N I N E

6.2K 171 3
                                    

Luna POV

Goodmorning world! Ang lamig naman, ang sarap mag jogging ngayon ah. Hhhmmm, alas 5 pa lang umaga..hhh..tama! Magjojogging na lang ako. Nangingiti pa ako habang nag aayos, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Hay, anak ng kinikilig sa umaga.Hahaha..

Dahan dahan akong lumabas ng bahay at nagsimulang mag jogging..ang sarap pagpawisan, nakakagaan sa pakiramdam.

"Psst.." - may narining akong sumisitsit! Tangina! Kahit kinakabahan, dahan dahan akong lumingon pero wala namang tao..

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo pero parang palapit ng palapit yung sutsot.

"Psst..ppssttt.." - huminto ako, baka rapist to? My god! Bigla akong humarap pero wala namang tao.. ggeezzzzz! Pagharap ko..

"WWWWAAAHHHHHHHHHHHH!" - ubod ng lakas akong napasigaw pero agad namang may tumakip sa bibig ko..

"Langya ka Buwan! Ginising mo ang buong village sa sigaw mo pati tutuli ko tumalsik" - sabi ni Rich.. 

Aba't!?Binatukan ko nga..

"EH GAGO KA PALA EH!TANGINA MO!NAKITA MO NG MEDYO MADILIM PA TAPOS PASITSIT SITSIT KA PA DYAN!!HAUP!" - sabi ko, pinagmumura ko sya kasi naiiyak na ako..sino bang hindi maiiyak dun,nakakakaba kaya..Nilapitan nya ako at hinawakan sa magkabilang balikat..

"Oh...shhhhssshhhh,kalma na..Sorry na. Sorry na Baby. Pero yang bibig mo Buwan..Kung ano anong lumalabas dyan hah.. Sorry na ah?Dont be mad my sweet little Sun! Goodmorning!" - sabi at hinalikan ako sa noo at niyakap ako. Sa tuwing ginagawa nya yun, I felt so special as in:)

Teka lang..

"Hoy, nakaka ilang chansing ka na hah?Bat ka pala andito?"- sabi ko at itinulak ko sya. Napapasarap eh..Hahaha..

"Eh kasi nakita kitang lumabas kasi sumunod ako baka kung mapano ka eh. Saka gustong makita ang sunrise kasama ka Baby.Hehehe.." - eehhh..kinikilig ako sa sinabi nya.. Ane be yen!Hihihi..

"Baby ka dyan! Tumigil ka nga!Hahaha.. ang korni mo! Halika nang mag jogging,diretso tayo dun sa may bandang mini burol kung sunrise ang gusto mo..Hehehe" - sabi ko sa kanya at nag jogging na ako..

"Oyyh teka lang" - sabi nya at sumunod na.

After 45 mins, nakarating din kami at sa wakas malapit ng sumikat ang araw, in 20 mins siguro..Umupo ako sa damuhan, sa may ilalim ng puno at ganun di si Rich. Napagod ako dun eh.Haha..

Nagulat ako ng kinabig nya ang ulo ko papunta sa balikat nya..

"Dyan ka na lang sumandal sa balikat ko, mas masarap pa. In 3 weeks, graduate ka na Buwan" - sabi nya. Sino bang mag aakala na ang taong to ang makakasama ko na salubungin si Haring araw. Kung titingnan kami ngayon, parang kaming couple na inlove na inlove sa isa't isa. Bat dinadaga ang buong katawan ko.

Nitong mga nakaraang araw, paiba ng paiba ang nararamdaman ko ng dahil sa kanya.

"Alam mo Buwan? Matagal ko na tong gustong gawin.." - sabi nya..

"H-huh!?" - tanong ko

"Ito, yung kasama ka sa pagsikat ng araw. Sabi ko naman sayo di ba?Kahit inaasar kita, malapit ka sa puso ko"- sabi nya..Hay, magsisimula na naman ata ang kanyang sabi sabi na hindi ko maintindihan..

"Kaw kasi, mapang asar ka!"- sagot ko sa kanya..

"Alam mo ba, minsan naiisip ko kung worth it ba lahat ng ginawa ko pero having you by my side. Feeling ko naman, tama, tama lahat ng yun. Tama lang na naghintay ako."- sabi nya kaya napatingin ako at nakita syang ngumiti..

"Ahhh..di ko naman magets ang sinasabi mo. May problema ka ba?

Malalaman mong worth it yun kung nakikita mo namang okey/masaya/stable/kuntento/umaangat yun eh. Andami kong sinabi, di ko kasi alam kung tao, bagay, o negosyo ba ang sinasabi mo..Hahaha" - sabi ko na lang. Totoo naman eh. Malay ko sa mga ginawa nya noh..

At unti unti ng sumisikat ang araw..unti unti ko nang nararamdaman sa balat ko ang sinag nito..Nagulat na naman ako ng hinawakan ni Rich ang dalawa kong kamay, inakay ako patayo at ngumiti sakin, ang gandang ngiti naman nun. Hehehe.

"Di ba in time, malalaman mo din lahat my so innocent Luna. Ang sarap sa pakiramdam, ang saya ko na ikaw ang nakita ko sa pagsikat ng araw. Its priceless, worth it"  - sabi nya. Ang gulo talaga kaya ngumiti na lang ako baka may pinagdadaanan to kaya ganito. Haha. Unti unti syang lumalapit sakin,.unti unti din akong umaatras..ano na namang trip nito..Pero sa kakaatras ko, napasandal ako sa puno..Ang lapit ng mukha namin sa isat isa… Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas ko para magsalita..

"Aahhmm Rich, ano..ano kasi…"-sabi ko pero I was cut off when she kiss me again in my forehead, hindi ko alam but my eyes automatically closes. Naramdaman ko ang na pababa ang halik sa ilong ko,nilagay nya ang dalawang kamay ko sa batok nya then I felt her hands on my waist.. Ang lakas ng kabog ng puso ko..My god, Jesus Christ!

Hinalikan nya ako sa magkabilang pisngi ko at ang kanang kamay nya ay napunta sa batok ko..She kiss me on my lips. My first kiss. I dont know what do I need to do?then suddenly I felt my arms pulled her closer to mine…

To my lips and I kiss her back. I feel that she smile. I want to cherish this moment. Gaya nung ball, I love this feeling, a feeling that I will treasure for the rest of my life..

After a minute, sabay pa kaming nagmulat ng mata at alam kong ang pula pula ng mukha ko..

"Ang ganda mo talaga Luna.Hehehe..Thank you, I'm so happy share it with you, my first real kiss. Hehe. I wont say sorry kasi nagustuhan mo din naman.Hahaha." - sabi nya na tumatawa pero..Ano daw? First real kiss? Sa daming nakikita kong umaaligid sa kanya pero..wow! As in wow!..

"I-i dont know what to say but I feel the same Rich. Im happy that youre my first real kiss. Pero wag ka nga!Nagustuhan mo din naman ah..Hahaha" -sabi ko na lang, mayamaya pa nagyaya na syang umuwi.

Hindi ko alam kung ano kami, kung anong meron samin pero masaya ako. But one thing is for sure, hindi ko sya crush….

Mahal ko sya. Matagal na siguro pero ngayon lang naging buo,ngayon ko lang napansin, ngayon ko lang naramdaman to. Malabo man kami sa ngayon pero Mahal ko si Rich Elijah Sandoval. Mahal ko ang Shibs na yun, nainlove ako sa kapwa ko babae though lalaki pumorma si Rich. Uulitin ko, Mahal ko sya.

AN:

Goodmorning Lovieess:)

Hay:) Ang sarap sigurong mainlove at magjogging:) Hahahaha!

Comment.Vote.Thanks.

O U R L O V E S T O R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon