Una.

2 0 0
                                        

Araw-araw ay panibagong paghahanda,
Ukol sa katapusang ating lalakaran.
Bawat ngiti ay may ganda,
Ngunit sa bawat hakbang ay may lilisan.

Ano nga ba ang lahat ng ito?
Maaring kayo ay nalilito.
Pasesya na kung ako'y paliko-liko,
Ngunit maski ako'y nabobobo.

Naranasan niyo na bang malungkot?
Lungkot ng walang dahilan?
Ang puso'y biglang lugmok,
At tila ba'y walang laman.

Ginawa mo na ang lahat,
Ngunit wala pa rin ang saya.
Halos dumugo na ang labi sa pagkagat,
Ngunit ang luha'y tumutulo ng malaya.

Mahirap solusyonan,
Ang bagay na walang pinagmulan.
Paano ba matatapos,
Ang pighating yumayapos?

Nakakatakot maging masaya,
Ngunit mas nakakatakot maging malaya,
Dahil ang sarili mong emosyon,
Hindi mo na rin alam ang limitasyon.

Kahit anong pikit mo,
Iyan ay patuloy na papatak.
Punong puno ng emosyon ang likido,
Na mula pa sa nakagapos na pakpak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sino ang Magliligtas?Stories to obsess over. Discover now