🌹 Kabanata 8 💀

34.6K 1.1K 208
                                    

The photos is not mine, credits to rightful owner of these pictures

Ivory's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos akong mawalan ng malay at honeymoon pa talaga namin. Kung itatanong nyo kung natuloy ba ang honeymoon ang sagot ko ay hindi.

Mukha kasing minamalas si Heaven dahil nasa kasagsagan kasi ako ngayon ng buwan ng dalaw ,hindi ko naman alam na rereglahin pala ako pagkatapos kong mawalan ng malay.

Narito parin kami sa private resort at kasalukuyan akong nagluluto ng almusal naming dalawa. Tulog na tulog pa si Heaven ng iwan ko sya sa itaas kaya hindi ko muna ginising.

Saktong pagkatapos kong maihanda ang pagkain sa lamesa ay narinig ko naman ang mga yabag ng paa ni Heaven pababa ng hagdan. Lingon ko sya at kasalukuyan pa nga syang nag iinat.

"Good morning wife" bati nya sa akin.

Lihim akong napairap dahil tanghali na kaya sya nagising,well kasalanan ko rin naman kasi nag-movie marathon kami kagabi syempre puro horror ang palabas.

"Teka,bakit ang dilim? Ayaw mo ba na nakabukas ang mga kurtina?" Takang tanong nya.

Sinandya kong nakasara ang mga bintana dahil ayaw ko ng maliwanag,kaya napakaputi ko dahil minsan lang ako mabilad sa araw.

Nag-umpisa na kaming kumaing dalawa,ganadong ganado sya kumain samantalang ako eh parang bata kung sumubo. Kahit saang ang gulo mo tignan si Heaven ay napakaguwapo talaga nya. Minsan naisip ko kung ilang babae na kaya ang dumaan sa buhay nya,meron kaya syang sineryoso maski isa?

Hindi parin ako makapaniwala na mag-asawa na kaming dalawa samantala kailan lang nung magkakilala kami o mas tamang sabihin, kailang lang nung dinukot nya ako.

Naalala ko bigla tuloy yung mga taong naiwan ko sa bahay namin,kumusta na kaya sila?Siguradong nag-aalala na sila sa akin.

_

Katatapos lang namin kumain at pareho kami ngayong nasa sala at nanonood ng palabas na Wrong Turn. Ilang nakakadiri at patayan na scene na ang nakita namin pero sa isang ito lang ako hindi naging komportable,meron kasing sumingit na batos kaya parang umiinit ang temperature sa paligid namin ni Heaven.Ilang beses akong napalunok dahil ng laswa ng eksena.

Bakit ang pakirandam ko ang tagal matapos ng scene na ito?Sinilip ko ng bahagya si Heaven at nagulat pa ako dahil nakatingin din sya sa akin habang may nakakalokong ngisi sa mga labi nya. Hindi ko tuloy napigilan na batuhin sya ng unan na nadampot ko.

Humalakhak lang sya sa akin,saglit akong natulala dahil kahit na may nakakatakotat maawtoridad syang aura ay marunong din pala syang tumawa ng totoo. Napangiti nalang ako ng bahagya dahil sa akin naisip,hindi naman pala sya totally na masama eh.

Nawala ako sa aking pag-iisip ng may tumamang unan sa mukha ko. Napatingin ako kung sino ang may gawa nun at ang walang hiyang katabi ko. Pakiramdam ko umusok yung ulok ko sa inis kaya binato ko sya ulit.

"Ouch!! Fuck!!!" Daing nya bago sya mahulog sa sofa na kinauupuan nya. Napagtanto ko kung ano yung ibinato ko,remote pala yun ng TV at na sapol ko sya sa noo. Bullseye!!!

Tinignan ko sya kung ano ang reaksyon nya para kinabahan ako dahil wala syang malay kaya nataranta ako at dali dali syang dinaluhan. Tinapik tapik ko ang braso nya pero wala syang naging tugon kaya dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

"Diyos ko! Hindi ko akalaing nakamamatay pala ang matamaan ka ng remote sa noo" bulaslas ko.

Talagang nataratna na ako at di ko na alam ang dapat gawin,gusto ko mang humingi ng tulong pero kanino eh dadalawa lang naman kami ni Heaven dito sa private resort eh. May biglang pumasok sa isip ko na maaring makatulong kay Heaven kaya dali dali ko ulit syang nilapitan.

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneOnde as histórias ganham vida. Descobre agora