Ayan na may dedic na ko. :)
Thank you sayo. :*__________________________________________
ALLEAH's POV
Andito na ako sa loob ng mansion ni young master. Nakabukas na yung pinto kaya, siguro andito narin si Ken.Umakyat lang siguro sa kwarto niya at naligo.
Pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng flower vase at iniligay dun yung bulaklak na bibigay sakin ni Mikhael.
Niligay ko siya sa may dining area. Kasi masiyadong boring yung dining area nila Ken. Parang ang lungkot lungkot. Ang laki laki ng bahay tapos siya lang mag isa kumakain dun.
"Ayan! Perfect!" Sabi ko sa sarili ko. Napakaganda talaga nito. :)
Napapasmile ako pag nakikita ko to.
Pagkatapos nun, pumasok na ako sa kwaro ko. At naligo muna. Ang baho baho ko na.
KEN's POV
Natapos na akong maligo, kaya bumaba na ako.
Nakita ko sa may dining room yung bulaklak.
"Psh, mukha talagang eng eng yung babaeng yun. Allergic na nga sa bulaklak tapos inilagaw pa to dito."
May naalala ako meron nga pala kaming gamot dito para sa allergy.
Kinuha ko yun at naglagay ng note.
"Hindi na ako kakain, kaya wag ka ng magluto. Inumin mo tong gamot na to."
Yan lang sinulat ko at umakyat na ulit sa kwarto ko.
Hindi ko na siya hinintay pa. Siguro naligo yun.
Habang nakahiga ako, naalala ko nanaman yung nangyari kanina.
Ewan ko ba kung bakit imbis na mainis ako napapangiti ako.
YOU ARE READING
His BROTHER or HIM?
Teen FictionPano kung kailangan mong pumili sa dalawang magkapatid? Pero ayaw mo silang masaktan? Pababayaan mo nalang ba ang nararamdaman mo na mawala? O susudin mo kung ano ang nasa puso mo? His BROTHER or HIM? -mimikmanalastas! :*