CHAPTER 1

486 16 0
                                    

Mikai's POV

(Sabado 1:16 pm)

"Wiieee! Kailine! Uuwi na daw si mama!" Sabi ko sa kan'ya habang hinihila braso n'ya. Na e-excite ako!

"Sino naman nagsabi sayo n'yan? Sabi ni tito next month pa daw ah?" Sabi nya habang nag lalaro ng pou sa cellphone n'ya. Maski sulyap sa akin hindi n'ya magawa sa ka busy-hang mag laro.

"Ewan. Sabi ni kuya Liam uuwi na daw sila mama." nakabusangot ko'ng saad.

"Tss. Kelan daw uuwi? kailan n'ya sinabi?"

"Kahapon lang sinabi ni kuya Liam na uuwi na daw sila. Nasa airport na sila kahapon, ika n'ya." Tumalon-talon pako tapos niyugyog s'ya, grabe! Grabe.. na miss ko talaga si mama t'yaka si kuya Liam.

Huminto s'ya sa pag c-cellphone at tinignan ako ng seryoso. Na pahinto ako dahil sa kan'ya. Grabe, nakakatakot naman mga titig nito.

"Sigurado ka ba d'yan?"

"Oo naman."

"We?" Natigilan ako at nag iwas ng tingin sa kan'ya. Hindi naman talaga kasi ako sigurado.

"Hindi ko alam.." mukhang alam ko na saan papunta ang usapang ito.

"Tss. siguraduhin mo muna nga bago ka umasa!"

*Pout*
Panira naman 'to. Grabe, 'di ako sigurado pero naniniwala ako na uuwi na sila mama t'yaka kuya Liam ngayon. si kuya pa nga nag sabi na uuwi na daw sila. Nagulat nga ako kase bat parang biglaan? Bukas na agad ang uwi? 'Di ba ang wierd? Pero naniniwala parin ako. Hindi masamang umasa, ika nga.

Natigilan kami ng biglang mag ring phone ko. Kinapa ko ang bulsa ko Tyaka ko kinuha ang cellphone ko. Pagtingin ko sa caller, si kuya Liam?

Diba dapat nasa eroplano na 'to? Tinignan ko si kailine na umirap nalang. 'Di ko na s'ya pinansin at sinagot nalang ang tawag.

"Hello Kuya? naka uwi na ba kayo? Ba't Ang bilis n'yo ata?" Bungad na tanong ko sa kanya.

"Woi, Bunso! Pfft." Inilayo ko ang cellphone sa aking tenga at muling tinignan ang screen nito ng may pagtataka. Naninigurado ako kung si kuya ba talaga ang tumawag o mga namp-prank lang.
Ano na naman kayang trip netong kuya ko, hngg.

"Hoy kuya? Bakit ka tumatawa diyan?may nakakatawa ba?" pagtatakang tanong ko

"Natatawa Kasi'ko Ahahaha, pft."

'Nababaliw kana.' saad ng aking isip para sa kuya ko'ng tumatawa sa hindi malamang dahilan.

"Tss, Nasaan na ba kayo? Kanina pa kami nag hihintay dito sa labas ng bahay!" Sabay kamot ko sa aking ulo.

"Baby Kai! Makinig ka sakin-hahaha. Joke lang ang lahat." Natigilan ako sa pagkamot ko ng ulo.

"Joke? Ano na naman ba ang joke? Nakaka irita ka kuya." Napatingin din sakin si kailine na may pag tataka.

"Sabi ko, joke lang. Prank lang ang lahat. Hindi pa kami uuwi ni mama, next month pa. Tsk,Tsk,Tsk! Bunso ko, 'di ka parin talaga nag babago." May bahid ng pang aasar ang kaniyang pagka saad.

Natigilan ako sa sinabi nya. Inis na hinawi ko ang buhok ko.

Ano na naman ba ito. Argh, buset ka talaga kuya.

"Bwisit ka talaga kuya alam mo ba 'yon? Kainis." yamot na pagkasaad ko.

"Hindi eh, pft. Sorry na bunso." aniya n'ya na may halong lambing. I doubt. Lambing ba ito o pangaasar, tsk.

"Sorry mo mukha mo. Nakakainis ito, hilig mang bwisit eh."

"Eh, ang dali mo kasi maniwala. Uto-uto talaga ito'ng bunso ko, kahit kailan. Tsk, tsk, tsk."

Last Dance With You (Completed)Where stories live. Discover now