Chapter 10 (part 2)

1.1K 65 28
                                    

YOONA'S POV

 After a few minutes ay may narinig kaming nagsalita sa malalaking speakers.

"Good evening, everyone. Welcome to the 10th year anniversary of my daughter, Yoona and her bestfriend, Luhan." Agad namang may spotlight na nakatututok sa amin ni Luhan.

Lahat ng tao nakatingin samin at nag-hi lang kami sa kanila.

"Before the party ends, we will be announcing some very great news!"

Eh? Great news? Ano naman kaya ibig sabihin ni daddy? 

Oo nga pala. Si daddy ang nagsasalita ngayon. ><

"But before that. Let's just enjoy the party!"

Pagkatapos sabihin ni daddy iyon ay naghiyawan naman ang mga tao at nag-play na ang dj ng music. Halos lahat ng tao ay nagsasayawan na s gitna.

Grabe, parang club lang? -.-

"Oy, Luhan. Labas muna ko, ha?? Ang ingay kasi dito." sabi ko kay Luhan.

Tumango naman siya kaya lumabas naman ako.

Hayy. Ang ganda talaga dito sa hotel na'to.

Naka-situate kasi siya sa tabi ng beach kaya preskong-presko ang hangin.

Hinubad ko ang heels ko at nagsimula nang maglakad sa dalampasigan.

Grabe, ang ganda talaga ng view. Kitang-kita ko ang kagandahan ng dagat. 

Pero syempre, mas maganda parin ako xD

Habang naglalakad ako sa dalampasigan ay may nakita akong dalawang lalaki na nag-uusap sa di kalayuan.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang maganda kong pangalan.

"I'm not sure how Yoona will react..."

Ha? React saan?

"But, wala nang ibang choice. Malapit na akong mamatay and she's the only one suitable."

Teka. Naguguluhan na talaga ako T^T

At dahil dakilang chismosa ako ay dahan-dahan akong lumapit para makita kung sino yung dalawang lalakeng iyon.

Ilang hakbang nalang at makikita ko na ang mga mukha nila pero bigla nalang may tumawag sakin.

"Yoona! Halika na! Hinahanap ka na ng nanay mo!"

Shet. Nakita kong lumingon ang dalawang lalake at nabigla sila nung nakita nila ako.

"Y-yoona?"

"D-daddy?T-tito Jimmy?"

"Narinig mo ba ang pinag-uusapan namin?" tanong ni Tito Jimmy sakin with a serious face.

Tumungo lang ako. "M-medyo po. S-sorry. Hindi ko po sinadya."


Pero imbes na magalit ay pinat lang ako ni Tito Jimmy sa likod. Oo, nga pala. Tito Jimmy is luhan's father.

"Ok lang iyon, Yoona. Sige. Pumasok ka na. Hinahanap ka na ng mommy mo."

Tumango lang ako at bumalik na sa loob.

Ang bait talaga ni Tito Jimmy. Sayang lang at nagkaroon pa siya ng cancer :'(

"Mommy, tinawag niyo raw po ako?"

Ang Prinsipe Kong Bulol [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon