“Ma?”

                “ANGELIE! ASAN KA NA? Ang taas kagabi ng baha ditto satin, halos pasukin na tayo ng tubig. Tumatawag si Alfred, pupunta daw pero di ko na pinapunta.”

                “Nandito pa din po ako sa bahay ng classmate ko. Pahuhupain lang po namin yung baha tapos uwi na din ako.”

                “Si Alfred, itext mo, nagaalala na sya sayo. Hindi ka ba inatake kagabi?”

                Opo, inatake po ako. Inatake ako ng mga halik ng ex boyfriend ko na sya naming pinayagan ko.

                “Hindi naman po. Okay lang ako ma.”

                “Wala naman na masyado ditto, passable na yung harap, pero magiingat ka pa din ha?”

                “Opo, sige po. Babye.”

                Binasa ko yung mga text ni Alfred.

From: Alfred +63927*******

Nasan ka? Di ka daw umuwi sainyo?

From: Alfred +63927*******

Angelie, nasan ka ngayon? Okay ka lang?

From: Alfred +63927*******

Di mo sinasagot mga tawag ko, ano ng nangyari sayo?

From: Alfred +63927*******

Angelie, wala namang ganyanan oh, nagaalala na ako. Asan ka, susunduin kita?

From: Alfred +63927*******

Wala ka pa din daw sainyo? Pupunta na dapat ako kasi halos pasukin na daw ng tubig bahay nyo, kaso ayaw na ni tita.

From: Alfred +63927*******

Itext mo ko as soon as mabasa mo to ha? Ingat ka.

                Naguilty naman ako sa mga text ni Alfred. Halos oras oras syang nagtetext, yung kay Jerich naman yung binasa ko.

From: Jerich +63926*******

Sis, sorry ha? Pero nung snabi mo na mlayo pa si Alfred ngalala aq. Tpos nung nakta q si Mike, di q na npigilan sarili q. Nakauwi k nba ? Sorry tlga, wag k mggalit, chance mo n din yan para maipakta sa knya n kya mo na ang srili mo.

From: Jerich +63926*******

P.S, whatever happens, khit psabugin mo pa sya, andito lng kmi for you. Ingat ka sa byahe. Luv u!

                Iba ang nangyari eh. Kabaligtaran. Instead na ipamukha ko sa kanya na okay na ako, ang nangyari is naiparamdam ko pa kung gaano ako sabik na sabik sa kanya. Ganun pala yun? Hindi ko alam na ganun pala yung pakiramdam at sa tuwing maalala ko, umiikot yung tiyan ko. Parang may halong kilig, kaba, inis at pait. Parang andito pa din sa labi ko yung lasa ng labi nya kahapon. Bleah. Nanakbo ako sa CR para magtooth brush.

                Pagkatingin ko sa salamin, shet lang lalo. Ito ba talaga yun? May bakat ako sa may kaliwang balikat. Namumulang bakat! OMIGOD! Tanginang lalaki yun! Hayop kung makahalik. Inurong ko yung collar ko, di naman pala halata, dahil lang nadisarrange yung blouse ko pero bwiset, pati ba naman balikat ko? Di na nakuntento sa lips ko? Sa bawat pagpikit, bumabalik yung alaala kagabi at kung paano ako willing na sumuko inspite the fact na inaapoy na ako ng lagnat. Pinagsamantalahan nya nga ba ako? Hindi ko masasabi yun, dahil ako mismo ang free will na bumigay sa halik nya. Di ko lang maiwasan na mapaisip. Nagtoothbrush na ako, kadiri sya! Bwiset na kapre! Kusa nalang na tumutulo yung luha ko.

****

                Halos magtatanghalian na kami nakauwi. Ihahatid ko pa sana sya sa gate nila pero ayaw nya na. Bumaba sya agad pagkadating sa gate ng village nila. Hindi na nagpaalam, di nya din ako kinikibo. Di sya nagsasalita sa loob ng dalawang oras na byahe. Kundi nagtetext, nakatingin lang sa labas at andun nanaman sya sa likod. Dahil ba to sa nangyari kagabi? Kung dahil dun, oo, totoo, awkward nga pero pareho naman naming ginusto yun eh. May malay sya habang hinahalikan ko sya, gising sya at alam ko yun. Di naman ako tanga na makikipaghalikan sa tulog o sa walang malay. Hindi din naman ako ganun ka sira ulo para pagsamantalahan ang isang babae na walang muwang. Saka hindi lang sya basta babae, sya si Gel eh, sya yung Gel ko, wala ng iba.

                Dumiretso uwi na din ako, suspended ang klase ngayon, medyo kalahati ng gulong ang baha malapit saamin pero magakyat ng village, wala na.

Nagagalit ako sa sarili ako. Ano bang pinagagawa ko? Bakit ako nagging ganito? Bakit ko pa kasi sya pinakawalan? Naiinis ako, putangina lang talaga! Napakabobo ko! Sa sobrang asar ko sa sarili ko, pinagsusntok ko na yung pader. Di ako mapakali, ano na kayang iniisip nya? Ano na kayang mangyayari saamin? 

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

NOTE:  Thank you po ng sobra sa paghihintay. :)

Apparently, sobrang naging SOBRA SOBRANG busy ako dahil sa thesis and other paper works. Ang sakit sa ulo, tatlong araw ako walang tulog tapos andaming kaganapan talaga sa buhay. Mga nakakakalokang pangyayari na hindi ko talaga inaakala na mangyayari so ayun, nastress ang lola nyo. Haha, for more details, visit my blog. anyways, sorry maikli lang to pero pagnatapos ang defense ko, bongga na ulit. 

Liempo ( A story of Rival Colleges)Where stories live. Discover now