Chapter 8 : New student?

304 15 0
                                    

Jessica's Pov

Nandito ako sa loob ng kwarto ko. Its already 7 am and Im already late . Sabi ni marco susunduin niya raw ako. But where the hell is he?

Hindi niya nirereplayan lahat ng text messages ko kagabi. Dito kami madalas mag away eh. Dahil sa sobrang babad niya sa online games nakakalimutan niya nang may girlfriend siya. Naiinis na talaga ko
grrrrrr.



Well aaminin ko na I'm also addicted playing games but that thing will not stop my responsibilities in school and in my girlfriend duties.

Which my boyfriend can't do.


I sighed.

'TOKTOK

"Come in!" sigaw ko ng may kumatok sa pintuan.

"Ma'am, may nagpapabigay po sainyo." sabi ni yaya berna at
Inabot niya sakin ang bouquet ng pink roses.

"Kanino daw po galing?" tanong ko. Kahit alam kong si Marco ang may bigay nito.


"Kay sir Marco raw ho ma'am. Iniabot po saakin ng driver nila"

"Hindi niyo po ba siya nakita?" tanong ko

"Hindi po ma'am"

"Sige salamat po yaya."

Binasa ko ang papel na nakalagay sa ibabaw nito.

'Im sorry babe hindi kita mahahatid ngayon we have some family issues . Di rin ako makakapasok ng dalawang araw dahil kailangan ako ni Dad sa company. Iloveyou! take care! <3'

Napabuntong hininga nalang ako.
Bakit naman kaya? dalawang araw? eh kareresume palang ng klase ah?

Nilagay ko sa ibabaw ng kama ko ang flowers. At agad na bumaba para magpahatid papuntang Campus.

Sasakay na sana ako ng kotse ngunit may pamilyar na boses akong narinig. Boses yun ni Irene.

'BEEEPPP!
busina ng Van na nasa labas.

"Sicaaaa!" sigaw ni Irene na nasa passenger seat ng Van ni Harry.
Nakita ko rin si Harry na nag dadrive at si Tiffany,Rein at Sunny na nasa likod.


Nasan si marco? :<




"Jessica-shii kajaa!" Sabi ni sunny na sinenyasan akong pumasok ng Van.

I was expecting for marco cause I really thought that was a surprise. Well I did expect, my fault.

Napangiti naman ako dahil sa mga kaibigan ko. Di nila ko nakalimutan ..



Sumakay na ko sa Van at agad rin kaming pumunta sa Campus,
Dahil nga late na rin kami, Nanaman.


Irene's Pov

"Bakit parang ang dami atang tao sa Campus grounds?" Tanong ko

"Parang may importanteng bisita ata tayo. " sabi ni Tiffany


"No, I think hindi siya bisita.
We have a new transferee." Sabi ni Rein. At tinuro ang isang malaking tarpaulin na naka kabit sa Campus gate.



'Welcome to Wizbern University, Alfred Leon' sabay sabay na basa naming 5 bukod kay Tiffany na seryosong nakatingin sa banner.


"Alfred Leon? Ughhh why am I so unlucky? " pagmamaktol ni Tiffany.


"Whats the matter tiff?" Tanong ko


"Siya yung lalaking nakapartner ko sa photoshoot nung isang araw! ayoko sa ugali niya!" Sigaw ni Tiffany. Bihira namin makita si Tiffany na nagmamaktol at naiirita dahil sa isang tao.

Mukang ayaw niya ata sa lalaking toh ah.

"Tara na, tingnan natin kung bakit siya pinagkakaguluhan sa loob"
Sabi ni Harry .

Nagsibabaan na kami at dumiretso sa Campus Grounds .

Rinig namin ang tilian at sigawan ng mga babaeng nakapalibot dito.

°°CAMPUS PRINCESS MET CAMPUS BAD BOY°°

CAMPUS PRINCESS MET CAMPUS BADBOYWhere stories live. Discover now