KAB 6

210 2 0
                                    

Inalis ko ang kanyang braso na nakayapos sa akin at umupo ako sa gilid niya. Hindi ko napigilan ang aking sarili na haplusin ang kanyang buhok. Dinama ko ang kanyang noo mainit pa din ito kung kaya’t naisipan ko na kumuha ng tuwalyang maliit at magpainit ng tubig.

Habang nagpapainit ako ng tubig sa baba ay inayos ko ang iilang nakakalat na gamit ni Jace. Ilang oras na lang ay mag aala singko na. Sisikat na ang araw. Di ko akalain na halos wala pala akong tulog.

Nang marinig ko ang tunog ng tubig ay binantuan ko ito ng tubig upang maging tama lang ang temperatura nito. Piniga ko ang tuwalya at nilagay iyon sa noo ni Jace. Mahimbing pa din siyang natutulog kaya bumaba na uli ako at pinagpatuloy ang paglilinis.

Sa kumpol ng gamit ni Jace ay nakita ko ang picture nila ni Madeline. Nakatingin sila sa isa’t isa at magkadikit ang kanilang ilong. Hindi ko alam kung bakit bigla ako nakaramdam ng pagseselos. Sa iilang araw na nakasama, nakikita at pinagmamasdan ko si Jace ay alam ko na nahuhulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya. Binitawan ko ang litrato at nagpatuloy sa pag-aayos.

Nang matapos ako ay nagpasya ako na lumabas dahil gusto kong panoodin ang pagsikat ng araw. Lumabas ako ng nakayapak at dinama ang paglubog ng aking paa sa buhangin. Ang kalma tingnan ng dagat na walang ginawa kundi magpabalik balik sa dalampasigan. Naghahalo ang kulay bughaw at orange sa kalangitan parang ay laban ng tubig at apoy. Napapikit ako at dinama ang lamig ng hangin.

 Napapitlag ako ng may nagsalita sa aking likudan.

 “Iha? Kasama ka ba ni John?”

 “Huh? Ah hindi po. Si Jace po ang kasama ko yung taga dyan po sa kabila”

 Tumawa ang matanda at minasdan ang suot ko “Nobya ka nya? Ikaw si Madeline?”

Napawi ang ngiti sa aking labi “Ah hindi po. Kaibigan po nya ako, ako po si Inifinity Reyes”

 Tumango ang matanda “kaibigan” tumango muli siya “Ako nga pala si Mileng, ako ang nababantay kay John, kami ng asawa ko”

 “John? Jace po” pagtatama ko

 “John Iha. John Jace Celestine” ngumiti ito sa akin “halika at magkape muna. Malamig diyan baka sipunin ka. Maganda ding tingnan ang dalampasigan mula roon sa amin”

Sumama naman ako sa matanda at binigyan niya ako ng kape. Ang sarap ng kapeng ito inamoy ko muna bago ko ilapag sa mesa.

 “Kapeng barako iha” tumango lamang ako at ngumiti

 “Maselan ang batang iyan, ayaw niyang ginagamit ng iba ang gamit niya lalo na ang damit niya” sabi ng matanda habang nakatingin sa aking damit

 “Hindi ka ba nya nobya? Wala na ba sila ni Madeline? Balita ko ay masama ang ugali ng batang iyon”

Natawa naman ako kay Nanay Mileng “Wala na po sila” matipid kong sagot

“Kailan man ay hindi ko nasilayan ang mukha ng batang iyon ngunit ang aking asawa na si Ricardo ay nakilala iyon ngunit suplada daw iyon at matapobre”

“Ito ang unang pagkakataon na nagdala siya ng KAIBIGAN sa bahay niya” may diing sabi ng matanda sa salitang kaibigan

Tumawa lang ako dahil wala naman akong masabi.

“Alam mo ineng, ulila ng lubos ni John at kami ang tumatayo niyang magulang. Wala naman kaming anak kaya parang anak na din namin siya”

“Hindi po ba anak siya ng mga Celestine?”

The Story of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon