IJLA 8 - Forceful Ties

Start from the beginning
                                    

Bandang alas dyes nang mapag-desisyunan niyang bumalik sa bahay. When he entered the house, sinalubong siya ng katahimikan. Mukhang naglampaso si Ahn ng sahig. It looked so polished, he could almost see the frown on his reflection's face.

"Ahn?" he called out softly.

Wala ito sa kusina, wala rin sa likod-bahay. Wala rin ito sa banyo. He went upstairs to check if she's in her room—the junk room. Naka-lock ang pintuan. Kinuha niya ang susi sa kwarto niya saka dahan-dahang binuksan ang pintuan ng tambakan.

Ahn's inside. Natutulog ito. He noticed that she removed the plastic from the foam on the bed. Nakatali ang buhok nito. She's wearing a tank top and a pair of shorts. Medyo kita ang tiyan nito dahil sa nakataas na sando. Pawis na pawis ito.

Napalunok siya. This is not the view he's expecting to see.

Agad siyang lumabas ng kwarto. Hinayaan nyang nakabukas ng kaunti ang pintuan para mahanginan naman ito. Then he went downstairs to take a cold shower.

--

Ahn woke up at around 12. Hilong-hilo siya dahil sa init. Naliligo na pala siya sa pawis. Agad syang bumangon at nagpalit ng t-shirt. Basang-basa ang damit niya. She frowned when she noticed the door. Sa pagkakatanda niya ay ini-lock niya iyon bago sya matulog.

O baka naman hindi? Hindi niya sigurado. Gutom na gutom na kasi sya at hilong-hilo.

She went downstairs. Nagpunta siya kaagad sa kusina para uminom ng tubig. Mukhang wala pa rin si Ken. Did he plan on staying outside the whole day? Ayos lang naman sa kanya. Mas nakakahinga siya ng maluwag kapag wala ito sa bahay.

She took a quick bath after saka siya nagluto ng kakainin. Hindi na siya nag-abalang ipagluto ito. Baka itapon na naman nito ang pagkain, sayang lang.

Ipinagpatuloy niya ang paglilinis ng buong bahay dahil wala naman siyang ibang gagawin. She unpacked her things. Inayos niya ang kwarto niya para maging mas kumportable ang pagtulog mamayang gabi. Sa paglilinis ay natuklasan niyang may bintana naman pala ang kwarto. It was just boarded up dahil wala pang pangharang.

Naghanap siya ng pwedeng pangtanggal doon. Halos manakit ang kamay niya dahil sa hirap tanggalin ng kahoy, but she endured. Walang ibang gagawa nito kundi siya. Asa pa naman siya kay Ken. She figured he'd rather let her suffocate than do this small thing for her.

Nang matanggal niya ang harang na iyon ay medyo nabawasan ang init. She knew she'll be able to sleep well later.

Pagkatapos niyang maglinis ay nagpahinga ulit siya. She took the opportunity to read some books. She avoided reading Lang Leav's Love and Misadventures. It was a painful reminder kasi. They had a conversation about the book from way back.

Nang mag-alas syete na at wala pa rin si Ken, nagluto na siya ng hapunan para sa sarili niya. She assumed na kumain na ito sa labas, since he hates her cooking so much. Kasalukuyan siyang naggigisa nang dumating ito.

He looked flushed, mukhang nakainom. Hindi niya ito pinansin nang pumunta itong kusina. If he wanted coffee, he'd ask, she figured. Nagulat siya nang bigla na lamang itong yumakap mula sa likuran. Ibinaon nito ang mukha sa nakalugay niyang buhok. Agad siyang pinangilabutan.

"K-Ken—"

"Don't move," bulong nito.

How can she move when she's locked in his embrace? Masusunog ang niluluto niya! Ano na naman kaya ang trip nito? What's this, another guilt trip? May kasunod na naman bang panunuya ang yakap nito?

He let out a sigh, which sent shivers down her spine. What's up with you, Ken?

Bumitaw ito sa kanya nang walang pasabi at saka ito umakyat. She quickly turned off the stove. Sunog na ang ginisang gulay na niluluto niya. Pumunta siya sa kabilang side ng counter para kumuha ng pinggan. She took two steps and wobbled. That's when she realized na nanghihina na pala ang mga tuhod niya.

Dahil sa ginawa ni Ken kanina, parang nawalan na siya ng ganang kumain. But she did eat anyway, dahil lang sa nagugutom siya. She cleaned up after, glancing every now and then at the stairs. Pero hindi na bumaba si Ken hanggang sa mapagdesisyunan nyang matulog.

--

Ahn didn't know what woke her up. She was feeling uneasy. Sobrang init pa rin kahit bukas na ang bintana sa kwarto niya. She tried to roll to her side pero mabigat ang pakiramdam niya. When she felt something stir between her legs, her eyes flew open.

May nakadagan sa kanya. He was slowly, carefully removing her underwear. She let out a scream. Sinampal siya nito at tinakpan ang bibig niya.

"Shhhhh."

She began kicking and thrashing. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa oras na iyon. Did Ken really stoop this low? Naiiyak na siya. She couldn't see well in the dark. Hindi siya makagalaw dahil iniipit nito ang mga binti niya.

She managed to free her one hand. She yanked his hand off of her mouth.

"KEN. STOP. PLEASE!"

At that moment, the door flew open. With the light from outside, nakita niya kung sino ang nasa ibabaw niya. It was a man, but not Ken. May takip ang mukha nito.

Ken took him off of her. Sinuntok nito ang lalaki sa tiyan. The man whimpered. Nang bumagsak ito sa sahig ay pinagsisipa ito ni Ken. He looked like a mad man, ready to kill. Hindi nito tinigilan ang lalaki hanggang sa bumulwak ito ng dugo.

Sya naman ay binalot ng kumot ang sarili. She felt so disgusted. Nalingat si Ken nang ilang segundo and the man took the opportunity to run.

--

Hinabol ni Ken ang lalaki. Shit shit shit! When he heard her scream, agad siyang naalarma. Akala niya ay binabangungot ito.

"KEN. STOP. PLEASE!"

She was even crying. He was starting to get frustrated dahil hindi niya maipasok ng maayos ang susi sa lock. To heck with it, he said to himself. He kicked the door open. Pinanlamigan siya nang makita ang walanghiyang lalaki sa ibabaw ni Ahn.

And then, he just lost it. He was ready to kill the guy. Kung may hawak-hawak lang siyang kutsilyo ay baka napatay na niya iyon. Pero nakatakas ito. Halos talunin nito ang hagdanan. Nasa labas na ito ng bahay in a matter of seconds.

Pabalabag niyang isinarado ang pintuan at saka niya binalikan si Ahn.

Iyak ito nang iyak.

"Hey..."

She flinched when he touched her.

"Ahn, I'm sorry."

She tightened the blanket around her. Sumubsob ito sa unan at saka humagulhol. Napamura siya. He saw the open window. Pinagsisipa niya ang mga nakapaligid na kahon sa sobrang inis. He wanted to shout at her for being so careless. But he knew this one's on him.

If he's considerate enough to even give her a decent room, then this never would have happened.

"Shit, Ahn, I'm sorry!" sabi niya.

Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. He yanked her up, ignoring her thrashing. Dinala niya ito sa kwarto niya. He sat her down on the edge of the bed.

"Sleep here," he told her.

Pagkasabi'y lumabas siya sa kwarto. He locked the door behind him. Then he went down, kumuha sya ng martilyo at pako at saka ibinalik ang harang sa bintana. Halos lumubog ang pader sa lakas ng pagmamartilyo niya.

He was so angry with himself, ngali-ngali na niyang ipukpok ang martilyo sa ulo niya. 

I Just Loved AgainWhere stories live. Discover now