"My! Bilisan mo baka mahuli tayo sa kasal ni Tito Al!" nagtatampong ani ni Law sa kanyang nanay.
"Sus! Pupunta muna tayo sa bahay nila Rey. Ang sabihin mo, gusto mo lang siya makita.." mapangasar na sagot ng kanyang nanay.
Pagkasakay ng sasakyan, nagsabi ang kanyang nanay ng mga salitang nakapagpagulo sa kanya. "Law, anak, don't be afraid on trying to love kahit na minsan, masakit.".
Tumahimik si Law, ngunit ang kanyang isip ay di na makapaghintay na makita ang kanyang bestfriend, si Rey.
-
"Hi tita!" nakipagbeso si Law sa mga amiga nang kaniyang nanay.
"Oh, napakagandang bata. Si Rey ba?" tanong ng nanay ng nasabing binata.
"Opo tita." sagot ng babae.
"Saglit tatawagin ko. Nagaayos pa." naghintay ang babae hanggat sa lumabas si Rey sa kaniyang kwarto.
"Ah, Law! Wait lang ha, pinapatawag kasi ako nila ninang. Pictorial daw." mabilis na sabi ng binata na may pekeng ngiti. Hindi na niya nahintay ang dapat sasabihin ng babae sa pagmamadali.
"Iha, tara na sa simbahan. Baka malate tayo." saad ng ina ni Rey at siya'y sumunod nalang.
Sa kabilang banda, may katawag si Rey.
"Nahanda na ba?" usal niyang nanghihinayang.
"Oo pre... Pakitawagan raw pala yung nanay ni Law. Gising na si Jake." sagot ng kaniyang barkada. Alam naman niya eh... na darating rin ang araw na darating ang tutoong makapagpapasaya sa kaniyang bestfriend.
"Sige..." pinatay niya agad ang tawag sa takot na bigla siyang maluha at tuluyang bumigay.
"Son, are you sure of this?" narinig niyang tanong ng tatay niya sa kaniyang likod. Pinunasan niya ang mga nagbabadyang luha.
"Yes Dad." pilit niyang sabi.
"I want you to take care of yourself son. Goodluck." his Dad handed him a rectangular box.
Iyong box na iyon? Ipinako niyang ibibigay niya ang kwintas sa loob sa babaeng pinakamamahalin niya.
Dumiretso't tumuloy narin siya sa simbahan matapos ayusin ang sarili.
"Anak, namumutla ka. Umuwi ka nalang muna kaya?" tanong ng kaniyang nanay.
"No mom. I'm still fine, besides, I agreed naman diba?" sabi niya. Kinakabahan siya, ngunit kailangan niya itong gawin.
'Ayaw ko pang malaman niya ang katotohanan.' sabi niya sa sarili. Nalulungkot man ngunit pilit siyang ngumiti upang mabawasan ito.
Sumakay siya sa kanyang sariling sasakyan at nagmaneho patungo sa simbahan.
Naging maayos naman ang programa sa reception. Ayun nga lang, napapansin ni Law na medyo ilag sa kanya si Rey.
"Uy, Rey, ice ka lang?" tanong niya.
"Oo naman." sabay peke ng lalaki ng ngiti.
"Akala ko naman iniiwasan mo na ako eh..." kunwaring nagtatampong sabi ng babae.
Natawa nalang ang lalaki. 'Mami-miss ko 'yan' sabi ng lalaki sa sarili at natawa nalang siya.
Ngunit sa loob-loob ng babae, alam niya nang may mali.
Natapos ang programa at napansin ng babae ang dali-daling paglabas ng lalaki kaya sinundan niya ito.
"Hoy Rey, san ka pupunta?"
"Iniiwasan mo ba ako?"
"Rey! Bakit mo ba ako iniiwasan?"
"Hoy Rey!"
"Rey!"
"Rey!"
Gulong-gulo na siya dahil hindi niya alam kung ano ba talagang nangyayari.
Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki hanggang sa di niya na muling narinig ang babae. Gustong-gusto niya itong pansinin ngunit hindi pwede. At sa pagkakataong iyon ay pawang naluluha na siya.
Sa tutoo lang ay ang sakit-sakit na ng paa ng babae dahil sa suot nitong sapatos, kasabay ng kanyang kumikirot na puso.
Sinilip niya kung tuluyan na bang sumuko ang babae sa kanya. Sa di inaasahan ng kanyang paglingon ay nakita niya ito sa kanyang likod.
"Iniiwasan mo ba ako?" mahinahon na tanong ng babae. Sa tutoo lang ay gustong-gusto na siyang yakapin ng lalaki, ngunit sa halip ay umikot siya at muling naglakad nang hinigit ng babae ang kanyang braso.
"You fucking tell me why Rey! Nahihirapan na ako! Bakit mo ba ako iniiwasan?" anang babae.
Natahimik ang paligid na parang sila lamang ang naroron.
Matagal bago sumagot ang lalaki, "Hindi lang ako Law." at umuwas ng tingin.
"Anong hindi lang ikaw?"
Hindi umimik ang lalaki.
"Paki-paliwang Rey.. Kasi gulong-gulo na ako.." naluluhang anang babae.
Napabuntong hininga ang lalaki at napahawak sa buhok niya na pawang namromroblema bago ito sumagot. "Kasi hindi lang ako".
"An-ano?" nilapat ng lalaki ang kanyang palad sa mga labi ng babae upang pigilan itong magsalita. Makaraa'y inalis niya ito.
Muling bumuntong-hininga ang lalaki at ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Kasi hindi lang ako... Kasi hindi lang ako ang nahihirapan. Hindi lang ako ang laging umiiwas. Hindi lang ako ang nasasaktan. Hindi lang ako ang nagseselos... Aish!" akmang iikot na ang lalaki ngunit pinigilan ito ng babae...
Sa paraan ng pagyakap sa lalaki mula sa kanyang likuran.
"I miss you, Rey.." anang babae. "Bitawan mo ako Law." umalis ang lalaki mula sa pagkakayakap ng babae at naglakad, dahan-dahan papalayo, at dito na unting pumatak ang ulan.
Ayon sa nabasa ng babae, di dapat uulan ngayon. Sa tingin niya'y nakikiisa ang panahon sa kanyang pagluluksa.
Naglalakad papalayong nakaharap sa babae ay siya'y muling nagsalita, "At lalong-lalo na, hindi lang ako ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa'yo. Andiyan na siya Law... Anong di mo maintindihan dun?".
"Anong ibig sabihin mo?" naguguluhang tanong ng babae.
"It's not for me to explain... pero hindi ako iyang nasa memorya mo. Natatandaan mo si Jake? Yung binisita natin noon?" tanong ng lalaki na naiiyak na. Akmang lalapitan ito ng babae nang pinigilan niya ito.
"Tama na Law. Gising na si Jake. Nadisgrasya siya diba? I mean kayo." sagot ni Rey.
"Ano???" naguguluhang tanong ng babae.
"Basta tandaan mong mahal na mahal kita Law. Mahal kita hindi bilang kaibigan lamang, ngunit isang babae. Babaeng gusto ko at pinapangarap ko... Pinapangarap sanang pakasalan at makasama habang buhay." lumuluhang sabi ng lalaki.
"Huwag kang mag-alala Law, ginagawa ko 'tong lahat para mas masanay ka na sa kanya." dagdag ng lalaki.
"Pero Rey, bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang!?" tugon ng babae.
Kinuha ng lalaki ang maliit na kahon na nakasuksok sa coat niya at iniabot ito kay Law.
"A-ano 'to?" tanong ng babae.
Ngumiti ang lalaki na may halong pait, "Paalam, sa pangalawang pagkakataon, Law." tuluyan na itong naglakad papalayo hanggang sa di na ito muling natanaw ng babae.
Naiwan ang babae sa gilid ng kalsada umiiyak. Prinoproseso lahat ng narinig niya. Pero kung alam sana ng lalaki, nahulog na nang tutoo ang babae sa kanya. Naalala niya ang kahong ibinigay sa kanya at binuksan ito. Nagulat siya sa singsing na nakalagay dito. Nabasa niya ang sulat sa ilalim ng kahon. To my dearest bestfriend, I love you.
Mali ka, umulan ngayon.
___
Iba po talaga iyong binigay ni Rey na box. Hahatdog. For clarifications lang po.
-therese
