Prolouge: Memories

47 4 0
                                        


"Memories, are something that should not be forgotten......... Though it May be painful, sad, and full of hatred.........
Amidst those memories, still lies love, love that will guide you to happiness......"



*****


MARC


Nakakasilaw, yun ang unang bumungad saakin, ang nakakasilaw na liwanag ng Araw na iyon rin ang gumising sa akin sa mahimbing na tulog ko sa ilalalim ng lilim ng Puno ng narra. Ramdam rin ang mahinahong ihip ng hangin mula sa kanluran, Amoy rin ang simoy ng tag Araw. At habang ninanamnam ko ang mga iyon isang maliit na hikab ang lumabas sa aking bibig. At sinabing, "Kakatamad naman". Kahit ako ay natawa sa aking nasabi ngunit sa pag-ugoy saakin ng lumbay ng katahimikan at huni ng ibon ay di ko maiwasang maramdaman iyon, gayun din ang pagkabagot, pagkabagot na nakakaaliw sapagkat sa bawat kisap mata ay unti unti akong naglalakbay sa mundo ng panaginip.

Sa di kalayuan ay aking narinig ang aking ngalan, siguro guniguni lang, Yan ang unang lumabas sa aking bibig, at tiningnan ang asul na himpapawid. Kay payapa... Kay Ganda..... Ang tanawing iyon ng langit ay nakakaalis ng pagod at hirap ng buhay. Umihip muli ang hangin, Sabay ron ang isa nanamang sigaw at doon ko napagtanto na may naghahanap sa akin, tumingin ako sa kanan at naaninag ang pigura ng isang babae gayun din ang isang lalaki, Ah... sila pala..., Ninais ko rin na sumigaw at puntahan sila ngunit parang ayaw iyong gawin ng katawan ko at puso ko, ang Ganda ng langit at ihip ng hangin gayundin ang agos ng tubing mula sa di kalayuang Batis, Hay.... Ayako ng umalis.... Unti unti naring pumikit ang aking mata at ang isip ko ay naglayag patungo sa mundo ng panaginip.

"Sus ko! Naandito ka lang pala!" Isang boses ng babae ang aking narinig, at yung boses na yun ang naging dahilan ng saglit kong pagkaalimpungat sa aking pag tulog at ang pagkaalimpungat na iyon rin ay unti unting gumising saakin hanggang maramdaman ko ulit ang init ng araw, malasap ang lamig ng hangin, at marinig muli ang agos ng tubig sa batis. Napansimn ko rin ang nagmamayari ng boses na gumisisng saakin ngunit hindi ko siya pinansin, and again I closed my eyes and tried to sleep.

"Hoy!!! Gising!!!" Ikalawang beses nitong tawag, why can't she just stop and let me sleep.... like if I would listen on what she wants.

Tumahimik, wala akong narinig na kahit ano maliban sa tubig, noong una akala ko umalis na sila and gaved up.... But I was wrong.

Sa bawat segundong lumilipas the sound of the flowing water became louder and louder, noong una akala ko sadyang lumalakas lang ang agos, but no... no sorcery is able to do such.

I looked at my side and saw the furious face of a woman with eyes firing with rage, at sa may bandang kaliwang kamay niya na nakatutok saakin ay meroong isang kulay puting bilog na kumikinang gaya ng mga bituin sa langit, kumukutikutitap at bumubusibusilak sa ganda. At doon may naramdaman akong sidhi ng panganib ngunit bago pa ako makapagreact ay binaba na niya ang mga kamay at dahan dahan ko ring naramdaman na nakalutang ako at ang dahan dahang ito ay biglang bumilis at ako ay nag simulang bumulusok, pababa..... baba?....

"Anak ng tok-" at bago paman ako makatapos sa pagsasalita ay nalaglag ako sa malamig na tubig, napakalamig gaya ng yelo, at bigla akong nagising, nagising sa katotohanang nasa harap katotohanang ginulat ako bigla, at sa aking paggising tears flowed out of my eyes even if I am under water, the sadness contained is still felt.

Hindi mabilang na alaala ang pumasok sa aking isipan mga alaala na gusto ko ng malimutan, iwanan, at tanggihan. Masaya o Malungkot, mahalaga o hindi, gusto ko ng limutan......

May biglang humila saakin isa... dalawa...... tatlo...apat... kamay na aking nakita, sila, sila nanaman pala....

MagicWhere stories live. Discover now