"Pano na to?"

"Hindi ko din alam."

Ayos sa conversation ah.

"Marunong naman ako mag piano. Ikaw nalang kumanta."

"Ayoko,"

"Bakit?"

"Baka, magbayad ng doble yung mga pumunta sa concert natin sa sobrang galing ko. Hahaha"

Napa iling nalang ako.

Loko loko talaga tong babae na to.

"Saka nga pala."

Napatingin kaming dalawa ni Alleah sa nagsalita na si Maam Sap.

"May team building tayo sa Cagayan de oro. Next week. Three days lang naman yun. Lahat kayo dapat sumali. Kaya isettle niyo na lahat ng account niyo. Iwanan ko na kayong lahat diyan. May meeting pa kasi ang faculty." Pagkatapos nun iniwan na kami ni Maam Sap.

"Ang layo naman," Comment nitong katabi ko.

Kaya napalingon ako sakanya.

"Hindi ka sasama?" Tanong ko sakanya,

"Ewan lang?"

Bakit mukhang disappointed ka sa sagot niya Ken?

ALLEAH's POV

"Cagayan de oro? Girl! Mukhang masaya yun!" Ligalig na ligalig na sabi ni Ging.

Andito kami ni Ging sa cafeteria, nagpapalipas ng oras.

Wala namang pasok.

Busy kasi yung mga prof namin sa dadating na concert for a cause kaya ayun.

Cinancel lahat ng klase.

His BROTHER or HIM?Where stories live. Discover now