Pagtatapat pt. 1

5 2 0
                                    

Naupo si Bri sa Cafeteria...

Bri: : "Haaay! Tangnang yan. Kelan ko ba masasabi tong nilalaman neto oh! ♡ Bwiset. Napaka-torpe ko talaga."

Ben: "Oy Bri! Nandyan ka pala?!."

Bri: "Malamang. Nakikita mo nga ako diba?. Talino mo talaga bro kahit kailan."

Ben: "Gago! Hahaha Sinong kasama mo? Si Colette?."

Bri: "Hah? Sino yun?."

Ben: "Puta! Si Nicole!."

Bri: "Ahh, Hindi. Mag isa lang ako dito."

Ben: " Aba! Aba! Anak ng pitumput pitong puting tupa! Nagiisa ka?! Wehh? Anong arte yan ha?."

Bri: "Wala! Umalis ka na nga lang! (-.-×)."

Ben: "K. Hahaha Edi wow. Alis na ako bro."

Bri: "Edi wow din. Sige bye bro!."

At dumating nga sina James at tropa niya sa Cafeteria.

James: "Yes. Malapit na mga pre!."

Jolo: "Birthday mo?."

Jeron: "Sira!!! Sagutin ni Bb niya."

Gilbert: "Ohh? Naks naman! Simbahan na ba ang diritsuuu niyan?!."

James: "Gago! Hindi no."

Habang naririnig ni Bri ang usapan, lalo pa siyang nawalan ng pag asa at nalungkot.

(Hmm...ano nga bang panama ko dun sa James na yun? Ano bang meron siya na wala ako? Ano nga ba ang pinangkukuskos niyang sabon? Anong shampoo ang ginagamit niya? Anong toothpaste ba ang ginamit non? Nakakaputi ba yon? Ano bang ikinapogi niya na di ko ikinapogi? Pogi naman ako? T.T lol. Vain masyado teka! Hahaha pero... :( seriously...Hanggang kelan ko ba itatago to...hanggang kaibigan na nga lang kaya?... Teka. Time first!...Naguguluhan na ako...Eto na ba ang oras upang magtapat ako ng seryoso sa kanya?...Siguro nga.)

(Ang puso ay dapat hinahanda ding masaktan. Lahat naman tayo nasasaktan. Kasi kung di tayo masasaktan. Aba iba na ata yon. Yung mga narereject, takot na maiwan, masakit yon pero ang pinaka masakit pa din kapag ikaw ay na...FRIENDZONED.)

(Hindi ko alam...Bakit nga ba ako nagkaka-ganito? Proud naman akong sabihing mahal ko siya. MAHAL NA MAHAL PA NGA!...Eh takot lang talaga ako...kase...kase...baka...mawala na siya. Risky diba. Hays but I know she is worth it. I can see it. If only...hays I wanna make her the happiest tbh.)

(Sa akin...maige kayang hanggang friends nalang kami? O baka naman...hindi...hindi...hindi ko kaya...pero kung hindi ko kaya...lahat...lahaaaaat. balewala lang din. Na alala ko pa nung una kaming magkakilala. Lagi din kaming magkasama nun. Gabi gabi kaming nag uusap. Lagi kaming gumagala at kumakain sa labas. Nagkakapalagayan na nga kami ng loob eh. Hays. Ang sasaya nung mga memoryang yun. Sana...sana lang.)

(Hmm...Camille. Camille. Camille. Anlakas naman ng tama mo saken. Di ko nga alam kung bakit eh?. Pero... nung una palang kitang makita. Tinamaan na ako. Parang kidlat. Puso kong tahimik na naghihintay bigla mong ginulat. Anlakas talaga eh. Parang mapapakanta ka talaga ng Lintik ng Brownman Revival. Yon ang theme song nang pag ibig ko sayo. Corny hays.

(TAMA NA!.) Hinampas ni Bri ang table. Nagulat sila James at ang tropa sabay napatingin sa kanya.

Gilbert: "Pre? May problema ba?."

Bri: (Nagulat at medyo Awkward) "Hah? Ahh. Wala naman pre. Pasensya na."

(Siguro nga...dapat na akong magtapat...hangga't di pa nahuhuli ang lahat...para naman di masayang...lahat...nang...haaaay...)

At napagpasyahan na nga ni Bri na magtapat...

Meanwhile, Sa Library.

Naghahanap si Camille ng isang English book upang magawa ang homework niya.

Camille: "Ayy...Shet! Ang hirap namang maghanap. Paano ko ba mahahanap tong parts of speech. Arghh."

?: "Miss? Eto oh, eto ba hinahanap mo? Comm1."

Camille: "Huh? Si-.. Ikaw! Mr. Antipatiko."

?: " Ehem. Excuse me? What did you called me?."

Camille: "Wala. Nevermind. Kaya ko to. Mr. Sungit. Hmp."

?: "Wow. Tumutulong lang naman masungit na agad?."

Camille: "Ewan."

?: "By the way miss ayaw tumingin sa dinaraan nung isang araw. Ako nga pala si Robin."

Camille: "Okay... alam ko. Narinig ko..."

Robin: "Oh? Sinong mas masungit saten ngayon?."

Camille: "Urghh. (Nakakainis naman tong lalakeng to.) Wala. Bahala ka nga."

Robin: "Uy! Miss masungit na di tumitingin sa daanan. Hahaha."

Ting ting

Librarian: "Shhh."

Robin: "Sorry po."

At iniwan ni Camille si Robin sa book section na yon.

Meanwhile habang hinahanap ni Bri si Camille. Malalim ang iniisip niya. At nung makita na niya si Camille. Tumakbo siya at nabangga niya ang isang babae.

Bri: "Ahhh."

*bam* (Lumipad ang mga gamit nung babae."

?: "OMG."

Camille: "Halaa! Si Bri!."

?: "Ouch naman. Hoy lalake ka! Bulag ka ba ha?."

Camille: "Sam. Halika tumayo ka diyan."

Sam: "Okay. Salamat. Hoy ikaw ha! Sa susunod tumingin ka nga sa dinaraanan mo. Hay nako."

Bri: "Oho!. Madam! :P (Wow. Maganda sana to masungit lang.)"

Camille: "Huy! Bakit ka nandito at bakit ka bumangga kay Sam?."

Bri: "Sam? Ahh...yung kanina. Wala hinahanap kasi kita eh."

Camille: " At bakit mo ko pala ako hinahanap?."

Bri: "Ah-Eh... Wala. (Sh*t Bri kalma lang. Anong wala...Kyaahh...sabihin mo na Bri.)."

Camille: "Hinahanap mo kasi wala lang? Baliw ka talaga Bri!. Haha."

Bri: "Este...Hindi.. kasi...may gusto akong sabihin sayo."

Camille: "Oh? Ano naman yun?."

Bri: "Uhm...(Man Up Briden!...) Seryosong usapan kasi Cams! (YES! KAYA KO TO) Uhmm.. pwede ba kitang yayain mamaya sa mall? Please."

Camille: "Hmm... Tayo lang dalawa?."

Bri: "Ah...hehehe..oo sana eh."

Camille: "Teka muna...pag iisipan ko. Eto naman biglaan eh. "

Bri: "Please Cams! Sige na. :("

Camille: "Hayy... Okay sige na nga...Sunduin mo ko after class namen."

Bri: "Sige. Text kita :)" (YAHOOOO! MAN UP ULIT MAMAYA BRIDEN. MISSION ACCOMPLISH FOR NOW.)

.

..

...

At pumasok na nga sila sa kani-kanilang klase. Tila excited na si Bri sa kanyang gagawing pagtatapat at lumilipad ang utak niya sa alapaap. Mistulang tulala. Nag-iisip.)

(Yes! Yes! Na eexcite na ako mamaya...Salamat at makakahinga na rin ako. Pero...sana...may...pag asa ako...Yaah! +.+ positibo dapat Briden! Think positive! Yeah Tiwala lang. Kaya ko to. Para sa pag ibig. ✊)

At lumilipad na nga ang utak niya...

.

..

...

To be continued...

(LOA) *Ongoing*Where stories live. Discover now