na ako dun ah!


Tinignan ko ang direksyon kung saan dapat nakapwesto ang canteen lady. Nowhere to be found. Baka natabunan ng mga naglilliparang pagkain.


"STOP!!!" sigaw ko


Yung ibang nakarinig tumigil na, pero mas marami pa rin ang nagbabatuhan ng pagkain.


"I SAID--"


*PLONK*


Napatigil ako nang may tumama sa balikat ko. Unti-unti akong tumingin at nakita ang isang slice ng pizza na nakadikit parin sa akin.


"Waaah! Ms Pres," inabutan ako ni Eunice ng panyo.


Tinanggal naman ni Nadine ang pizza sa balikat ko.


Di ko na talaga mapigilan ang galit ko. Nagsasayang sila ng pagkain! Bukod don, nagkakalat pa sila!


Agad akong umalis don at dali-daling pumasok sa Broadcasting room.


Nandon si Yano na nag-pplay ng kanta para sa campus.


Kinuha ko ang mic at itinodo ang volume setting para sa canteen.


Huminga ako nang malalim bago sabihin ang...


"TUMIGIL KAYONG LAHAAAAAAAT!!!"


Sa sobrang lakas ng tunog non, nagkaron ng nakabibinging feedback. Sa tingin ko naman, nakatigil na sila ngayon.


"Detention after class! Don't think na makakalusot ang kahit na sino man sa inyo, nakalista ang mga pangalan nyo sa'kin! And as for you Mr Gael Ravales..." tumigil ako sandali, sya ang nag-umpisa nito "Go to the SSC office NOW!!!"



***~@#@~***##***~@#@~***



Hinubad ko muna ang coat ko at ibinigay kay Eunice, sya na ang bahalang magpa-laundry non.


Tinitigan ko ang malaking larawan ng babae na nakasabit sa dulo ng SSC office.


Sya ang epitome ng kaayusan, katahimikan, kagandahan at katalinuhan. Sya rin ang sumisimbolo sa eskwelahan na ito. Apat na taon na simula nang umalis sya. Di ko sya inabutan nang pumasok ako, pero kilala sya ng lahat ng estudyante dito.


Gusto kong maging katulad nya. Gusto kong marating ang narating nya.


Nakaramdam ako ng guilt. Maayos na sana ang lahat. Maayos ko sanang nagampanan ang tungkulin ko bilang SSC President kung hindi lang sumulpot ang lalaking 'yon dito!


Speak of the Devil and the Devil shall appear.


Bumukas ang pinto at pumasok si Gael Ravales.


Unang pagkakakita ko palang sa kanya, ayaw ko na sa kanya. Alam kong sakit lang ng ulo ang dala nya dito.


Ang weird ng buhok nya, mukhang pinagpatong patong na ugat ng puno at halaman. May hikaw sya sa magkabilang tenga. Hindi maayos ang pagkakasuot nya sa uniform ng school namin. Hindi nakabutones ang coat nya, nakabukas ang dalawang butones ng white long sleeves nya at hindi maayos ang neck tie nya.


At higit sa lahat.. ayoko syang tumingin.


Kung tumingin sya, parang nakakaloko. Ni hindi ko pa nga sya nakitang nagseryoso.


Palaging mukhang bored, o kaya tulog, o kaya naiinis o kaya nakakaloko.


"May camera ka ba?" tanong nya bigla sa akin


"Wala, aanhin mo naman?"


"Mas maganda kasi kung kukunan mo nalang ako ng picture. Mas tatagal 'yon kaysa titigan mo ako," nakakalokong ngiti ang ibinigay nya sa akin


YAN! Yang nakakalokong tingin na yan! Dyan ako pinaka-naiinis! >__<


Ang isa pang katangian nya, arogante at mayabang! Alam kasi nyang gwapo sya. Pano nga ba nya hindi malalaman, halos lahat ng babae dito nagpakita na ng motibo sa kanya.


Kaya ayan! Dinala sa ulo. Lumaki tuloy. Feeling nya lahat ng babae may gusto sa kanya.


Siguro iniisip din nya na may gusto ako sa kanya. =__=+


Mas umiinit ang ulo ko.


Naipatong ko ang dalawang siko ko sa table at minasahe ang noo ko. Muli akong sumandal sa swivel chair ko at tinignan sya.


"Sports fest na next week, hindi mo ba kayang magtino kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang na wala si Principal at Ms Mia.." tanong ko.


"Hah. Wala si Vice at Principal ngayon, busy din ang ibang mga teachers, hindi mo ba ako pwedeng hwag pakialaman kahit ngayon lang?" pagbabalik nya ng tanong sa akin na parang sya pa ang na-stress. "Napakahigpit ng eskewlahan na 'to."


"Kung ayaw mo dito, then leave!" sabi ko.


"Ayoko," ngumiti sya "Masayang manggulo dito eh."


GAHD!!


"Kilala mo ba ang babaeng nasa larawan na 'yan?" turo ko sa malaking painting na nakasabit sa dingding.


"Nope," ang napakabilis nyang sagot "Bakit sino ba sya? Ah! Alam ko na, sya siguro si Celestine?" tumango-tango sya na parang sigurado sya sa sagot nya.


Hindi ako makapaniwala na hindi nya kilala ang IDOL ko!


"Hindi Celestine ang pangalan nya," naiinis kong sabi.


"Kung ganon sino? Si Principal ba nung bata pa?" natatawa nyang sagot, sumipol pa sya "Ang hot pala ni Principal nung kabataan nya!"


Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang madampot ko ang makapal na dictionary at naibato sa ulo nya.


"FCK!!" napahawak sya sa ulo nya "Para saan 'yon?! Shit!"


"Miracle. Samantha. Perez. Tandaan mo ang pangalan nyang 'yan dahil sa oras na bastusin mong muli ang pangalan nya hinding hindi ko na talaga mapapalampas pa, mas grabe pa dyan ang makukuha mo!"


"Sheesh woman! Chill! Malay ko ba kung sino 'yan? Eh sino nga ba yan?" nakasimangot nyang daing.


Napailing ako. Wala na talaga syang pag-asa. Tinignan ko ang painting.


"Sya lang naman ang TOP student ng eskwelahan na ito. Dahil sa kanya kaya umangat ang St Celestine High. Wala pang nakakalagpas sa records nya, sya ang pinakamahusay na estudyante ng school na 'to. Isa syang..." nag-isip ako sandali "Isa syang PERFECT student! Maganda, matalino at isa sa may pinaka-busilak na puso. Isa syang huwaran na estudyante at pangarap ko na maging tulad nya--"


"HAHAHAHAHAHA!!"



Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ng malakas na tawa sa background. Napatingin ako kay Gael.


Nakatayo sya at nakatalikod sa akin. May hawak syang makapal na libro. Isang... Graduation Photo Book. =___=


"WAHAHAHAHA! Shit! Bakit ganito ang mga gupit nila! PFT! Si Principal! Si Principal ang kapal ng lipstick dito ah! HAHAHAHAHA! Ngayon kamukha nya na talaga si Medusa! Hahahaha!"


Napasimangot nalang ako at napaupo. Hawak ko ang ulo ko.


Bakit? Bakit ako pa? Bakit ko kailangan magdusa nang ganito?!


Kung bakit kasi may nagpasabog ng bomba sa Pendleton High?!


Eh di sana hindi naging CoEd ang school namin!


Dati puro lang kami babae dito, pero ngayon...


May ilang lalaki na rin ang dito nag-aaral.


Hindi ko alam kung paano nila napapayag ang may ari ng school na 'to na tumanggap ng mga estudyante mula sa sikat na school ng mga basagulero. PENDLETON HIGH. Isang private school para sa mga lalaki. Lahat delinquents.


Ang balita ko, isang buong taon sarado ang school na yon dahil sa nangyaring pagpapasabog ng isa sa mga estudyante. TT^TT


Isang estudyante ang nagpasabog at nagpagiba sa isang three storey high building nila.


Isinusumpa ko talaga ang mga katulad nila. Walang  matinong magawa sa buhay!



***~@#@~***##***~@#@~***



Iniligpit ko na lahat ng gamit ko at lumabas ng SSC Office. Agad akong dumiretso sa canteen para tignan kung ano na ang nangyayari don.


"KYAAAAA~!"


"My gosh Gael you're so naughty talaga!"


Yun lang naman ang narinig ko bago ako pumasok ng canteen. =__=


Nakita ko si Gael na nakaupo. Nakataas ang dalawang paa sa lamesa at nakaakbay sa dalawang babae.


Sina Lyza at Sherryl.


Nagsama-sama ang tatlong tao na pinaka-ayaw ko.


Hindi pa ganon kalinis ang canteen. Naglilinis pa ang ibang estudyante don.


"Pwede na kayong umuwi," sabi ko.


"Hay salamat makakauwi na rin sa wakas!"


"Thanks Miss President!"


"Napagod ako."


"Tara na, umuwi na tayo."


Umalis na yung ibang estudyante. Nakita ko na tumayo na rin yung tatlong pasaway.


"Except sa inyong tatlo, Lyza, Sherryl at Gael. The rest, pwede nang umalis," ginamit ko na ang ma-awtoridad kong boses.


"Favorite mo talaga ako no?" tanong sa akin ni Gael nang makalapit sa akin.


"Why are you picking up on us ba?" tanong sakin ni Lyza


"It's like 6pm na kaya, I need to go home na," maarteng paliwanag ni Sherryl


"Kung meron kayong reklamo pwede ko naman kayong pauwiin ngayon," nakita ko ang relief sa mga mukha nila at napangiti ako "Pero ipagpapatuloy ang paglilinis sa Sports Fest. Tamang tama kailangan namin ng dagdag na tulong ngayon sa pagbubuhat ng mga gamit na kakailanganin. At sa pagkakatanda ko hindi pa masyadong na-trim ang mga damo sa field. May maglalaro pa naman ng soccer, siguro yun nalang ang ipagagawa ko sa inyo"


"WHAT?!" sabay na react nila Sherryl at Lyza.


"Don't worry, umaga kayo mag-uumpisa para maka-uwi kayo ng 6pm," nakangiti kong sabi "So ano'ng gusto nyo? Lilinisin nyo itong canteen ngayon o yung field?"


Nagkatinginan silang dalawa. Si Gael naman wala lang, although alam ko na naiinis sya.


Kumuha sina Lyza at Sherryl ng mop at nilinis ang sahig.


Tumingin ako kay Gael.


"Fine," sabi nya.


Tatalikod na sana ako nang mapansin na pumulot sya ng papel mula sa lamesa at itinapon iyon sa basurahan.


"Saan ka pupunta?" tanong ko nang kunin nya ang bag nya.


"Uuwi na," sagot nya.


"At bakit ka uuwi?! Hindi pa tapos-"


"Nakita mo naman akong nagtapon ng basura hindi ba?" tanong nya sa naiinip na tono.


"Oo"


"Nagawa ko na. Naglinis na ako. Kaya ngayon aalis na ako dahil may importante pa akong lakad," dumiretso na sya sa labas.


Napa-nganga ako.


Naglinis?! Nagtapon lang sya ng papel sa basurahan ah!


Agad ko syang sinundan sa labas.


"GAEL!!" tawag ko sa kanya pero nagtaka ako dahil may nakasabay ako sa pagtawag sa kanya.


Nakita ko si Coach D na palapit sa kanya.


"Gael mabuti nalang naabutan pa kita," sabi ni Coach sa kanya.


"Kung kukulitin nyo na naman ako tungkol sa pagsali sa swimming team hindi parin nagbabago ang sagot ko. Hindi. Ako. Interesadong. Sumali."


"Ikaw yung hinihintay ni Coach?" nilapitan ko sila.


"Charlene nandito ka parin pala. Pasensya ka na kung pinahirapan kita sa list ko, ito kasing si Gael ayaw pa akong pagbigyan,"  paliwanag ni Coach D.


"Hindi nga ako interesado," nababagot na sabi ni Gael.


"Ayos lang po Coach," lumipat kay Gael ang tingin ko "Marunong ka palang mag-swimming?"


"Ano naman?"


Tignan mo 'to. Hindi marunong sumagot nang matino. =___=


"Sasali ang boyfriend mo hindi ba Charlene?"


Ahh.. >///< Ang boyfriend ko na si Gino. Isa syang magaling na swimmer. Kaso sa kabilang school sya nag-aaral. Sa St Charles Academy.


May High School at College sila kaya naman pag naka-graduate na ako dito, mag-eenroll ako sa school nila.


"Opo Coach, may training nga po sila eh."


"Ah ganon ba? Siguro sila na naman ang mananalo, magaling na swimmer si Gino. Kung sasali lang sana itong si Gael, malaki ang pag-asa na tayo ang mag-champion."


Hmm?


Ganon ba kagaling sa swimming si Gael?


Pero I'm sure naman na mas magaling si Gino ko. Speaking, may date nga pala kami bukas! >///<



***~@#@~***##***~@#@~***


Kinabukasan.


Maaga akong gumising para mag-ayos. ^u^


May date kami ngayon! Excited na ako!


Ang tagal din namin na hindi nagkita. Busy kasi sya sa practice nila. Weekends lang kami kung magkita.


Monthsary namin ngayon eh.


Ibinili ko sya ng silver na bracelet. *U* Sana magustuhan nya.


Bumaba na ako ng bus at naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng isang kilalang desert shop.


Tumunog ang maliit na bell pagkapasok ko ng Sweety's Sweets House. Ang cute ng deco sa loob. Makulay. Para akong pumasok sa giant cookie house.


Umupo na ako sa isang bakanteng table malapit sa bintanang salamin. Nakikita ko ang lahat ng dumadaan sa labas.


Maya-maya lang nakita ko na si Gino, pumasok sya sa loob.


Tinaas ko ang kamay ko at kumaway sa kanya.


"Gino!" tawag ko sa kanya.


Ngumiti syang lumapit sa akin.


Parang slow motion. Ang gwapo nya talaga. Hindi ako makapaniwala nang yayain nya ako makipag-date sa kanya. Isang bwan na rin kami.


"Kanina ka pa?" nakangiti nyang tanong habang umuupo sa tapat ko.


Umiling ako.


"Hindi," nakangiti kong sagot.


"Um-order na tayo," sabi nya.


*_____* Haaay.. Ang gwapo talaga nya. >///<


"Ano po'ng order nyo? Maam, Sir?" tanong samin nung waiter.


"Kung ano ang specialty nyo today," sabi ni Gino.


"Today po ang specialty ng shop ay blueberry muffins at green popolo drink"


"Popolo?" tanong ko


"Ah. Smoothie po yon na avocado flavor with matching gelatin at sago," sagot ng waiter.


"Gusto ko nun," *U* sabi ko


"Dalawang order non," sabi ni Gino.


"So kumusta ang practice?" tanong ko nang makaalis na ang waiter


Nag-shrug sya.


"Katulad parin ng dati," sagot nya.


Tumingin sya sa relo nya.


"May pupuntahan ka ba?" tanong ko.


"Charlene, look I need to tell you something," umpisa nya na parang kinakabahan.


Napaayos ako ng upo.


"Ano 'yon?"


"I want a breakup"


B-Breakup?


Biglang sumikip ang dibdib ko. Nahirapan ako sa paghinga.


Ang first boyfriend ko...


"P-Pero bakit?"


"Because it's not working"


Diretso lang syang sumagot parang hindi man lang sya affected dito.


Mukhang nabasa nya ang iniisip ko kaya naman hinawakan nya ang dalawa kong kamay na nakapatong sa lamesa.


"Mahirap din ito sa part ko Charlene, pero wala na akong magagawa"


Nahigit ko palayo ang kamay ko mula sa hawak nya.


Naiiyak ako. First love ko sya! O love nga ba? Kung hindi, bakit ako nasasaktan?


Ito ang... first heartbreak ko.



***~@#@~***##***~@#@~***


Tulala. Lutang. Bangag.


Pagkapasok ko sa school akala ko kaya ko, pero everytime na maaalala ko ang nangyari nung saturday gusto ko nalang magkulong at umiyak.


Ang sakit.


Saan ba ako nagkulang? Dahil ba pareho kaming busy?


Pero pagkatapos naman nitong Sports Fest marami na kaming time ah.


Ay palaka!


May nabunggo ako.


=______= Kung mamalasin ka nga naman.


"Oy Ms Prez! Ayos ah! Kalat ang eyeliner mo, ganyan na ba uso ngayon?"


Si Gael.


Hindi ko nalang sya pinansin, Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.


Saan nga pala ako pupunta? Napatigil ako.


Ahh.. Tama.. Sa boys locker room.


Nandon ang mga taga St Charles Basketball team.


Tatawagin ko sila dahil malapit nang mag-umpisa ang ceremony.


Pumunta na ako don.


Saan nga pala ang boys locker room?


=______=;


Naglakad na ako nang maalala ko kung saan 'yon.


ST CHARLES


Yun ang nakapaskil sa pinto.


Si Gino. TT__TT Hindi! Hindi! Wala sya dyan. Siguro?


Pero pano kung nasa loob sya?


Napako ako sa tapat ng pintuan ng locker room.


Ano nang gagawin ko?


"HAHAHAHAHAHA!!"


Ang lakas ng tawanan nila grabe. =___=


"C'mon Gino! Ang astig mo talaga, akalain mong nakatagal ka ng isang bwan don?"


"Ano? Naka-kiss ka ba sa kanya?"


0______0;


"No way! Nandidiri nga akong hawakan ang kamay nya!" narinig ko yung boses ni Gino.


Kinabahan ako nang marinig ang mga pinag-uusapan nila.


Hindi naman siguro ako yung pinag-uusapan nila hindi ba?


Hindi ako yun. Baka iba 'yun. Mabait sya sakin eh.


"Dito sya pumapasok hindi ba?"


"Oo"


"Pano kapag nagkita kayo nun? Ano'ng gagawin mo?"


"Wala, hindi ko nalang papansinin baka umasa eh"


"Man, that's harsh"


"Ginawa ko lang naman yon para sa pustahan hindi ba?"


"Oo nga, ano naman ang gagawin mo dyan sa ten thousand?"


"Malamang para sa date nila ni Cindy! Hahaha!"


Tumakbo nalang ako palayo.


May girlfriend sya? Pinagpustahan nila ako?


Nagsinungaling sya sakin?


Hindi nya ako gusto!


Pinagpustahan nila ako?


Sa halagang ten thousand?!


Makikita nya!


Makikita nya kung ano ang totoong halaga ko!


Pagbabayarin ko sya nang higit pa sa halagang ten thousand!


Isinusumpa ko!!


Pumasok ako sa isang bakanteng classroom.


"ISINUSUMPA KITA GINO!!! MAGBABAYAD KA!! ITAGA MO YAN SA TEN THOUSAND MO!!"


"HOY!!"


Ay palakang kokak!


Pagtingin ko sa likod ko nandon pala si Gael.


"Anak ng tatlumpung baboy naman oh. Di na makapagpahinga nang ayos!" umayos sya ng upo sa silya.


Mukhang natutulog sya kanina.


"Hindi makatulog sa bahay, pati ba naman dito may istorbo"


"Gael! Ano'ng ginagawa mo dito?"


"Di ba obvious? Natutulog"


"Bakit ka dito natutulog? May assembly sa ground floor ah!"


"I don't give a damn! Pwede ba, lumabas ka na nga. I-lock mo yung pinto, istorbo naman"


Tinitigan ko sya at may nag-form na plano sa isip ko.


Isa akong henyo. +U+


"Gael"


"Oh"


"Magaling ka sa swimming hindi ba?"


"Ano naman?"


^________________^+


Alam ko na kung paano ko uumpisahan ang pag-ganti ko.


Humanda ka Gino.


Humanda ka.


MOUHAHAHAHAHAHA!!




***Author's Note

LOL. Dapat One Shot lang ito eh. Kaso napahaba ang plot. Yaeh na. Nag-enjoy ako isulat eh. Hoho! Haha! Siguro Two Shots ito. XD LOL. Sige na, ilagay nalang natin sa Short Story. Hahaha!

Anyway. Hindi ko ginamit ang mga name ng BEAST member. Pati na rin ang A-PINK. XD

Si Chorong si Charlene.
Si Gikwang si Gino.
Si Gael si Junhyung.

Hehehe! Alam nyo na siguro ang pairing.

XOXO
Alesana Marie

But He's a Delinquent!Where stories live. Discover now