"So yun nga, bitter mo nga sa'kin?"
"Ah, siguro nga." ngumiti ako tapos tuluyan ng umalis.
9 months..
9 months kaming hindi nagkita after ng break-up namin, can you believe it? After our break up. After 9 months, ganun pa rin siya ka-arogante? Anong klaseng self-confidence ba ang meron yon? Unlimited10years? Naka subscribe sa 8888? Can you imagine? After a chaotic past, 1st meeting niyo after that so called worst nightmare relationship, kung makitungo siya feeling niya makukuha ka niya sa paganun ganun niya?
Ilang beses na naging kami and 9 months ago was our last break up and that was the most painful break up we ever had.
Not to mention that he kept on texting me, messaging me or even trying to go to my house lately. These past few months, every once in a while magpaparamdam siya. But this is the first time I responded. Which is not so hard to do or hindi siya nakakadurog pride, kasi personal naman. And I didn't respond the way he wanted me to do so. I was so cold, so okay na yon.
Pumasok na ako sa first class ko. Tumabi ako kay Nikai. "Nagkita kami." pambungad ko sakaniya tapos bineso ko siya.
"Nino nanaman?" sabi niya habang nagtetext, nakatingin sa phone.
"Linford." sabi ko pagtapos ay itinabing ang bag ko at ipinatong ang ulo ko sa kamay ko.
"Ah yeah, I heard last two months pa siya andito. Pero tinatamad daw pumasok, hirap daw ng adjustments." sabi niya tapos nilagay na sa bulsa ang cellphone niya.
"Kanino mo nalaman?"
"And why do you wanna know?"
"Wala lang."
"AY! May pinapabigay pala si Ace." natarantang sabi ni Nikai at may kinuha sa bag.
Isang box na madaming kaha ng yosi.
"Pinapabigay ni Ace. Nagpabili ka raw."
"Oo, salamat kamo." sabi ko at inilagay sa bag ko yung box.
"Kamo? As if namang hindi kayo magkikita mamaya. Anyway, may lakad ako so I won't be with you later guys sa dinner."
May pumasok na matandang hukluban. "Goodmorning class."
"Goodmorning Sir Ocampo" koro na sinabi namin.
-
Naglalakad ako papunta sa canteen mag-isa. November 17 kasi ngayon. 17 is our alone day. Kung baga, bawal magkaron ng magkasamang magtropa ngayon, except kung same class. Like me and Nikai earlier. :-)
And, we're all in 4th year highschool nga pala. I haven't mentioned that yet right? Nagkakilala kami ng tropang pulpol nung 1st year kami. Kasama si Linford sa tropa naming to, pero since nawala siya nung nagbreak kami, I mean before our break up umalis na siya ng bansa. Hindi na siya nakaka-catch up samin. Hindi na rin siya sa condo namin nakatira. Hindi na rin nagpapakita, sobrang dalang na pumunta sa hang outs. We have our own condo. Share share kami dun. Which is not hard kasi yung iba, hapon yung pasok, yung iba naman umaga, tapos yung iba naman college na. Kaya sa gabi lang kami crowded don. Not that much pero, sa gabi lang kami halos kumpleto don. Unless, may gumimik.
So back to November 17, kaya kami nagkaron ng alone day. Para magkaron kami ng personal space. you know, a time for ourselves naman. Hindi yung puro tropa. Kasunduan naming lahat yon. Meron ding araw na dapat pair by pair kami. Anyway, enough sa friendship namin.
Bumili na ako ng pagkain at umupo na.
Biglang may bumangga sa tray ko, akmang makikishare sa table ko.
YOU ARE READING
I Don't Know How, Why and When
Teen FictionLove is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the tru...
Chapter 2
Start from the beginning
