Inismidan ko talaga si Kiel kaya pinagdiinan ko yung GF part. Nagseselos ba 'to? o nagagalit dahil naunahan ko siya? Ewan ko sa kanya at sa bestfriend effect niya.

Hinila ko papasok ng kotse si Sam at sumakay sa driver'seat.

Bago kami umalis binusinahan ko muna sila at pinaharurot palabas ng school premises.

Hindi pa din kami nakakalayo ng mapansin ko na walang kibo si Sam. Hala? Kinuha na yata ng multo ang kaluluwa. Ni hindi umiimik o nag-sasalita.

Gulatin ko kaya?!

EHE. >//<

Iprineno ko ng malakas yung kotse kaya napasubsob si Sam. Ako naman tawang-tawa sa kanya kasi kulang na lang kainin niya yung salamin ko. Bumakat yata yung mukha niya. LOL.

"Aray!! Siraulo ka talaga!!! Sira na talaga ang utak mo noh?!"

Singhal niya sakin na hawak-hawak yung ulo niya.

"Matagal na. May dumaan kasing aso kaya napreno ng malakas."

Palusot ko.

"Eh baliw ka pala talaga! Wala naman kaya akong nakita!"

"Eh pano mo makikita eh tulala ka!"

"Sinong hindi mabibigla sa ginawa mo kanina ha!! Dapat talaga sa harap ng maraming tao?! Paano na lang ang image ko! Huhuhuhuhuhu!"

"Bakit? Ano bang nakakagulat dun eh napag-usapan naman natin yun?"

"Eh malay ko ba naman kasing papasa ka?!!" 

Gigil na gigil niyang sabi.

Biglang umamo ang mukha niya at ngumiti sakin. "Pwede bang bawiin na lang natin yung napagkasunduan natin? Please??" Tanong niya na napakapit sa braso ko at pinagdikit ang mga palad niya.

Tinanggal ko yun ng padabog at dumila sa kanya.

"Heh!! Tumigil ka!!"

Ismid ko sa kanya.

Yumuko lang siya at nag-pout. (-3-)

"Oo na nga! Isang buwan lang naman diba?!"

Sabi niya.

"Oo. At sa loob ng isang buwan na yun bawal mong ipagkalat na deal lang natin 'to. At higit sa lahat, dahil boyfriend mo ako ng mga panahon na yun, dapat ako ang masusunod."

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now