"Magha-hi? You know Kali nakamove on na ako kaya wala na dapat akong gawin or planuhin" sagot ko

"Nakamove on ka na nga ba?"

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Kali nagpasiya naren akong umuwi para sa gig namin mamaya.

Natapos ang araw na parang tamad na tamad ako sa bawat gawain. Siguro dahil hinde na ako nakakatulog ng maayos or kulang ako sa exercise o di kaya dahil iniisip ko paren yung napag-usapan namin ni Kali .

**KINABUKASAN**

"Anong bang nangyayari sayo Air at parang tamad na tamad ka kahapon sa gig?" hinde ko nalang siya pinansin may iba pa akong iniisip tang ina kasing ex yan kung mag-asawa na lang kaya ako ng bumbay

"Hey!! Air! Are you listening?"  nagulat ako sa sigaw ni Atlas

"Oo nakikinig ako" malumanay kong sagot

"Si Mama at si Papa uuwe na bukas" oonga pala shet!

"Anong oras?"  tanong ko sakaniya

"6:00 pm? basta mama told me mga 6 daw basta mga 4 alis na tayo rito baka ma-traffic tayo, Kotse ko nalang dalhin naten " tumango nalang ako

Wala namang magandang nangyare ngayong araw maghapon lang akong nanood ng Boku no pico este boku no hero academia try niyo yun panoodin maganda pramis

Susunduin na namin ngayon sila Mama at Papa, andito na kami sa terminal 3. Galing kasing Japan sila Mama kasi nagcelebrate sila ng 31st anniversary nila, january 20 1988 sila kinasal sher mo lang air?

"Ma!Mama!Mama!Mamaaaaaaa!!We're here!!!"sigaw niya tila nabasag ang aking eardrums kaya binatukan ko siya

"Hinde bingi si Mama! Tang ina to!" sigaw ko rin sakaniya habang hinihimas ang aking tenga

"Mga kupal kong anak" tawag saamin ni Mama at niyakap kaming tatlo, sanay na kami tuwing tinatawag niya kaming ganiyan sakaniya na nga kami natuto magmura ih

Tumawa naman si papa, si Atlas napairap na lang si mavy naman ay halatang masaya kasi mas marami siyang pinabili kala mama na pasalubong.

Nagyakapan, nagkwentuhan nang mga ilang oras habang nakatayo parang baliw lang no? ilang oras na kaming nakatayo tapos nagkwekwentuha lang .

Habang nagsasalita si Mavy bigla na lang may kumulo na tiyan isa saamin. Tumingin sila saakin na parang ewan, si mama naman napahagikgik lang at napailing.

"Oh siya, tara lumakad na tayo at may nagwawala ng bituka HAHAHAHA"

"Ma?Kain na lang tayo sa restaurant?matatagalan pa kasi kung magluluto tayo. Baka bigla na lang kumawala yung dragon dito sa loob ng tiyan namin" suggest ni Mavy, napatawa naman si mama at papa sa sinabi ni mavy

Huminto kami sa nadaanan naming Chowking, nagugutom na ako. Hinde naman kami mapili sa kakainan, basta ba malinis yung mga ginagamit na sangkap at maayos ang pagkakaluto.

Nagsimula na kaming umorder

"Sweet and sour pork Lauriat, rootbeer yung drinks ma!" sagot ni Mavy habang naghahanap na nang mauupuan namin

"Chinese style pork chop, rootbeer ren yung drinks" sabi ni Atlas at pumunta na sa pwe-pwestuhan namin

"Chinese-style Fried chicken Lauriat,  steam pork siomai, at milky white halo halo tapos yung drinks pineapple juice " sabi ko.

Nairita ako sa tingin nila mama at papa para bang may nagawa akong masama.

"What?" tanong ko

"Ilang linggo ka bang ginutom ng mga kapatid mo at parang bibitayin ka na sa kakainin mo, anak masyadong marami. Sure ka ba na kaya mong ubusin yung lahat ng in-order mo?wag kang takaw tingin Maxmara" umiiling na sagot ni Papa

"Gutom lang talaga ako Papa"

Umupo na ako sa pwesto namin at hinintay ang mga in-order na pagkain. Pagkarating na pagkarating pa lang nang mga pagkain ay nilantakan ko na agad ang akin patay gutom lang Air .

"Hinay hinay lang anak, wala pa nga yung ibang pagkain ih"

"jsisnskaknybsjskaokanahz"

"Whaaaat?! Kumain ka na nga lang diyan Air! Ang ingay mo!" bulyaw ni Atlas ako maingay? ano ka pa?

Habang kumakain ako nakaramdam ako na tinatawag ako ng kalikasan mamaya na lang kaya malapit na rin naman ako matapos ih .

Muli kong pinagpatuloy ang pagnguya sa pagkain ko, pero mukhang manganganak na ako este puputok na panubigan ko kaya dali dali akong tumayo at dumiretso sa palikuran.

Sakto walang katao tao, tumakbo na ako at ni-locked ang pinto at nilabas nq ang maruming tubig sa aking katawan.

"Ahhhhhhh, nakaraos ren" sabi ko at nag-unat pa na parang baliw at plinash ang wiwi hehehe

Binuksan ko ang pinto at handa na sana akong lumabas ng may makita akong lalaking naghuhugas ng kaniyang mga kamay sa sink na kaharap ng palikuran na ito parang kilala ko ang isang to.

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming paningin, kilalang kilala ko siya makakalimutan ko ba ang mukhang yan.
Nagulat ren siya nang makita ako, lumingon siya sakin at ngumiti pero imbis na maging masaya ay galit ang naramdaman ko ng makita ko ang ngiting yon.

Umalis na ako roon at bumalik na sa pwesto namin bago ko pa siya masapak.

"Lalabas lang ako"

Kinuha ko ang slingbag ko at lumabas. Nagsindi ako ng sigarilyo at tumingin sa malayo. Nakarinig ako ng yabag mula sa likuran ko, mukhang may hinala na ako kung sino to.

"Air?"

Walang iba kundi ang gago kong ex, Calvin the great.

Air/N- nege-gets niyo naman yung sinabi kong cr sa chowking diba..hay..bahala na kayo

-NICO..NEMESISƸ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I CAN'T LIVE WITHOUT YOU (on-going)Where stories live. Discover now