01.

8 1 0
                                    

So officially nagstart na ang regular classes. Uniform is on, nagsimula nang idistribute ang academic syllabus, pati mga libro namin. In short, the pressure in on.
















At first assignment namin sa sumunod na araw sa critical analysis ay ang gumawa ng Analysis paper sa isang Korean drama entitled Whisper.












Natapos ko naman siya nung previous days at ngayon?














I'm ready to present it out.















"Okay, class. Good morning." our teacher greeted out after she reached her desk in front of us.










"Good morning." i said happily pero si Jordan ang pinariringgan ko.











Maliban sa muntik siyang malate, magulo pa ang buhok nitong halatang di pa nakakasuklay pero hindi naman siya mukhang haggard. Maganda yan eh, paano yan mahahaggard.









Yun nga lang ay alam kong puyat siya kasi nirush niya kagabi yung Analysis Paper niya.













"Nananadya ka yata." atungal nito habang nagkakalkal na sa bag ko. Suklay hanap niyan eh. Hindi kasi nagdadala ng kanya.
















"I just wanna say thank you sa link." i giggled at her. Nagsmirk naman siya sakin na mukhang proud pa talaga.











Kasi siya lang yung maraming alam sa mga kdrama kdrama na yan eh. Ayun, siya na nagbigay sakin nung link ng whisper na yun at malaking tulong yun sakin.











Then, our teacher said, "Analysis Papers, ready na?"






Nakita kong nagsilabasan na ang mga kaklase ko ng mga printed works nila.







"Very good. So please, someone collect it up." She continued at tumayo bigla si Pete, kaklase naming nerd na nasa harapan row sa may left nakaupo. Nagsimula na siyang mangolekta nun.








"Asan na yung iyo?" i asked Jordan na busy sa pagsusuklay sa buhok niyang napakahaba, at napalinga linga ako sa bag niya at mesa niya. Hinahanap ko yung Analysis Paper niya.






"Nakakabit siyempre sakin. Ano ka ba naman?" she replied kaya natigilan ako.











Nakakabi-







Hinampas ko sa kaniya yung libro ko at natawa naman siya ng mahina. Ang pilosopo kasi eh. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.











"Yung papel mo kasi." usal ko pa at may inabot naman siyang two-piece bond paper sakin.










"Sa hinaba haba ba naman nung kdrama na yun, dalawang bond paper lang nagawan mo. Ano to? Yung kahayupan lang nung Roger Baek nalagay mo dito ganun?" i said at tinawanan na naman niya ako ng mahina.













Pero hindi na siya nakadahilan pa dahil ay may sumulpot sa gilid ko. "Uy Han and Sy, asan na mga papel niyo?" cheerfully, Pete said.









"Eto oh." sabi ko at inabot na sa kaniya yung mga papel namin ni Jordan.











Tapos, pinulot pa niya yung papel ko at tiningnan sa gilid nito na parang chinecheck kung ilang pages ba ito.













OVERPLAY : Ordinary VersionWhere stories live. Discover now