Pagpili

7 3 0
                                    

Camille's POV:

(Nakapagpasya na ako. Pipili na ako.)

Briden: Sino?

James: ...

Ang pipiliin ko ay si...

.

..

...

James

.

..

...

Briden's POV:

(Sabi ko na ehh. Wala talaga akong pag asa. Ansaket. Basted! )

James's POV:

(TAGUMPAY! ANG PLANO. WALA NA AKONG UTANG! YES! WOOO! BWAHAHAHA AYOS ANG PLANO! ETO NA ANG PINAKAMALAKING HEART BREAK NA IPAPADAMA KO! SIGURADONG MAGSISISI SIYA AT SINAGOT NIYA AKO! WAHAHAHA PANALO AKO NETO!)

(WALA TALAGANG BINATBAT YANG SI BRIDEN! TANGA NIYA TALAGA! MATINO NA NGA SI BRIDEN MAS PINILI PA DIN NIYA AKO. KABOBOHAN! WUUUUU!)

.

..

...

Briden's POV:

Hindi ako papayag. Ramdam kong may something dun sa James na yun ehh. May mali ehh. Mukha kasing Gago yun eh. Walangya!!! Kailangan kong malaman kung ano ba talagang meron dun sa hinayupak na yon. -.-

Camille's POV:

Sana naman. Tama nga ang pinili ko. Di ko alam medyo naawa ako kay Briden. Nakakalungkot mang isipin. Hay. Di ko talaga alam kung bakit parang nakokonsensya ako. Aaminin ko medyo nagka feelings ako kay Briden dati. Kaya nga lang naudlot. Hay James! Di ko na alam kung anong gagawin ko. Napili na kita, pero parang may kulang. At yung kulang pa ay di ko alam kung ano yon. Malabo nga naman talaga ang pag ibig. Minsan transparent, minsan makulay. Diba...Ewan ko ba. Kung pwede nalang i fast forward ang lahat at itulog nalang to. Nakakapagod din kaseng mag isip. Hayy! Makatulog nga muna.

*knock knock*

Nak? Naak?

(Po?)

*KNOCK KNOCK KNOCK*

NAK! UYY!

Ano po yun Ma?!

May bisita ka!

Ho? Sino?

Lalake eh. Sino nga ba yon? Jay daw ata?

Si James ba Ma?

Oo pala. James pala nga yata. Hoy manliligaw mo ba yon ha?!

Po?! Teka po Ma. Baba lang ako.

James POV:

(Kailangan kong i-build up tong sarili ko sa kanya at sa parents niya, kaya't nagdala ako ng isang bungkos ng rose tsaka 3 toblerone, siguro ayos na to.)

(Pababa na nga siya.)

Hey! Kamusta Camy! (Maharot kong pagbati.)

Okay naman ako James, oh napadalaw ka? Sagot ni Camille na parang kabado.

Eheeem. Sabi ng ina ni Camy.

Ay Hello po Tita, andito po ako para mamanhikan. Hehe.

Mamanhikaaan?!!! Ano ka ikakasal??!! Tila nagulat ang ina ni Camy.

Po? Ay. I mean. Manliligaw lang po ako. Ay heto po tita. Sabi ko.

Nako Camille! Ano bang meron dito ha? Anong ligaw ligaw? Hinde ako papayag! Tsaka wag mo kong matawag tawag na tita diyan ha!. Sagot ni Tita.

Po? Sorry po Ti- I mean Mrs. Salamat.

Tsk. Tsk. Lagot ka sa Papa mo Camille! Sabi ni Tita.

Tita. Wag niyo pong sisihin si Camille ako po talaga naglakas loob na humarap sa inyo. Gusto ko po kasing maging legal sa inyo. Mahal ko po ang anak niyo. Tsaka... kame na po. Sagot ko ng walang pag aatubili.

ANONG SINABI MO HA! kayo na?! Sagot ni Tita

Opo. At ipaglalaban ko po ang relasyon namen. Sagot ko ulit.

Aba naman! 1st year college lang kayo no! Sino niloko mo? Hindi ako pumapayag diyan sa relasyon niyo. Ikaw ba Camille mahal mo ba talaga yan?!! At wala kang masabi?!! Sagot ni Tita. Nag iinit na siya.

Ma... sagot ni Camy.

Ano?!! Sagot ni tita

Mahal ko si James. Sagot ni Camy.

...

Mahal ko siya at nagmamahalan kame, at ipaglalaban namen tong kung anong meron kami.

(Medyo nagulat ako kay Camy, seryoso siya, walang atubili, sinagot niya ang kanyang ina, para saken.)

Uh.. Opo tita. Sana naman wag niyo kaming husgahan na para bang may malala kaming ginawa.

Sana nga wala. Mas gusto ko kase sana kung wala munang love love, aral muna.

Ma, mahal ko si James, at sana wag kayong mag alala kase pangako ko sa inyo mag aaral akong mabuti.

Hay nako anak, halika nga rito.

(Niyakap ni Camy ang Mama niya, medyo na konsensya ako bigla, ngunit nawala rin ito agad.)

Wag po kayong mag alala um. Ti-Mrs. Salamat. Gagawin po naming inspirasyon ang isa't isa sa aming pag aaral. Papangako po naming hindi namin ito pababayaan haha. Mahal ko po ang anak niyo. At aalagaan ko po siya ng mabuti. Sabi ko naman sa kanyang ina

Siguraduhin mo lang iho. At ilalagay niyo lagi dyan sa isipan niyo na mag aral ng mabuti. Lalong lalo na, magtapos kayo sa inyong pag aaral. Ikaw din James. At wag niyong sayangin ang pinapaaral sa inyo ng mga magulang niyo. Mahirap na ang buhay. O siya pumasok ka na sa loob ng bahay. Sermon ng kanyang ina

Opo Uh...Ti-Mrs. Salamat. Thank you po...haha. Sagot ko naman habang napayuko ako

Sige. Dyan muna kayo at ipaghahanda ko kayong dalawa ng inyong makakain. Ikaw na bahala sa kanya Camille. Umayos kayong dalawa, nasa loob kayo ng pamamahay. Ikaw James, alam mo na yung sinasabi ko. Anak, wag pasaway. Punta muna ko kusina. Ehem. Sabi samin ng kanyang ina

Dali dali namang pumuntang kusina ang Mama ni Cams.

Bakit ba napaka aga mo yata dito James? Ano bang meron? Di ka manlang nagsabi sakin. Nakakagulat ka naman masyado.

Ah-eh kasi. Pasensya na Cams. Kasi gusto ko lang talagang maging legal tayo sa parents mo, syempre bilang respeto na din sa kanila. And ayaw ko na sinisikreto natin to. Mahirap na din. Atleast kilala nila ako, at di ako masyado mahihirapan na ipagpaalam ka if lalabas tayo. And syempre para magtiwala sila sa atin. Yun lang naman. Isa pa, gusto ko din maging legal sa Papa mo haha. Sagot ko sa kanya

(Wow. Seryoso pala tong si James) -Thoughts ni Camille

Ahh ganun ba. O sige aantayin mo ba si Papa? I mean mamaya kasi dating niya eh. Sagot niya sakin

Oo naman haha. Antayin ko na siya. Btw. Dali ko to para sayo oh. Haha sana magustuhan mo, kagaya ng pagkagusto ko sayo. Hahaha joke. Pero seryoso, masaya talaga ako ngayon Camille. (Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata) Kasi...

Kasi ano James? Tanong niya sakin kasama ng mga nangungusap niyang mga mata

Kasi akin ka na. Di na kita papakawalan niyan haha. Seryosong sagot ko sa kanya sabay ngiti

Kitang kita ko ang pagbblush niya halos mamula mula siya sa banat ko sa kanya hahaha

Hanggang sa inantay ko ang kanyang ama. Natapos naman ng maayos ang usapan, natanggap na rin ako ng pamilya niya nakilala ko din ang Papa niya. Lahat ng bagay ang nagwork out ng maayos. Kaya handa na ako sa susunod kong plano.

Sana wala nang humadlang sa mga binabalak ko...

(LOA) *Ongoing*Where stories live. Discover now