Chapter three

4.1K 203 32
                                    

JOSHUA HOFFMAN POV

Nais nang ibato ni Joshua ang kanyang laptop dahil useless lamang iyon.

He's been trying to search for the girl that he just met yesterday ngunit walang inpormasyon tungkol dito.

Fuck wala ba talagang nakakakilala sakanya?

Nasa loob siya ngayon ng kanyang opisina ngunit okupado ang kanyang isip ng babaeng nakilala niya kahapon sa mall.

He was impressed by her.

Nakuha agad ng babaeng ito ang interest niya dahil sa pinakitang tapang nito upang sagipin ang buhay ng batang nasa panganip.

Ngayon lang siya nakakilala ng babaeng itataya ang sariling buhay upang tumulong lamang.

Her genuine kindness attracts him. Lalo na ng masilayan niya ang mukha nito.

He wants to know her.

Yun lang naman ang gusto niya. Gusto niyang maging kaibigan ito.

HE'S A VERY FRIENDLY GUY (sarcastic tone)

oh common. I'm really friendly

Aaminin niyang napaka-play boy niya. Madami na siyang naging girlfriends. He loves cuddling a lot. But he's still a virgin. Para sakanya having sex is only for his future wife with a marriage sacrament.

Ngunit sikreto niya lang iyon sa mga kapatid niyang babaero din. Hindi naman sila masisising magkakapatid dahil lapitin talaga sila ng mga chix.

He have a very happy and big family. Eleven silang magkakapatid. Sampu silang mga lalake at isang babae. Kilalang kilala sila sa buong pilipinas dahil halos ang pamilya nila ang nangunguna sa lahat ng business markets sa bansan pilipinas. They have all the business in the world. Name it and they already have it.

Naputol ang pag iisip niya ng kumatok ang kanyang sekretarya at pumasok ito sa loob ng kanyang opisina

"Boss pogi. May babae po sa labas hinahanap ka"

Napakunot ang nuo niya

what's new. tss

Palagi naman may naghahanap na babae sakanya.

Napakunot ang nuo niya. Wala siyang panahon upang makipag landian. Aaminin niyang malandi siyang lalake. Mahilig siyang magpalit palit ng mga babae. Pero hangang halik lang ang kaya niyang ibigay sa mga ito.

"Tell her I'm busy--"

"Maganda siya boss. At naku mukhang napakabait pa.."

Napa-iling nalang siya. Makulit talaga itong nerd na sekretarya niya. Mabait ito at matagal ng nagtatrabaho sakanya.

"Kahit na ate betty.. Please tell her I'm busy--"

"Siya po yata yung nasa t.v kahapon eh. Yung sumagip doon sa bata--"

Napatayo agad siya sa kanyang upuan

"You mean the girl at the mall ?"

Tumango agad ito

"Opo Boss siya nga--"

God really?

Napangiti agad siya

Naglakad na agad siya palabas ng kanyang opisina kahit hindi pa tapos magsalita ang sekretarya niya

"Bakit di mo agad sinabi ate betty"

Ate betty ang tawag niya sa sekretarya niya. He treat his employees as his family.

Napakamot nalang sa ulo ang sekretarya niya. Napansin pa nitong inayos niya muna ang kanyang buhok bago siya lumabas upang harapin ang babaeng hero sa mall.

Beautiful soul... ❤ CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon