Chapter 25: Dream

Start from the beginning
                                    

"But that's not the worse. Ang pinakamalala nilalandi niya 'yung crush ko no'ng malaman niya na binigyan ako ng chocolates noong Valentines ni Hank!"

Nawala ang ngiti sa labi ko na itinatago ko sa kaniya kanina sa narinig ko mula sa kaniya at kunot na kunot ang noo na binalingan ko siya. "What chocolates? Sinong Hank?"

Natigilan ang babae na para bang ngayon lang na-realize ang nasabi. Ngumisi siya at nag peace sign bago dahan-dahan na bumaba mula sa kama. "Anong chocolates kuya? Sinong Hank? May sinabi ba ako? Parang wala naman."

"Ashley Chase." I said with a warning in my voice.

"Good luck sa turnover, Kuya! Fighting!"

"Ashley!"

Humahagikhik na tumakbo siya palabas ng kwarto at hindi na pinansin ang pagtawag ko. Napapahilot sa sentido na tumayo ako at lumabas. Kapag nalaman nila mama na nagpapaligaw siya paniguradong gulo 'yon. Sobrang baby pa rin kasi ang tingin nila ni papa sa kapatid ko. I can't blame them. Gano'n din naman ang tingin ko kay Ashley.

Nang makarating ako sa baba ng bahay ay namataan ko ang ama ko na kasama ang ina ko na ngayon ay napapangiti habang pinapakinggan ang binubulong sa kaniya ni papa. They looked happy. Isang bagay na hindi naging madali para sa kanila.

My father was a difficult man. Hindi kasi naging maganda ang simula nila ng ina ko. My mother was head over heels with my father that's why she decided to trapped him into marriage. At that time, may kasintahan na ang ama ko. My father was angry with her but he remained her husband despite the fact that he refused to act as one. But then when my mother tried to let him go, he realized that he fell with the woman who's eyes are smiling despite his anger, who stick beside him even if he keep on telling her to go away, and who continued to love him and wait for him.

Kaya ang nangyari ay hindi niya rin pinakawalan si mama. He forgave her and then I came into their lives. Then Ashley. With time, acceptance, and understanding...nagawa nilang makabuo ng isang pamilya.

"Ready, son?"

Napakurap ako nang makita ko na bumitaw na pala si papa sa ina ko at ngayon ay nakalapit na sa akin. Tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako. His eyes were shining with elation as if he's telling me through those that he's proud that I reached this moment.

"Sigurado na ba kayo na ipagkakatiwala niyo sa akin ang kompanya?" tanong ko sa kaniya.

"The company is already yours since the day you were born. This day is just you proving to the people of our company that you are worthy. Dahil kung ako ang tatanungin, matagal ka ng karapatdapat."

Hindi ko nagawang makapagsalita sa sinabi niya at nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya. But I know that he understand that what he said means the world to me. He raised his hand and again, he clapped me on my shoulder. "Let's go."

Nginitian ko ang ama ko at kikilos na sana kami para umalis nang maramdaman ko ang pagbangga ng kung ano sa katawan ko na tumama rin kay papa. Nagbaba ako ng tingin at ang nakangiting mukha ni Ashley ang nabungaran ko. Lumapit na rin sa amin si mama na ngayon ay nailing na umabrisete sa asawa.

"Kuya, libre mo ko kapag may sweldo ka na ha?"








NAPATINGIN ako sa suot ko na relos dahilan para mas lalong bumilis ang mga hakbang ko nang makita ko ang oras. I shouldn't be late tonight or Ashley would really kill me. Iyon nga lang ay talagang marami akong inasikaso sa opisina at nahuli ako ng alis. I was trying to rush so I won't be stuck in traffic but that's the exact thing that happened.

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now