Yes siya lang tumatawag ng Rena sa kapatid ko ewan ko ba diyan siya nagpauso nan eh.

"Siya sorry not sorry." natatawang sambit ni Serena.

"Tsk you're still the same Rena." sabi ni Jarret tsaka inakbayan si Coleen.

Kaya napatingin si Serena kay Coleen tsaka lumawak ang ngiti kay Jarret.

"Pakilala mo naman ako sa Girlfriend mo." halos maibuga ni Andrei yung kinakain niya samantalang ako nabitawan ko yung kutsara tapos si Joshua ay biglang napaupo sa upuan diba nga nakatayo siya.

"Girlfriend?" nagulat kami sa biglang pagsulpot ni Miguel.

Bigla ding nagtayuan yung tatlo. Ay dalawa lang pala yung biglaan kasi si Criszette tumayo nalang din at napatingin sa dalawang tumayo.

Agad na nanakbo palapit si Stacey sa table namin.

"May boyfriend kana Coleen myghad." sabi niya tsaka priceless na priceless ang mukha niya.

"Kailan ba ko nagkaboyfriend Stacey seriously. He is just my boybestfriend." sabi ni Coleen tsaka napasapo sa noo.

Nagtatakang tumingin si Stacey kay Coleen.

"Oh kala ko ba wala kang kaibigan." dismayadong sabi ni Stacey sakanya.

"Sekreto lang kasi pagiging magkaibigan namin nito kaya diko sinabi sa inyo ang totoo. Sorry na! Pero totoo yung sinabi ko sa inyo noon ha. Pagkatapos ng nangyari na yun nakilala ko itong si Jarret." nakangiting sabi ni Coleen.

At kaninang nagtatakang mukha ni Stacey ay napalitan ng saya.

Abnormal.

"By the way. I'm Stacey Rodriguez." masayang sambit ni Stacey kay Jarret. Inilahad ni Stacey kamay niya kay Jarret tutugon na sana si Jarret ng biglang.

"I'm Christian Ursula Montefalco." nakangising sambit ni Christian.

"Epal ka talagang Ursula ka." singhal ni Stacey kay Christian. Humarap si Christian sa kanya.

"Anong masama sa ginawa ko Stacey nagpakilala lang ako." sabi ni Christian tsaka ngumiti yung sobrang laki.

Dahil nagtataka si Jarret sa iniasta ni Christian napatingin siya kay Coleen kaya si Coleen naman at tatawa-tawang may ibinulong kay Jarret. Kaya ayun pareho silang tumawa.

"Teka totoo bang tumatawa ka pre." nagugulat na tanong ni Joshua tsaka nilapitan si Jarret at hinawakan pa ang noo nito.

"Masama bang tumawa." bumalik sa pagiging walang-emosyon ang mukha niya. Nakita kong siniko siya ni Coleen.

"Jarret." makahulugang sambit ni Coleen tsaka pinanlakihan ng mata si Jarret.

"Oo na. Sorry Joshua sa iniasta ko." bored na sambit ni Jarret. Paanong napasunod ni Coleen si Jarret ng ganun kadali?

Napatingin ako kay Miguel na mukhang bad mood. Ikaw ba naman yung taong gusto mo nasa harapan mo at nakikipaglandian sa kaibigan mo sinong di mababadtrip diba.

Tumingin naman ako kay Christian at Stacey na patuloy na nagtatalo.

Daig pa magjowa.

'Kailan sila matatapos'

Nagulat ako sa narinig ko sa isip ko. At napalingon ako kay Criszette na seryosong nakatingin lang samin what I mean sa nangyayari.

'May patingin-tingin ka pa. Kailan ba kasi matatapos yan papabili pa ko sa kanila ng barbeque.'

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now