Chapter 2

2.5K 85 68
                                    

Chapter 2

LUHAN’S POV

“Minnie, kinakabahan ako. Paano kung hindi nila ako matanggap?”

“Ano ka ba? Bakit hindi ka naman nila tatanggapin?”

“Eh kasi..nerd ako.”

Ngumiti lang siya at tinapik ang balikat ko. “Okay lang iyon, Lu-ge. Ang mahalaga ay tanggap kita bilang ikaw.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Naks! Kaya mahal na mahal kong lalaki na ‘to eh.

Oo, tama yung iniisip niyo. Mahal na mahal ko si Umin hyung, ang aking bestfriend. Pero hindi ‘to friendly love ang naramdaman ko para sa kanya pero yung sinasabi nilang romantic love.

Hep! Hep! Hindi ako bakla, ah. Sadyang na-inlove lang talaga ako sa isang katulad kong lalaki.

“Mauna na ako Lu-ge ha? Male-late na kasi ako sa klase. Kita nalang tayo sa cafeteria mamaya. Bye.”

At tuluyan na talaga niya akong iniwan. Huuhuhuhu. Xiumin, wag mo kong iwan! Mahal kita!

Geh, ang OA mo na Luhan. Papasok lang sa klase yung tao kung makapagdrama wagas.

Tiningnan ko nalang ang schedule ko. Una ko palang klase ay Physics.

Naglakad lang ako patungo sa classroom ko. Nasa pinaka-dulo pa kasi siya ng building.

Habang naglalakad ako ay nakayuko ako kaya hindi ko namamalayan na may bumukas pala ng isang pinto kaya-

BOOGSSH!

“Aruy ko po!”

Ajujujujujuju! My poor nose! T^T

“Tanga.”

Tanga? Wala man lang bang ‘Sorry’?

Tiningnan ko nalang ang mukha ng walanghiyang taong may kasalanan kung bakit ang sakit ng ilong ko ngayon. Huhuhuhu T.T

Ngumisi naman siya. “Oy, nerd. Wag mo kong titigan ng ganyan. Baka ma-inlove ka lang.”

Wag mong pansinin ang sinabi niya, Luhan. Breathe in. Breathe out. Mabuti pa’t umalis nalang ako at baka mapatay ko na ang tao na’to.

Nagsimula na kong maglakad pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

“And where do you think you’re going?”

BAM!!!!

Agad siyang napa-upo sa sahig habang hawak-hawak ang kaniyang dumudugo na labi. Sinuntok ko kasi. Hindi ba obvious? Huehuehue. Manly kasi ako kaya suntok ang ginawa ko at hindi sampal. :3

“What the hell?!! Ano bang problema mo?!”

Inirapan ko lang siya at umalis na.

WAHAHHAHAHAH! Yung mukha niya! Para siyang natatae na ewan! WAHAHAHAHHA!

Galit siguro iyon.

Tsk. Tsk. Next time, wag na wag mo kasing galitin ang isang Xi Luhan. ;)

 

SEHUN’S POV

“Oh Sehun, hindi babae ang hahalikan mo kundi…lalake.”

Pfft! Lalake? Ath in yung taong may behtlogth rin kagaya ko? Lalake?

“Hyung, thtraight ako!”

Ang Prinsipe Kong Bulol [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon