VIII

10 1 0
                                    

VIII
The Order
~*~

HALOS magbunyi ako nang matagumpay akong nakasampa sa kabayo. Ilang araw rin akong pabalik-balik sa kuwadra noon para tignan yung kabayo pero ngayon lang talaga ako makakasakay.

"Di ako mahuhulog nito di ba?", tanong ko.

"Hindi", pag-aassure sakin ni Heinrich.

Matagal ko ng gustong sumakay ng kabayo, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon. Di pa ako marunong nito kaya sumampa na rin sa aking likod si Savior para di ako mahulog.

"Ano, alis na po kami?", paalam ni Savior kay Heinrich.

Binuksan ni Heinrich ang tarangkahan para makalabas kami. Inangat ni Heinrich ang kanyang sombrero. Ngumiti rin ako sa kanya bilang paalam.

Inayos ko ang hood ng aking cloak para matabunan ang aking mukha. Kailangan ko kasing itago ang sarili ko para di ako makahakot ng atensyon mula sa publiko. Ang alam nila, andito na ako sa Fiore pero kailangang itago muna para sa aking kaligtasan. Baka kasi pag nakita nila ako, magkagulo or something.

I am the Magus. I can trigger chaos out of the blue.

Nagsimulang maglakbay ang kabayo ay manghang-mangha lang ako kahit na puro gubat ang nakikita namin.

"Turuan mo ako nito ah?", sabi ko kay Savior habang papunta kami sa kung nasan man si Mazy ngayon. Ang sabi niya, abala si Mazy sa panggagamot sa mga nasugatan nung gabing itinakas ako.

Tumawa siya ngunit sumang-ayon rin naman. Pagkalipas ng fifteen minutes ay narating namin ang village. Nothing really changed much. Ganun pa rin kaya lang mas marami ang tao kumpara nung huli kong punta. May napapatingin sakin pero di naman naiintriga. Nginingitian ko na lang.

Now that the Magus is back, I wonder what changed in Fiore? How did they take the news of having a half-blood Magus?

Maya-maya ay nilampasan namin ang central village hanggang sa nakarating kami sa isang malaking establisyemento. May nakasulat itong Healing Center.

"Nandyan ba siya sa loob?", tanong ko. Tumango siya. Tinulungan niya akong makababa at inayos niya ang suot kong cloak. May lumapit sa amin para ito ang maglagay ng kabayo namin sa isang kuwadra.

Bago kami tuluyang nakapasok ay may nakasalubong kami. Nagbow si Savior bilang pagbati dito habang ako ay nasa likod niya lamang.

"Gregory, anong ginagawa mo dito?", tanong nito kay Savior. His chest is out and his mustache is really distracting. White hair is visible on his bald head and in his chin. He looks formal and proud. Ang boses nito ay mas nagpaintimidate pa sa kanya but the humor is present.

"Dinala ko lamang dito ang Magus."

Nagulat ito sa sinabi ni Savior na para bang di inaasahan ang aking presensiya doon. Dumako ang kanyang paningin sa akin. He smiled when our eyes met.

"Di ko alam na makikilala ko pala ang Magus mas maaga sa aking inaasahan."

Habang tumatagal ang aking tingin sa kanya ay mas lalo siyang naging pamilyar. Sa tingin ko ay nakita ko na siya noon. Di ko lang maalala kung san.

"Bueno, kailangan kong umalis ay marami pang problema ang kinakaharap ng konseho. Wag kang mag-alala dahil magkikita rin tayo sa susunod na linggo. Magandang araw sayo Maverick."

Tinapik nito ang balikat na Savior pagkatapos ay bumaling sa akin. Mas nagtagal ang kanyang tingin sa akin. Tinapik niya rin ako bago siya tuluyang umalis.

"Sino ba yun?", tanong ko kay Savior pagkapasok namin.

"He's General Charon. He is the General in Fiore's military. He and his troop helped The Order when you escaped."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

METANOIAWhere stories live. Discover now