T H I R T Y E I G H T

3.8K 104 15
                                    


Rich POV

After a monthssss...

May problema...

May umaaligid sa kanya sa office pero na settled namin sya when she decided na magtrabaho na lang sa kompanya nila. Oo, alam na nya ang katayuan nila sa buhay. Mas naging busy nga lang sya pero okey lang.
Para sa future nya yun, para sa future namin. Hihihi. Ang bakla ko ba? Mainggit kayo. Bleehhh!

Its our 1st Anniversary..
Tama kayo ng basa? Its our anniversary. Yeah Baby! Masayang masaya sana ako..
Aba.. Marami marami na rin kaming pinagdaanan ng Lunatic kong girlfriend..
Last month, we had our worst fight. Bakit?
Selosa sya. Hahaha. Ganda ko este gwapo ko eh..


Sana masayang masaya kami ngayon...


SANA... Pero...


F L A S H B A C K


Halos 2 buwan na syang busy sa trabaho nya kasi hawak na nila ni Gab ang company nila. Minsan nga, isang text o tawag na lang sa isang araw kasi pag uwi nya, tulog agad sya. Minsan naman di ko na sya nagigising kasi nakaalis na sya.. Ganun..

Nahihirapan na ako.. Sabi nya babawi sya pero wala naman.. Laging napapako. Iniintindi ko naman pero minsan nakakasawa din pala..

Hanggang sa nakilala ko si Nice.
Maganda sya pero mas maganda si Luna..
Mabait sya at almost perfect partner.
Ang oras na dapat kay Luna ay nabunton ko sa kanya. Ang lapit nga ng girlfriend ko pero parang anlayo naman..


Si Nice ang napagsabihan ko ng mga hinaing ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagkalito. Mahal ko si Luna pero parang minamahal ko na rin si Nice..
Alam kong mali pero binigyan ko ng pansin..


Natauhan na lang ako ng..

We kissed. Hinalikan ako ni Nice at ginantihan ko yun. Lahat ng pagkamiss ko kay Luna, naibunton ko sa isang halik na yun.. Alam kong may patutunguhan ang halik na yun at handa akong sumama kay Nice kung san man yun...


Pero....

"WOW! Masarap ba Rich!?" - sabi nya.
Ang boses na yun. Kaba at takot ang naramdaman ko..
Bigla kong naitulak si Nice sa gulat..


"Aahhhmmm...L-luna, B-baby.. I can explain.. " - sabi ko..


"Siguraduhin mo lang na maiintindihan ko ang rason mo Rich. Alam mo ang mangyayari." - sabi nya sa madiin na tinig at walang ka emo emosyong mukha..
Nakita ko na palabas na si Nice ng opisina ko pero hinarang sya ni Luna..


"Where the hell are you going Miss!?"- tanong nya kay Nice. Alam kong nakaramdam sya ng takot kay Luna..
Kahit sino naman, kung makikita nyo lang ang itsura nya... Mukhang papatay..

"U-sapang magkarelasyon to Luna. L-labas ako dito" - sagot nya..

"Labas!? Seriously!? Kasali ka ng hinalikan mo ang girlfriend ko. Pinakialaman mo ang akin Miss. AKIN. " - bawat salitang binitiwan nya ay may diin..


"Im sorry kung nagulo ko kayo. Pero di na ako magpapakita"- sabi ni Nice.


"You may go Miss pero next time pumili ka ng lalandiin mo kasi...." - hindi na tinapos ni Luna ang sasabihin at mag asawang sampal ang binigay kay Nice..

"Ayokong may nakikihati sa pag mamay ari ko. Out!" - sabi nya. Dali daling lumabas si Nice. Gusto ko syang i comfort at mag sorry pero..

"Subukan mong sundan sya Rich. Mas lalong wala ka ng babalikan or better sa kanya ka na lang. Im not an option Sandoval. Sana sinabi mo na lang kesa sa n-nagloko ka..." - sabi nya pahinang tinig. Umiiyak na sya.

"B-baby, sorry. Di ko naman sinasadya. Namimiss lang kita.."- sagot ko.

"Its bullshit Rich. Bullshit! A-lam ko na may pagkukulang ako sayo. Alam ko yun at akala ko naiintindihan mo yun. Alam mo ang sitwasyon ko. A-akala ko susuportahan mo ako.. Na partner tayo, na magkakampi tayo pero a-ano to.." - sabi nya sa garagal na boses. Nilapitan ko sya at tangkang yayakapin... Pero umiwas sya. Ang sakit pala..


"Baby..Sorry.. Patawarin mo ako. Babawi ako. One last chance Luna.. Please..."- pagmamakaawa ko. Hindi ko kakayanin na tanggihan nya ako...


"Chance? Nung naging tayo, it was your chance to prove yourself to me Rich. Chance to prove to me that we're worth it. Na worth it na may tayo. To prove to everyone that no one can bring us down.. Pero a-ano t-to? P-inatalo mo ang t-tayo R-rich.. P-pinatalo mo yung tapang ko ng minahal kita at h-higit sa l-ahat, p-pinatalo mo yung s-sarili mo, yung mga p-promises mo sakin..."- sabi nya at patuloy na umiiyak. Ano ba tong nagawa ko.. Lord, isang chance lang....


"B-baby, please.. Isa pang chance.. Isa lang. Babawi ako. Gagawin kong tama to. Please, Luna... Hayaan mong ipakita ko sayo na worth it na may tayo.. Please Baby...p-please..." - naiiyak kong sabi sabay hawak sa pisngi nya. Nakakainis isipin na ako ang may dahilan ng pag iyak nya..


"A-ang sakit pala R-rich. A-ayoko na. N-nakakatakot ang nararamdaman kong sakit ngayon. Ayoko ng maramdaman to. Ayoko man pero n-natatakot na ako. A-ayoko na.. Parang di ko k-kakayanin..." - sabi nya. Wala akong magawa. Gusto kong saktan ang sarili ko sa katangahang ginawa ko..
Hindi ko kakayanin na mawala sya. Hindi ako papayag..

Umiiyak ako at umiiling.. Ayokong marinig ang sasabihin nya.. Ayoko.. Niyakap ko sya ng mahigpit. A-ayoko syang bitawan. Hindi maaari. A-yokong bitawan ang buhay ko...


"R-rich...p-pleaseeee..."


AN:

Goodmorning Lovieesss:)
Malapit na ang ending! Hahahaha..
#EvilMe

C.V.T

O U R L O V E S T O R YWhere stories live. Discover now