Kabanata 28

Depuis le début
                                    

"Criszette Layuan mo sabi si James layuan mo ang anak ko."

Kaya nanakbo ako kung saan nanggagaling ang sigawan. Guess what? Nakita ko ang kamukha ko at si Stacey na nag-aaway.

Gusto ko na bumalik sa training room. Ang gulo gulo ng mga senaryong nakikita ko at napupuntahan.

"Pero Stacey? Bakit ganyan nalang ang galit mo sakin." malungkot na tanong nung kamukha ko nga.

"Kasi ayokong mapahamak siya tulad ng nangyari kay Coleen at Serena. Pinabayaan mo sila Criszette pinabayaan mo sila." sigaw niya.

Kinabahan ako sa naririnig ko. Sana naman di to mangyari sa future takte gagawin ko ang lahat para mabago.

"Alam mong di ko sila pinabayaan Stacey. Sila naglagay sa sarili nila sa kapahamakan."

"Gusto lang nilang tumulong Criszette. Pero nung sila nangangailangan ng tulong mo nasaan ka Criszette? Nasaan ka." ani Stacey.

"Stacey kala mo ba ikaw lang nasasaktan dito." naiiyak na tanong ng kamukha ko.

"Wala kong pake kung nasasaktan ka kasi nangingibabaw sakin ang pagkamuhi sayo kaysa ang awa." sabi ni Stacey tsaka tumalikod at iniwan ang kamukha ko ngunit nagkamali ako dahil may binabalak pala siya. Ngayon ay nasa likod na siya ng kamukha ko. At nakahanda na siyang saksakin ang kamukha ko.

"Wag." sigaw ko at nanakbo para saluhin ang espada. Naramdaman ko ang sakit at kirot at tumulo ang masaganang dugo. Nanlabo ang paningin ko. Katapusan ko na ata. Nakangiti kong ipinikit ang mata ko.

"Zette."

Napamulat ako dahil sa liwanag at syempre sa init. Pagmulat ko nakita ko ang mga pagmumukha ng apat na kolokoys at kambal at si Serena at Coleen maging si Stacey.

"Sa wakas nakabalik ka na Criszette." nakangiting sabi ni Coleen.

"Natakot kami Criszette. Akala namin di ka na makakabalik dahil halos dalawang araw ka ng natrap sa illusion." umiiyak na sabi ni Stacey at niyakap ako. Parang bata talaga.

"D-dalawang araw?" di makapaniwalang tanong ko.

So ibig sabihin birthday ko na bukas :(

"Oo Criszette dalawang araw." sabi naman ni Serena.

Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko ng mahinto ang tingin ko kay Keiron na as usual blanko ng mukha. Pake ko sakanya siya may kasalanan kung bakit mag-isa lang ako.

Ng maalala ko si Kyline ang magiging anak namin ng abno na to. Di naman sa pagmamayabang pero kamukha ko yung anak namin.

"Anong nakakatawa at nakatingin ka sakin." naiinis na tanong niya.

"Takte di ko gusto magiging future ko." sabi ko sakanya kaya lalong umasim ang mukha niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" badtrip na talaga siya di na maipinta ang mukha niya mga par.

"Hayaan mo nakatadhanang mangyari yun eh kaya di ko pipigilan. By the way kamukha ko magiging anak natin."  pang-aasar ko sakanya habang nakangisi.

"A-anak n-natin?" nauutal na tanong niya.

"Yown naman pala eh." sabat ni Joshua tsaka tinapik si Keiron.

"Wag kang mag-aalala Keiron pagnahulog ka sasaluhin kita." nakangising sabi ko sakanya tsaka humarap kay Stacey.

"Ang kapal ng mukha mo." sigaw niya sakin. Kaya palihim akong natawa.

"Stacey nagugutom na ko tara na." yaya ko kay Stacey agad naman tumango si Stacey bilang sagot.

Ng bigla kong maalala yung huling senaryong nakita ko. Kaya napatingin ako kay Coleen at Serena na nagkwekwentuhan.

Di ko hahayaang matupad ang nakita ko. Poprotektahan ko kayo. Napangiti ako ng mapait. Sana magawa ko. Sunod naman ako kay Stacey na sumasaksak sakin kaya nakabalik ako dito

Di ko hahayaang mawala ka sakin at kamuhian mo ko.

"Ayos ka lang Criszette." tanong ni Stacey.

 Naalala ko yung magiging anak niya.

"Alam mo ba Stacey nakita ko yung magiging future na anak mo. Isa lang masasabi ko ang cute niya at pinagsamang mukha mo at mukha ni Jameson." napuno ng pagtataka ang mukha ni Stacey dahil di niya maintindihan ang sinasabi ko. Agad din namang namula ng maisip niya yung sinabi ko.

"Hay nako gutom lang yan. Tara na namiss ka ng barbeque mo." natatawang sabi niya habang namumula padin ang pisngi. Masaya ako kasi nakabalik na ko. At di ako natalo ng sariling ilusyong ginawa ko. 

Birthday ko na bukas.

Excited ba ko? Hys hindi eh.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant