Chapter 7

247 9 0
                                    

Ha ha hay hay hay ha....

Hindi yan tawa kundi HINGAL!! Naku naman! Ang layo kaya ng bahay nung kumag kong amo. Dala dala ko pa lahat ng gamit ko. Sino kaya hindi hihingalin.?

"MaAm! Magnanakaw kayo noh?!" Sabay tutok pa sakin ng batuta ng securitygaurd ng village nila.

"Manong! Hindi po ako magnanakaw. Sino naman magnanakaw ng nakikita ang mukha? Si manong talag! Try niyo kaya akong tulungan"

Si manong talaga tamang hinala. Abay ayaw ata talaga akong tulungan. HIndi naman ako mukhang magnanakaw ah!!

May dala lang akong madaming gamit, magnanakaw na kagad? Tsssss..

"Sige na manong, dito ako nagtatrabaho. Kay Mr. Ken Lee"

"Naku! Baka niloloko niyo lang ako. Mawalan pa ako ng trabaho dito. Mukhang hindi ka pa katiwatiwala." sabi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Manong naman! anong hindi katiwatiwala ka diyan! Dito nga ako nagtatrabaho."

Abay! Pag ako hindi pa nito papasukin! Ewan ko nalang kung anong gagawin ko dito.

1

2

3

Takbo!!!!!!

"Huy!!!!! Bumalik ka dito!!! Pag hindi ka bumalik dito, patay ka sakin"

"Saabii ko naamaaan kaaasssiiiii manoooooooong diiittooooooo poooo akoooooo nagtatraaabahooo!"

Mukha akong tanga ditong tumatakas sa gate dahil ayaw papasukin. Buti nalang gabi na kaya hindi masiyado makita yung mukha ko. Kahiya hiya nanaman ako.

"HULI KA!!!!!!!" Babatukan na sana ako ni manong ng may biglang. . . . 

May sasakayan na nagpark sa harapan namin.

"Manong! Papasukin niyo na po yan! Sakin yan nagtatrabaho. Bago ko po yang katulong" Sabi ni Ken.

Salamat naman at napadaan tong lalaki na to. San kaya galing?Parang pauwi palang eh.

"Osige po sir."

"Bleeeehhh! Sabi ko naman sainyo manong eh! Ayaw niyong maniwala sakin."

Binelatan ko nga. Ang kulit ayaw maniwala sakin. Hahahaha.

Ako ang nagwagi!!! Hahahaha

"BIlis PASOK! Pagbukasan mo ko ng gate! Tatayo ka lang diyan eh!" 

Gandang welcome nito ah! Sigaw kagad?! Tssss...

Pinagbuksan ko nalang ng gate. Baka hindi pa ako papasukin eh.

Pag pasok na pag pasok.

"Ano ba kasi yang pinag gagawa mo? Pati pangalan ko dito pinakakalandakan mo. Sabi ng ayokong malaman nila na katulong kita." Pasigaw niyang sabi.

Ako naman speechless lang.

Pagod na pagod na ako. Hindi nalang ako kumibi. Bukas nalang ako bebuwelta. Ikaw kaay magbuhat ng gamit mo ng ikaw lang mag isa?

"Yung kwarto mo! diyan sa tabi ng kusina!" Sabi niya habang umiinom ng tubig.

Tumango nalang ako. Hindi ko talaga kaya pang makipag gerahan. Hahaha

"Pero bago ka pumasok, pag luto mo muna akong hapunan. Hindi pa ako kumakain. Sawa na ako sa mga take out."

Binuksan ko yung ref, may nakita akong manok. Adobo nalang lulutuin ko para mabilis lang.

"Eto na po young master. Tawagin niyo nalang po ako sa kwarto ko kung may kailangan kayo." sabi ko habang hinang hina.

"Aba! Iba ata nahigop mo ngayong hangin ah." saracstic niyang sabi.

"Ikaw ba naman kasing tumakbo at magdala ng mga gamit mo at maglakad ng malayo, hindi ka ba mapagod?"

Hindi na siya sumagot. Kaya pumasok na ako ng kwarto ko.

Waaahhhhhhhhhhhhh!!! Biglang talon ko sa kama ko.

Sa sobrang pagod ko, 

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

_________________________________________________

Sorry po nagyon lang ako nakapagupdate. Medyo naging busy lang. :)
Kaya ngayon! 2 chapter ang ipupublish ko!!! Pambawi lang! :*

FAN? COMMENT? VOTE? 

His BROTHER or HIM?Where stories live. Discover now