CHAPTER 1

9 0 0
                                    

Jean's POV

I was riding this jeepney along quezon city. Pupunta akong mall to meet my junior high friends. Iba iba na kasing school yung pinasukan namin pero kaming tatlo pa rin talaga. Sila lang talaga ang nakakaintindi sa akin.

"Nasaan ka na?" Chat sa akin ni Camill. Mukhang late nanaman ako. Lagi naman eh hahaha! Pati ang marealized na mahal ko siya huli na dahil umalis na siya sa buhay ko bago ko pa marealized na mahal ko siya.

Nasaan na kaya siya? Kamusta na kaya siya? Natatandaan niya pa rin kaya ako? Siguro marami ng bago sa buhay niya na nakalimutan na niya ako. Sabagay sino ba naman ako para alalahanin niya? Enough with this drama magkikita pa kami ng mga kaibigan ko

"Para po." Tulad ng nakagawian ay lampas ulit ang pinagbabaan sa akin ng jeep na sinasakyan ko dahil sa mga buwaya. Well yan bansag nila sa kanila nakigaya na lang ako. But for me pareho lang naman nilang ginagawa ang trabaho nila may mga jeepney driver lang talaga ang di marunong sumunod sa batas at mga buwayang nanduruga at sinasamantala ang posisyon nila para magaka-pera.

Bumaba na ako at dumiretso sa entrance ng mall na pagkikitaan namin nina Camill at Pia.

'Saan na kayo?' Chat ko sa kanila sa gc namin.

'Sa nakagawian' Reply sa akin ni Camill.

Dumiretso na ako sa top floor. May garden kasi sa top floor ng mall na ito paglabas mo. Malawak doon at may mga restaurants. Pero mas trip namin sa mga benches tumambay with our foods.

Nakikita ko na sila at ang mga bruha kumakain na ng wala ako.

"Hoy mga bruha bakit kayo kumakain ng wala ako?" Tanong ko sa kanila.

"LUH! Bakit ka kasi late diba?" Yun Lang hahaha. Sa bagay sanay naman silang late ako palagi.

"By the way girl may bagong labas na makeup line yung paborito kong makeup brand! I'm so excited na tingnan yun mamaya with you guys."

Here comes Pia the makeup addict. Ako din naman pero mas komportable pa rin ako with my bare face. Di ko lang talaga maiwasang mag makeup dahil sa society.

"Sige hahaha! As if naman May magagawa kami." Pagsasang-ayon ni Camill.

"By the way lapit na magpasukan ah. Saang university niyo balak pumasok?" Tanong ko sa kanila. Well ako lang naman sa tropa yung excited mag college. Ewan din kung bakit but maybe because of the thought of a new life routine, new environment and new people na rin sa buhay ko. Pero di ko pa rin ipagpapalit ang dalawang kaibigan ko. Pati siya.

The fuck! It's been 3 years at di pa rin ako maka move on! Ano na Jean?! Hayyysss. Gusto ko na kumawala sa mga alaala ko sa kanya. Pero kailan pa?

"Hoy Jean ano?! Bakit ka tulala diyan?" Sigaw sa pagmumukha ko ni Pia. Well ganito naman talaga siya lagi. Anong bago?

"Wala. Gusto niyo try natin mag-enroll sa iisang school since college na rin naman tayo?" Magkakaiba kasi kami ng school this senior high school kaya ang hirap ng set up namin. Parang LDR with my best friends lang.

"Ay gusto ko yan." Sagot ni Pia. Sa aming tatlo si Pia yung taong magaling sa arts. Magaling mag-drawing. Tapos si Camill is yung magaling sa poetry and literature stuff. Ako naman yung dancer ng grupo. Well di naman ako ganun kagaling sa pagsasayaw hilig ko lang talaga ganun.

"Ewan ko lang kay mama. Di ako sure pero try ko." Well naiintindihan ko naman si Camill. Junior high kami nung inakala naming sa probinsya nila siya pag-aaralin ng magulang niya. Buti na lang di natuloy at magkakasama pa rin kami hanggang ngayon.

"Try natin sa Emeralda University. Tsaka try ko kung makakapasok ako dun sa dance troupe nila. Sayang baka makakuha pa ako ng full or kahit partial scholarship man lang. Makakatulong din yun sa akin." Well plano ko namang sumali sa dance troupe ng school ko nung senior high pa lang ako. Kaso gusto ko muna kasing mag-focus sa academics eh. But now babalikan ko na ang first love ko. Ang pagsasayaw.

"Yes naman girl! Naalala ko nung junior high pa lang tayo ikaw yung isa sa magagaling na dancer ng school. Ang dami ngang nagulat nung umalis ka sa dance troupe ng school nung grade nine na tayo." Well tama ang sinabi ni Pia. I was one of the dancer of my former school pero I don't see myself that good at dancing. Tsaka napagod ako. Di ko alam kung bakit. Tsaka umalis na rin naman siya nung panahong yun eh.

"Oo nga Jean. Sayang yung talent mo buti naisipan mong ituloy ngayon." Sambit ni Camill. Well namiss ko na rin ang pagsasayaw. Tsaka nandun pa rin yung pag-asang magkikita kami ulit. Sa pag-sasayaw kami pinagtagpo at posibleng sa pagsasayaw ulit kami pagtagpuin ng tadhana.

I Miss YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon