"Ipasok niyo muna si raven sa loob ng palasyo. Hindi ito ang tamang oras at lugar para pag-usapan ito" sabi ni King calix kaya pumasok na kami sa loob

Pinasok namin si raven sa isa sa mga guest room dito sa loob ng palasyo. Lumabas muna si King Calix para hintayin sa labas ang kanyang asawa.

"Raven why did you do that?" sa wakas naitanong ko na din ang tanong na kanina pa bumabagabag sa akin. Alam kong kahit di nakatingin ang iba ay nakikinig sila dahil napatigil sila sa mga ginagawa nila.

"The truth is I don't know. I can't explain it either. Basta na lang gumalaw ang katawan ko para iligtas si Queen Victoria. Siguro dahil naisip ko na malaki ang mawawala sa avalor kung mamamatay siya" sabi ni raven na tila nagtataka din sa ginawa niya

Mabilis kong nilapitan si raven ng nakita ko siyang parang pipikit na

"Raven? What's wrong?" nag-aalalang tanong ko kaya napalapit na din ang iba

"I feel sleepy" sabi niya sa mahinang boses

Maya-maya ay pumasok na din si reyna victoria at king calix kasama ang family doctor ng mga Smith.

Mabilis niyang binuksan ang medicine kit at sinuri ang sugat ni raven. Mabilis niyang kinuha ang kamay ni raven at nilagay ang mga daliri sa wrist ni raven ganoon din ang ginawa niya sa leeg nito. Nilapit niya ang tenga niya sa mukha ni raven.

"Masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya. Mabagal na ang pulso niya ganoon din ang paghinga niya. Kailangang masalinan siya ng dugo" sabi ng doctor

"Ibibigay namin ang lahat ng kailangan. Gawin niyo lang po ang lahat ng makakaya niyo Doc para maging okay siya"

"Kailangan ko munang masalinan ng dugo ang pasyente sa lalong madaling panahon. Kailangan ko ng kamag-anak ng pasyente baka sakaling magmatch sila ng sa ganoon hindi na tayo mahirapang humanap ng kamatch niya ng dugo" sabi ng doctor

"Kung ganoon ipapatawag ko ang mga magulang ni raven ngayon din. Sabihin niyo sakin kung anong pangalan ng magulang niya at kung nasaan sila" sabi ni haring calix habang nakatingin sa amin

"Mahal na hari hindi niyo po magagawa iyon" sabi ko kaya napataas ang kilay ni haring calix

"At bakit hindi? Minamaliit mo ba ang kakayahan ko? Hindi mo ba nakikita? Nag-aagaw buhay na siya. Wala na tayong oras na dapat aksayahin" inis na sabi ni haring calix pero halata ang pag-aaalala

"Hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin mahal na hari. Wala na po kasi siyang mga magulang" sabi ko na kinabigla ng mahal na hari at reyna

"Meron naman siguro siyang iba pang kamag-anak? Mga kapatid ng mga magulang niya" sabi ni reyna victoria

"Ahm malaki po ang posibilidad na totoo ang sinabi niyo mahal na reyna pero hindi din po natin sila maasahan at siguradong hindi din magmamatch ang dugo nila sa dugo ni raven" sabi ko

Siguradong hindi papayag ang mga kamag-anak na bahagian kahit kunti ng dugo nila si raven dahil siguradong kinamumuhian siya ng mga ito.

"At bakit naman? Kamag-anak naman sila ni raven. Pwede ba Prinsesa Chloe diretsuhin mo na kami" sabi ni King Calix

"Wala po kami sa posisyon para sabihin sa inyo pero dahil emergency talaga sasabihin ko" sabi ko

"Chloe" saway nila brent

"She's just an adopted and she's the one who killed her foster parents" sabi ko na kinalaki ng mata ng mahal na hari at reyna

"Chloe! Ano kaba?! Bakit mo sinabi?!" inis na sabi ni brent

Magisch Academy: The Heartless PrincessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz