Chapter 63: Booth Week: Day 1

Začať od začiatku
                                    

"Di ba, Airox?" Ulit ni Aqua at palihim na akong kinurot kaya bumalik na ako sa huwisyo.

"A-ah? Oo. Sorry, Tifanna." Sabi ko kaya napangiti ng malawak si Aqua.

Hinawakan ko ang beywang ni Aqua.

"Kayo muna ni Fayka dito. May pupuntahan lang kami ng ka-date ko mamaya." Sabi ko at umalis kami papalayo doon.

Sinuntok naman ako ni Aqua nang nasa malayo na kami.

"Awch!" Sadista! Tsk!

"Ano ha? Kung hindi pa ako dumating edi pumayag ka na sa gusto ng Tifanna'ng 'yon, ha? Jusko naman Airox! Bakit mo naman gustong pumayag doon?!" Sabi nito sa akin.

"Eh hindi---"

"Tapos mamaya magde-date kayo? Dun ka pa talaga sa haliparot na babaeng 'yon?"

"Teka, hind---"

"Tapos hinahayaan mo din na landiin ka niya ha? Ano ba 'yan Airox! Dapat---"

"Wait. Pagsalitain mo nga ako. Nagseselos ka ba?" I cutted her off with a smirk.

"A-ako?" Tanong nito. I'm expecting na magsasabi siya ng 'hindi'. Yan naman laging sagot niya eh kahit halatang-halata na.

"Oo. Nagseselos ako." Pero nagulat ako sa sagot nito.

Natulala ulit ako sa kaniya. Ang ganda pala ng sadistang 'to.

"Pakiulit nga, Aqua." Nang-aasar kong sabi dito.

"Nagseselos ako..." ulit nito.

"Di ko marinig. Pakiulit. Yung malakas naman."

"Nagseselos ako! Nagseselos ako sa inyong dalawa dahil mahal kita! Naiintindihan mo?! Nagseselos ako!" Tuluyan na itong sumigaw kaya dahil sa tuwa ko ay niyakap ko siya at binuhat.

Hindi ko akalain na mahal din ako ng taong mahal ko.

Tinignan ko siya, "Mahal din kita, Aqua. Buti naman at na-realize mo na mahal mo din talaga ako. Matagal ko nang hinihintay ang araw na 'to, Aqua. Darn. Ang araw na ang sadistang si Aqua mismo ang aamin ng nararamdaman niya para sa akin."

Ang corny ba? Sorry mga brad. Kahit gwapo ako, wala pa din akong laban sa charm ng sadistang mahal ko.

"Paano ba 'yan?" Sabi ko na parang may ipinapahiwatig.

"A-ano?" Namumula nitong tanong.

"Edi tayo na?" Nagbibiro kong sabi dito dahil alam ko namang hindi ito papayag.

Ngumiwi siya, "Anong tayo na? Hoy, manligaw ka muna! Kahit naman na gwapo ka eh hindi pwede na maging tayo agad! Hmp."

Tumawa ako at hinalikan siya sa noo, "No problem, my sadist princess. I love you."

"I-i love you too."


Hana  P O V

"Hanaaaaaaa!"

Nyay!

"Sorry naaaaa! Jusko!"

Takbo lang ako ng takbo dahil hinahabol ako nitong si Luna.

Nakakainis naman kasi! May chismosang nagsabi kay Luna nung tungkol sa pinost ko sa kanilang dalawa ng ka-puppy love niya kaya beastmode si Luna.

Pero itong si Eyvhan, nagpipigil ng tawa. Mukhang nagustuhan ata eh.

Magpost pa kaya ako ng maraming picture nila para sa susunod na araw ay patay na ako?

"Hanaaaa! Why did you uploaded it?!" Galit na bulyaw nito habang tumatakbo.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now