Tanong naman ni Boom na parang nang-uusisa.

"Just wait and see."

Sabi ko naman sabay kindat sa kanila.

"Hi Derick!!"

Bati ni Krystal na halata mong kinikilig pagtapat samin. Tumango lang si Derick sa kanya.

Napatingin ako bigla kay Kiel.

Problema nito? Ba't ang sama makatingin?! Inakmaan ko lang siya ng "lalaban ka" look pero hindi siya natinag. Matapang talaga. Gusto yatang masampolan kaya nakipagtitigan lang ako sa kanya.

"Oh? Anong klaseng tinginan yan ha?"

Sabi ni Sam na pumagitna saming dalawa.

Ngumiti lang ako kay Sam na may kasamang pang-aasar.

"Hi Baby.."

Napatingin sakin lahat ng kasama namin sa parking lot na gulat na gulat.

"Bey-bi?!?!??!!"

They all said in unison.

Hinila ko papalapit sakin si Sam sabay inakbayan ko siya. Siya naman nakanganga lang sa gulat.

"Oo. Diba Baby?"

Sabi ko kay Sam na pinandidilatan ko ng mata na may halong pagbabanta.

"A-ah-oo. Haha. Baby. Sige lang patay ka sakin mamaya, Baby. Baby pala ha?!"

Sam said in a sarcastic tone. Siniko pa nga ako at pinanlakihan ng mata na halata mong nanggagalaiti sa inis. Waaa! Ang cute!!!

"Kayo na?!!"

They all said again in unison. Tiningnan ko ulit si Kiel na nakita kong gulat na gulat at takang-taka sa nangyayari.

Nginitian ko lang siya ng nakakaasar sabay binaling ko kaagad ang tingin ko kila Boom tapos nag-peace sign.

"Uhm uhm" - Ako (*3*)V

"T-teka Sis. Kelan pa?"

Tanong naman ni Krystal.

"Ngayon lang"

Sagot ko naman.

"Sige ha? Aalis muna kami ng GF ko!!"

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now